pakjoo
-
Posts
42 -
Joined
-
Last visited
pakjoo's Achievements
About Me
Hindi ko maintindihan
Kung bakit biglang nauwi sa hiwalayan
Alam ko, marami tayong pinagdadaanan
Kala ko, magkasama tayong babalik sa ating tagpuan
Ngunit bigla mo na lang ako iniwan
Hindi malaman kung anu ba talaga ang dahilan
Ang daming mong sinabing rason
Pero lahat ng iyon ay pinaniwalaan mo no-on
Kaya akala ko suportado mo ko hanggang sa dulo
Hindi na pala, bat ang bilis mong sumuko?
Ngayon pa lang ako natututo
Handa na magbigay ng mas hihigit pa kesa sa aking puso
Pero huli na ang lahat para sa akin
Hanggang dito na lang ang storya natin
Pero ano pa ba ang magagawa,
Hindi naman pwde ipili ang aking sarili
Subukan na lang i-daan sa tawa
Pero kahit idaan sa tawa, para ako ay isang ligaw na tuta
Hindi alam kung paano muli mag sisimula
Dahil lagi kang kasama sa pangarap
At ikaw ang rason kung bakit damdamin ay laging nasa alapaap
Pero ngayon, hanggan panaginip ka na lang mayayakap
Ano pa man ang mangyari,
nabuhay ako ng mag isa dati
Kahit nasa sa iyo ang aking mga sinagtala
Sila ang mag sisilbing pag-asa at inspirasyon.
Paalam sa ngayon.
****Madrama kasi yun talaga ang eksena ng buhay ko.
Parang Boracay Beach lang yan, may panahon na puro lumot ang ibabaw at hindi mo na nakikita kung gaano ito kalinaw. Pero nasa sa atin na kung tatanggalin mo ba ang lumot para bumalik ang dating linaw ng dagat, pwede din hintayin mo na lang na matapos ang "lumot season" o di kaya hayaan mo na lang na iba ang magtanggal ng mga lumot na iyan para sayo.
Salamat sa oras!