Jump to content

golpidegolat

[04] MEMBER II
  • Posts

    187
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by golpidegolat

  1. Free, di ko na kailangan ipaalam pati paghinga ko kanino man. Nagagawa ko na ulit yung mga bagay na gusto ko na na nagagawa ko before I went into a relationship na hindi ko na nagagawa noong nasa relationship na ako (gulo no? HAHA). Hirap sa abusive na partner ay yung siya lang may karapatan maglamyerda at makipag socialize pero ikaw hindi kasi naghihinala siya sa friends mo pero friends niya RAW ay katiwa-tiwala. So bakit hindi pwede mag apply sa akin ang same logic? p#ta, self-serving na interes lagi pinairal sa relasyon namin eh. Lately na lang nagising noong naging sobrang destructive na.

  2. This is a disaster waiting to happen. Ganito rin ang philosophy ko dati, total submission of everything kapag mahal mo ang tao at kung wala ka nga namang tinatago ay bakit hindi? Pero ayon nga sa isa nating kamiyembro dito sa MTC, ang problema sa "Nagseselos lang ako kapag nasa lugar" ay once na nagselos ang isang tao, LAHAT NASA LUGAR. Learned this the hard way. I believe it is also a matter of respect and trust sa partner mo.

  3. Mas open ako sa pananalita at mga topic na mapag uusapan dito sa MTC than irl kasi kapag pumunta ka dito sa MTC, given na na may mapag uusapang "kakaiba" (IYKWIM) unlike irl, nakaka awkward naman i-open na: "ui, nakaranas ka na mag mp? Kasi ako hindi pa eh. Ano feeling?", "sino dito may threesome experience? Ano feeling?", "ui, saan ba magandang motel?" or "share ka naman ng sexperience mo". HAHAHAHAHA. Though ganoon ako sa mga sobrang close ko na tao pero bihira lang sila. Dito pwede ka mag start sa ganoong usapan agad kasi yun ang common niyo, and from there could lead to anything. Kung doon nag start ng walang ilang, meaning, pwede na mapag usapan kung ano-anong mga bagay.

  4. Guys, how about kung pokpok dati yung girl? Yung tipong nagpupunta sa mga bars to have one night stand with the guys? Seseryosohin nyo pa din ba even if nangako sya na magbabago?

    Sir, kung yun pa rin yung girl na sinasabi niyo sa previous post niyo, what matters now is yung present and kung committed na siya sa inyo. May mga tao talagang ganyan, mahilig sa sex up to the point na nakikipag fubu na sa iba, both male and female. The point is, if they are doing that while they are committed and/or if the partner is aware of it (yung iba kasi aware pero kembs lang). Bahagi na ng nakaraan niya yun and there's no point na pag usapan pa. Hindi ka ba mawiwirduhan na sabihin niya out of the blue na: "ui, alam mo ba I had multiple sexual partners before you". May mga pagkakataon na ganon kahit na may mga moments na pinaparamdam mo at sinasabi mo literally na: "maiintindihan ko at gusto malaman ang past mo". Lahat naman tayo ay may nakakahiyang nakaraan or something na hindi natin openly maise-share sa ibang tao kahit na hindi ito katugma sa usaping sex and virginity. Anong malay natin, baka ang pleasure from sex ang nagiging "compensation" niya sa feeling ng pagiging "incomplete" niya ng mga panahon na 'yon. Ngayon kung gagawin niya pa rin yun despite na kayo na and aware na kayo both sa sikreto niya AT ginawa niya na naman ulit, ibig sabihin ay the "pleasure" to "compensate" sa kung ano mang nararamdaman niyang kulang sa buhay niya ay mas mahalaga kaysa sa kung anong meron kayo sa kasalukuyan.

     

    Nobody's a virgin anymore because life f#&ks as all at one point. May kanya-kanya tayong rason kung bakit tayo "ganito" ngayon. Intindihin mo kung bakit yun nagawa ng GF mo bago maging kayo at pag usapan niyo heart to heart. Alamin mo kasi gusto mo siyang tulungang magbago at makalimot sa pait ng nakaraan niya and make sure she understands this. Given na serious siya talaga sa relationship niyo. hindi na niya kailangan ng taong paulit-ulit na magpapaalala sa kanya ng mga pagkakamali niya and by this, for sure, hindi na niya uulitin yun.

     

    It is up to you sir. Iintindihin mo ba na lahat tayo ay may mga pinagdaanan at pinagdadaanan sa buhay natin na nagpapabago sa atin or iintindihin mo ang sarili mo sa pananaw at prinsipyo mo about sa makakasama mo sa buhay. Walang mali at wala ring tama. Isipin mo ang sarili mo sa hinaharap kung anong choice ang maaaring pagsisihan mo pagtanda mo at nakaupo ka mag isa sa tumba-tumba at binabalikan lahat ng ginawa mong desisyon sa buhay mo.

  5. Okay lang basta susubuan natin ang isa't-isa para pareho naman tayong nabubusog at 'di lang ikaw :lol:

     

    Kahit na sa tuwing uulan ay patitigilin kita sa kahit anong ginagawa mo at di kita aayain na wag na lang tayo pumasok at mag cuddle na lang tayo at magkuwentuhan?

  6. - Don't give your everything to everyone. Kahit ipinaramdan nila sayo at one point na mahal ka nila at mahalaga ka sa kanila. Magtira ka para sa sarili mo. Ang mga taong least na inaakala mong gagaguhin ka ang manggagago sayo. Always be cautious to literally everyone.

     

    - Not everyone you meet will/should stay in your life. Minsan talaga may lesson lang sila na dapat ituro sa'yo and you should accept that they will leave after.

     

    - Huwag ka papaapekto sa sinasabi ng iba as long as alam mong tama ang ginagawa mo.

     

    - Huwag ka magpapaniwala agad sa mga naririnig at nakikita mo. Hindi lahat ng nakikita mo ay "as it is".

     

    - Enjoy every moment of your life. Looking back, mas masaya pa pala ako noong bata ako kaysa ngayong matanda na ako. Dati winiwish ko na sana matanda na lang ako para nagagawa ko lahat ng gusto ko. Ngayong nagagawa ko na lahat ng gusto ko, ang tanong: "masaya ba ako?"

    • Like (+1) 1
  7. Nangyayari ito kahit sa mga lalaki, sinasaktan sila (physically, mentally, psychologically, verbally) ng babae. Dapat as a society baguhin natin yung mentality na "hindi dapat sinasaktan ang babae", "nirerespeto dapat ang babae", "duwag ang lalaking nananakit sa babae". Why? Some women (not all) either consciously or unconsciously uses these logic para maramdaman nila na they are supreme or may authority sila over men. Nagkakaroon ng dangerous precedent (and it is well documented) na nagkakaroon ng degree of being "untouchable" ang mga babae sa pananaw ng lipunan at mata ng batas simply because "babae" sila, without looking into what they did AS human beings. Dito sa Pilipinas, kapag ang lalaki ang nanakit ng babae, VAWC ang katapat. Pero kapag babae ang nanakit, sa pagkakaalam ko, somewhat general ang mga batas na applicable dito (kung sino nakakaalam, please specify).

     

    Abuse in all forms is bad. But we have to remember there is such a thing as "reactive abuse". This is a kind of abuse that was done in response to the abuse the victim is receiving. There are reasons bakit nagagawa ng isang tao ang ginawa niya, regardless of their gender.

     

    Dapat as a society we believe that "hindi dapat sinasaktan ANG KAPWA MO", "nirerespeto dapat ANG KAPWA MO", at "duwag ang taong nanakit SA KANYANG KAPWA". These are the values I want to instill to my children. Kung ang lalaking anak ko ay sinapak ang isang babae IN RESPONSE sa pananapak ng babae, so be it. I support it the same way I'll support my son if what he did is in response to what his male friend/colleague did to him. Pero hindi ko palalagpasin kung anak ko (babae o lalaki) ang nagsimula ng away o pananakit.

     

    I believe in equality. Kayang gawin ng mga babae ang kayang gawin ng mga lalaki. With this in mind, kung kayang manakit ng mga babae ay kaya rin manakit ng mga lalaki AND VICE VERSA.

     

    HINDI KA DAPAT NANAKIT NG KAPWA MO DAHIL ALAM MONG MAKAKATAKAS KA SA GINAWA MO. ISA NA RITO AY ANG PAGIGING BABAE. DAHIL HINDI KA DAPAT NANANAKIT NG KAPWA MO IN THE FIRST PLACE KAHIT ANO PA MAN ANG KASARIAN MO.

  8. Magbibitter. Because of love? No. Because of the circumstances why we broke up. Sarili niya lang iniisip niya and yet here I am used and taken advantage of. Objectively speaking, kung aware ang mga tao sa paligid niya sa ginawa niya, they will also say she doesn't deserve to be loved (siguro for the time being pero SANA magbago ugali niya).

  9. No I wouldn't. Sobrang hassle. Kung ayaw mo na sabihin mo na lang.

     

    Kung hindi mo mabitawan both, you're just being selfish. Kahit anong gawin mo (keep both or iwan ang isa) mayroong masasaktan. But when you chose to keep them both, ang iniintindi mo lang na ayaw mong masaktan ay ang sarili mo. Huwag mo i-victimize ang sarili mo (this also applies sa kabit) at sasabihin mong "nagmahal lang ako".

     

    Just my two cents.

     

    P.S. I am for open-relationships and fubus while you're in a relationship BUT as long as you have mutual understanding about it with your first and/or "legal" partner.

×
×
  • Create New...