Jump to content

golpidegolat

[04] MEMBER II
  • Posts

    187
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by golpidegolat

  1. I don't mind falling in love with a therapist basta mutual kami. Hindi ko rin siya patitigilin sa trabaho, so as long as she should always put "our" safety in mind sa work niya, so to speak. Alam naman natin kung ano yun.

     

    Ako ang pumasok sa buhay niya during the time that she's a therapist, wala ako karapatan husgahan siya let alone paalisin siya sa work na 'yun. But if it is okay with her leaving her work at financially stable ako, mas okay.

    • Like (+1) 2
  2. Among the once I tried, I'll give my thumbs up to MANG INASAL. Even though they are a part of the Jollibee Group now, they were able to maintain their original concept. And their prices are still very reasonable. Their other side dishes are also okay for the price.

     

    FOOD (INASAL) : 4/5

    SERVICE : 4/5

    AMBIENCE : 2/5

    PRICES : Cheap

    OVERALL EXPERIENCE: 4/5

     

    I usually order the Pecho with Rice, Fried Lumpia or Sisig, Halo Halo, The Chicken Inasal Pecho is still juicy and tasty and has that smoky grill taste for Php100.

    They even got better under the mgmt of Jollibee. May mga picture kami dati sa Mang Inasal noong mga unang taon nito and sa picture pa lang makikita mo na mas malaman at mas "instagram-worthy na ang itsura ng mga manok nila. I'm disappointed with their sisig, puro chicharon lang yung nakain ko. Maybe sa branch lang kung saan ako kumain.

  3. Kapag naaalala ko break up namin, naalala ko mga arguments namin na hindi sana mangyayari kung nakikinig lang siya. Hindi ako frustrated na nagkahiwalay kami pero frustrated ako na hindi siya marunong makinig at umintindi. Mas pinagkakatiwalaan niya pa yung mga mahilig magmagaling at makisawsaw. Nevertheless, sumobrang gaan na rin ng pakiramdam ko dahil mahirap makipag relasyon sa taong nasa tamang edad naman na pero parang underage ang pag iisip. Akala niya siguro laro-laro lang para i-share sa mga friends mga nangyayari sa amin.

  4. Mahalaga lang siguro on the basis na kung may STD ba siya or what. May iilang boys and girls na napakaraming experience before they settled.

     

    Siguro for transparency and/or curiosity na rin sa past life ng partner mo bago kayo nagkakilala.

     

    Magiging issue lang ito sa mga religious na no to premarital sex (kasi may mga religious naman na pro. ymmv) or sa mga taong plain and simple no to premarital sex.

     

    But then again sabi nga nila, nobody's a virgin anymore since life f#&ks us all at some point.

  5. 1.) Respetuhin mo sarili mo. Hindi dahil mahal mo ay hahayaan mo na lang na umabuso siya sa kabaitan mo at kagustuhan mong mapasaya mo siya.

    2.) Walang "babae" o "lalaki" sa isang relasyon (per se). Hindi reason ang manakit ka kung babae ka (dahil mas "mahina" ka) o lalaki ka (dahil mas "malakas" ka). Minsan nakapananakit din tayo sa ibang paraan dahil lang sa tingin natin ay mas "may karapatan" tayo sa ibang bagay based on our gender. "Never sa akin sinabi ng papa ko mga sinabi mo sa akin", bakit, hindi mo ba naisip na never din sinabi o ginawa sa kanya ng nanay niya mga ginagawa mo sa kanya?

    3.) Learn to admit mistakes and forget it once na napag usapan na. Hindi yung hihingi ka ng tawad para manahimik partner mo tapos ibibring up mo sa mga susunod na araw para i-expect na siya naman ang mag sorry.

    4.) Give each other privacy. Bakit kamo? Minsan kasi kahit wala namang kaselos-selos ay pag aawayan na. Kaya mas mabuti na huwag na lang hayaan ang partner na basta-basta basahin ang private messages mo. Bukod sa may kani-kaniya rin kayong mga buhay.

    5.) Trust. Ito ang pinakabasis ng isang relationship. Huwag mo muna sagutin or huwag muna maging kayo kung wala kayong trust sa isa't-isa. Ito ang isa sa mga may pinakamalaking factor sa pagtagal at pagkakaroon ng saya sa isang relationship.

     

    EDIT: Kaso funny pala dapat. Sineryoso ko naman. FAIL! Sorry ngayon ko lang na-realize.

  6. Yung crush na crush ko na thera. Though I haven't been to a spa. Lagi ko lang sinusubaybayan mga bagong pictures niya sa thread ng spa nila.

     

    Ang ganda talaga ng mata niya lalo na ng smile niya. Bonus na lang yung sexy figures niya for me.

     

    Kanina ko lang nakita sarili niyang profile at lalo akong na-fall kasi sobrang pusong mamon pala si thera.

     

    O.T.: Na-realize ko lalo na wala tayong karapatang manghusga ng kapwa. Mas tao pa ngang maituturing ang ibang nasa espa industry kaysa sa mga "hayop" na may matitinong trabaho na may "matitinong" pinakikita at pakikisama.

  7. Siyempre tatanungin ang GF ko kung:

     

    1.) Payag ba siya?

    2.) May gusto ba siya sa nanliligaw?

    3.) Paano sila nagkakilala o nag krus ang landas nila?

    4.) Alam ba ng manliligaw niya na may bf siya ngayon?

    5.) Anong reaksyon ng manliligaw niya noong malaman na may bf ang nililigawan niya?

     

    Depende sa isasagot ng gf ko kung kakausapin ko yung lalaki o hindi.

     

    Hindi ko naman aawayin, kakausapin ko lang.

  8. Hi i just got an unforgetable experience with a sexy, hot and beautiful thera and its the nicest thing that happened to me in my espa life. During a session i said "if i could just kiss you" ang sabi nya "sure" but i didn't kiss her. Should i kiss her in our next session or what? And I think im missing her :(

     

    nako ayan na, huwag agad padadala sa emosyon at malaki ang chance mo (as of now) na one sided 'yan kapatid

    Hehehe she txted me.

    "Sometimes we need to fight for it. But sometimes we need to let go" #single"

     

    Mukhang iniwan na sya ng bf nyang may asawa. Sorry girl. Hindi na kita mamahalin pa ulit. Sobrang sakit ginawa mo sakin. Friends na lang tayo. Haha

    baka naman gm lang?

  9. Well my ex and current gf says so. But i really do see it as a gentleman. Pag wala ka namang balak wala naman talaga so i dont think i am a flirt

     

    Says so tungkol saan? Kumbaga sa paanong paraan na nakikita nilang ikaw ay nagiging flirt?

     

    Kung may GF ka at may sinabihan kang ibang tao ng "I love you", it is really subject to different interpretation considering sa konteksto kung saan mo sinabi ang salitang "I love you". Interpretation na mapapasama ka. Kasi, may gf ka, and yet may sinasabihan ka ng "I love you".

     

    I know some guy friends na nakaka appreciate sila ng beauty (which is normal lang naman sa lahat ng tao, regardless of gender) and yet inaaway sila ng GF nila kapag naaappreciate nila ang beauty na yun sa ibang tao. Some girl friends that I know do not mind, some do.

     

    As I've said ang salitang "flirt" ay subjective ang meaning. Depende rin ito sa open-mindedness ng ibang tao regarding sa mga usaping relationships.

  10. Considered ba as flirting yung may sinabihan kang crush mo sya... pero di mo naman kaya ligawan?

     

    Depende sa konteksto ka MTC. Maraming factors to consider eh.

     

    Minsan as a person, matagal ka ng may gusto sa isang tao, eventually naging magkaibigan kayo, then sinabi mo lang sa kanya just so he/she knows pero wala ka namang balak ligawan kasi alam mong di kayo magtatagal based on your personalities.

     

    Minsan ang salitang "flirt" ay may subjective na kahulugan. Others may see it as flirting and some may not.

×
×
  • Create New...