Jump to content

R i r i

SUSPENDED
  • Posts

    1021
  • Joined

  • Days Won

    1

Posts posted by R i r i

  1. Dahil wala naman akong magawa share ko nalang yung tatlong client na nagbigay ng kulay ng spakol life ko :D

     

    1) Eto yung pinakaromantic sa lahat, nakilala ko sa unang taon ko sa spa. Bumibisita biglaan, mageextend ng tatlong oras usap usap lang. Ako nanghihinayang sa pinangeentrance nya kaya sinabi ko pwede naman ako sa labas kung gusto niya ako makausap. Siya pala yung unang lalaking nagbigay sakin ng bulaklak sa 19 years ko sa mundo. Naguguilty ako dto kasi patagal ng patagal panahon nafall nadin naman talaga ako di nya alam may sabit ako sa labas that time. Naalala ko nung nagdate kami halos bumaliktad sikmura ko sa kaba.. :D Madaming pa suprise tong si #1 anjan padeliver bulaklak with chocolates, pizza (favorite ko) with message pa pagbukas ng box, naalala ko din inantay ako neto patago sa labas ng spa para lang makita nyang safe ako makakaalis nagtext pa ng "Ang ganda mo sa suot mo , mag iingat ka pag uwi"

     

    Ito yung halos painitin ung cellphone ko sa misscall dahil di ko na sinasagot at nafafall na ko (Hindi yun pwede) di ko makakalimutan isa sa mga last text nya "Bigyan mo naman ako ng maayos na closure" :(

     

    2) Eto naman yung ginawang fairytale yung buhay ko ng 8 na buwan. Yun nga lang, di happy ang ending. Si #2 yung man of my dreams ko. Cutie talaga nagiwan ng number pero buwan bago ko tinext kasi nahihiya ako. Muntik nakong magtutumbling nung nabasa ko reply nya na "Antagal ko inantay text mo" muntik umabot ng SLEX ang buhok ko dto. Dumaan mga araw na puyat kakausap hanggang alas kwatro ng umaga , hanggang sa nalaman ko na lumabas na pala sa ilang magazine at tv to si #2. Ayoko na, hindi ko to reach at bawal ako mainlove. Joke lang, marupok ako ipupush ko to. :) Hanggang ngayon naalala ko padin kung gano mo halos napasabog puso ko sa mga ngiti mo at kung pano mo ginawang 5 minuto ang isang oras sa loob ng cubicle. Tuwing bababa din ako sa V.mapa ikaw agad naalala ko kasi jan lagi meeting place natin :D Muntik na din ako pumayag makipaglive in dito mabuti nalang laging nakatatak sa isip ko na wag, wag na wag. Hanggang sa medyo lumalayo nadin ako kasi alam ko namang walang patutunguhan at kung sakali mang susubok ako ulit ayoko ng lalaking sa spa ako makikilala kasi ito yung dark side ko.

     

    3) Si dadddddyyyy! Hindi nya alam na nafafall ako sknya ang decent kasi ng lalaking to. Nameet ko to mga 2017 at hindi pala nakalimot si daddy sa aking perpormanzzz sa tawag ng tanghalan. charoot! Hindi sya daddy gusto ko lang sya tawaging daddy 31 palang sya binata inaantay ata ako char! :) Binalikan ako neto after isang taon at medyo napadalas ang usap din. Mukhang masungit kaya ang sarap sa feeling pag napapangiti ko sya. Lagi ko nilalambing kaso di sya marupok malapit ko nga tong ipagayuma ng malagay na kaming dalawa sa tahimik e. chaaar! Nakakausap ko pa to hanggang ngayon at may ilang araw pa kami para hindi maging malamig ang pasko namin. hahahaha joke lang. Malabo to. Mabait si daddy, career driven at masasayang lang lahat ng hirap nya pag sakin lang sya napunta. Hi dadddddyyy wag ka mashookt pag nabasa mo to.

    • Like (+1) 4
×
×
  • Create New...