Jump to content

Ethel

[05] MEMBER III
  • Posts

    244
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Ethel

  1. Anthology along Adriatico, in Malate. No dress code. Come as you are.

    Sit at the bar. Watch tv. Listen to good (read: 80's) music.

    Open at 5pm onwards. (up to 12mn or 2am on weekdays, sometimes up to 4am on weekends).

    It's in malate, so be ready to walk. Parking's tight.

  2. ART & LITERATURE... dami ako n'yan... hope to get better with AGE. =)

     

    "AKALA"

     

    Inakala mo bang mahirap akong i-please? Dahil maraming nagsasabi na matalino ako? Sana hindi, dahil ang totoo, napakababaw ng kaligayahan ko. Isang tasang kape, o dalawang boteng beer, na may kasamang makabuluhang usapan. Ni minsan, hindi kinailangan ng talino para dun.

     

    Inakala mo bang mahirap akong kausap? Dahil marami akong tanong? Sana hindi, dahil ang totoo, tuwing nagtatanong ako, ipinagdarasal kong sana, matutong sumagot ang kausap ko. Wala naman kasing tama o maling sagot.

     

    Inakala mo bang hindi ko makakayang intindihin? Dahil iyakin ako? Sana hindi, dahil ang totoo, napaka-lawak ng pang-unawa ko. Kaya kong magparaya, kapalit ng kaligayahan mo. Sana nagsabi ka lang, dahil sa maniwala ka at sa hindi, maiintindihan ko.

     

    Inakala mo bang tanga ako? Dahil marami akong hindi pinansin? Sana hindi, dahil ang totoo, sadyang pinalampas ko ang MGA bagay-bagay. Inipon. Hangga’t kaya ko.

     

    Inakala mo bang mag-iingay ako? Dahil madaldal ako? Sana hindi, dahil ang totoo, mas mabuting may sinasabi ako. Mahirap kapag tumahimik na ‘ko. Ni minsan hindi ko ginustong umabot sa ganun. Dahil kapag nangyari yun, ibig sabihin wala na ‘kong nakikita, naririnig, nakikilala. Wala na ‘kong pakialam. Anuman ang mangyari sa ‘yo. Ayokong umabot dun. Pero nandun na. Siguro dun talaga papunta. Di ko na kakayaning bumalik. Di ko na GUGUSTUHING bumalik.

     

    Inakala mo bang madali mong nakuha ang pagmamahal ko? Dahil napakabilis ng pagpayag ko? Sana hindi, dahil ang totoo, madali kong ibinigay. Dahil akala ko, pahahalagahan mo, higit sa pagmamahal, ang tiwalang ibinigay ko. AKALA KO.

     

    Dapat ba hindi?

  3. You don't kick the habit 'til you hit rock bottom. With me it has always been that.

    Either I love or I don't love. Either I give or I don't give. Either I hurt or I don't hurt.

    I don't believe in "editing" what and how you feel. It's either there or it's not there.

    I give what I can. I do what I can. By the time I quit, by the time I give up,

    by the time I say "I'm done.", that's it. There's no turning back.

     

    Rationale: I don't want a million what if's running in my mind when I wake up one day.

    I wanna be able to say "I did what I could, maybe more. That's it." =)

×
×
  • Create New...