Jump to content

dildo_baskins

[03] MEMBER
  • Posts

    21
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by dildo_baskins

  1. If by nature mayabang at reklamador talaga sila, bad trip talaga yan kahit nasaan pa sila. much irritating lang kapag bumisita sila sa pinas at panay ang reklamo at pilit kinukumpara sa bagong bansa na nila. ang kadalasang reklamo nyan are mga obvious points like economic development, corruption, at infrastructure knowing na medyo inferior nga ang sitwasyon ng pinas.

     

    But the point is, kung gusto mong baguhin ang pinas, bumalik ka at dito mo ibuhos ang galing mo. Hayaan mong pinas ang makinabang ng contribution mo sa ekonomiya at hindi ang ibang bansa. Otherwise, quiet na lang.

     

    Mas bilib pa ako sa mga OCW/OFW. Kitang kita mo sa kanila sa sabik na sabik makabalik ng pinas at lungkot na lungkot pag babalik na sila sa work nila. dehins ka makakadinig ng reklamo sa mga ito. hanggat maari gusto nilang ma-enjoy ang maigsing bakasyon nila sa piling ng mga pamilya at kaibigan nila.

  2. may ginawang rap song si dyordz javier dati after sumikat ang rapper's delight nung 1980...tungkol ito kay islaw...kalimutan ko na title....

     

    may character si dyordz javier dati sa student canteen pa ata yon. Egay the egoy ang character name nya. nagra-rap na sya that time!

  3. kung mataas na ang cholesterol level mo, bawas ka sa pagkain ng mga animal products. sa hayop kasi nakukuha ang cholesterol. 2 klase ang cholesterol - good and bad. ang good cholesterol are yung omega 3 and omega 6 fatty acids. marami yan sa mga isda. tuna and salmon are rich sources...bad cholesterol siyempre yung mga taba at balat ng hayop.

     

    regular exercise decreases your bad cholesterol level and at the same time increases your good cholesterol level.

  4. tom clancy - jack ryan series only

    robert ludlum - esp. holcroft covenant and matarese circle

    clive cussler - dirk pitt series only

    mario puzo

     

    have read:

    michael crichton - average...nagustuhan ko yung jurassic park....yung lost world parang di na fiction ang dating...daming nang trivia on dinos...

    john grisham - ok sa una...then medyo nanawa ako...one good thing reading grisham is madaling intindihin english nya.

    tolkien ...lotr series....buti na lang pinanood ko muna bago ko basahin....nahirapan ako intindihin maybe because: tolkien in english and the books are written more than 50 yrs ago....

    robert tanenbaum - average

     

    naka wait list pa ako sa da vinci code dito sa public library...

  5. nag-umpisa ako magyosi nung 12 yrs. old ako...tumagal ito ng 10 yrs..nung mga huling taon ko sa university, 1 kaha bawat araw ang konsumo ko....dehins na ako yosi since 1991....dis is my biggest accomplishment in my life...mukhang mababaw pero yung mga di nagyoyosi, di nyo alam kung gaano kahirap ito...

     

    bat ako nagdecide huminto???kasi naramdaman ko talaga na nanghihina ako....sa jogging, swimming, naramdaman ko talaga na mas mabilis ako hingalin....

     

    bat ko nagawa huminto??? dahil nagdesisyon talaga ako na tumigil na....ito ang kailangang maresolve sa sarili mo....kailangan seryoso ka sa objective mo...

     

    several factors na nakatulong sa akin....may naging gf ako dati...out of respect for her, dehins ako yosi sa harap nya...so at least may mahabang oras sa isang araw na di ako nakakayosi...part of my preparation sa board exams ko nun was to work out in the gym...so kasama sa naging plano kong makondisyon katawan ko was to stop smoking.

     

    ang ginawa kong approach was using averages...meaning after magyosi ng isang kaha sa isang araw, kalahati na lang sa susunod na araw...so kinumbinsi ko sarili na for the past two days, 15 sticks ang average ko...then sinubukan ko wag magyosi sa isang araw, tapos compute ulit ng average...then mga 2 consecutive days walang yosi..then 3 consecutive days...then nung Dec 1990, sa isang inuman, may sinindihan akong yosi at sinabi ko sa sarili ko na yun na ang huling yosi sa buhay ko.... sa tingin ko ang naging key was yung makalagpas ka ng isang araw na walang yosi....sa tingin ko hindi effective yung araw-araw kang lang magbabawas ng yosi...kailangan malagpasan mo ang isang araw na wala kang yosi...

     

    so ang tip ko sa inyo:

    1. kailangan 100% decided ka na dapat ka nang huminto... kung nasa denial stage ka pa, dapat aminin mo na sa sarili mo na addicted ka sa nicotene at sinisira nito ang katawan at bulsa mo. wag mo nang bolahin ang sarili mo na masarap magyosi pag inuman or pagkatapos kumain or gusto mo may hawak ka pag naghihintay or walang magawa.

    2. gawa ka ng list ng opportunity na wag magyosi...halimbawa try nyo wag magyosi sa harap ng partner nyo, parents nyo or kids nyo.

    3. try mo isang inuman na wag magyosi

    4. wag kang maghanap ng alternative like candies, gums....abstinence not replacement.

    5. pick up a sport or work out in the gym....nung natitipid mo sa pambili ng yosi ang pangbayad mo sa gym.

     

    by the way, expect to gain weight...i've gained 20 lbs since....

×
×
  • Create New...