May nakasabay ako sa jeep, katabi ko, tingin ko teenage na babae, todo iyak. Naawa ako. Abutan ko sana ng panyo para pamunas sa luha nya kaso nakatitig yung lalake sa harap nya. Teen din. So naisip ko baka may syota at LQ lang. Tapos nung napansin ng babae na napapatingin ako sa kanya. Nagkakatitigan kami. Ganda pala nya.. at ayun tumahan na sya sa pag iyak. Pinakiramdaman ko kung ano gagawin nya at nung kaharap na lalake. Deadma lang ung lalake. Tapos napapatitig din ung babae dun sa lalake. Hanggang sa bumaba na ung babae, sobrang malungkot.
Ang sad story dito. Dapat bumaba na rin ako at sinamahan sya 😅. Di joke lang. Dapat talaga naiabot ko ung panyo 😁.