Jump to content

ekim77

[03] MEMBER
  • Posts

    53
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by ekim77

  1.  

    Well

     

    Lahat naman dito nasabi na. Eto na lang dadagdag ko.

     

    Simple lang naman kasi problema eh. Kung di ka na masaya at tingin mo hindi ka na nagiging mabuting tao sa kinakasama mo, eh di hiwalayan mo ng maayos. Make clear terms. Leave the person with a bit of dignity. Then do what you want. Para sakin, affairs are for cowards. Ayaw mo na pala, eh di panindigan mo at hiwalayan mo.

     

    Second, I do not believe that we should always pursue things that makes us happy. Happiness is not a gauge kung tama o mali ginagawa mo. At minsan kelangan isakripisyo natin mga bagay na nagpapasaya satin para sa huli yun tama ang mangingibabaw. Yan kasi ang hirap, basta masaya tayo, blurred na yun line ng right and wrong. Pilit natin lolokohin sarili natin na tuwid ang isang bagay na kitang kita namang baluktot.

     

    Ang happiness, parang pera din yan eh. You can be blissfully happy and feel you got everything you want doing something dishonest. Or you can be a little happy and at the same time feel something is missing. Pero huwag ka, ang lahat ng utang ay may kabayaran. Life is not fair but it is just. The devil has a way of collecting. Umutang ka ng kaligayahan sa maling paraan, malaking interes sisingilin nyan sayo. Isipin mo, si Napoles siguro nung di pa sya nabubuko naguumapaw din kaligayahan nya. Pero ngayon na nakakulong sya at buong pamilya nya minumura ng tao, malamang nagiisip sya ngayon kung worth it ba ginawa nya.

     

    Sana makinig yun mga dapat habang di pa huli lahat.

    • Like (+1) 3
×
×
  • Create New...