Jump to content

khilua23

[09] REVERED
  • Posts

    960
  • Joined

  • Last visited

  • Days Won

    1

Posts posted by khilua23

  1. bago ako kumuha ng accountancy course (graduate na ako), mga choices ko talaga noon dentistry, criminology, or mascom...

     

    kaya hindi ako nag dentistry or criminology, kasi magaaral pa ako ng patay eh ayoko nga tignan ung mga patay sa kabaong, un pa kayang hawakan ko at pagaralan.

     

    kaya rin hindi ko kinuha ung mascom kasi sabi nila konti lang daw mga job offers sa mascom and ung mga galing sa prestigious schools or mga kamaganak ng mga kilalang personalities ang priorities nila.

     

    pero ngayon gusto ko subukan mag mascom or criminology..

  2. nung high school ako, taga gawa ng mga projects ng mayayaman kong classmates tapos babayaran nalang nila ako.

     

    nung college na ako, pagpapaending sa pba games naman ang raket ko para extra pang gimik. lagi naman akong kumikita kasi marami din akong kilala sa school.. :thumbsupsmiley:

  3. 1st day ng ROTC nung 1st year college ako, sobrang init nasa field kami... private ang kinuha ko nun eh. then ang daming nagrereklamo sa sobrang init.

    pumunta ung dating kasama ng barkada ko sa CAT bilang officer. tinatanong siya kung gusto niya daw maging NCO (Non Commission Officer). ung hindi tataas ang rank mo bilang officer pero hindi ka naman pwedeng parusahan ng mga high ranking officer. kasi that time kulang ung officers sa dami ng mga private.

     

    sabi ko sasali din ako (kahit hindi ako naging officer ng CAT at wala akong alam sa mga command). tinanong niya ako kung kaya ko ba raw un. sabi ko kaya ko. kaya un, after ilang minuto bumalik ako sa field na officer na.

     

    nagtaka nga ung mga barkada ko na hindi alam na sumali na ako sa pagoofficer. tapos un, lahat ng hinandle kong company gusto akong officer kasi pinagpapahinga ko lang sila sa may lilim ng puno. at pag may manggugupit ng mahahabang buhok, tinatawag ko lahat ng barkada ko tapos ilalayo ko sila dun sa hindi sila makikita.

     

    and last, ung nakaaway ko nung college na MP... pinarusahan ng mga kasama kong officer. :thumbsupsmiley:

  4. pag quizzes lang minsan lalo na sa chemistry and physics... hehehe...

     

    pero pag exams na hindi na ako kumokopya o nangongodigo.. takot ako eh. pag nahuli ako dun bagsak na agad di tulad pag quizzes sa particular na un lang ako babagsak pwede pa bumawi sa susunod. kaya pag exam na hindi bale bumagsak wag lang mangopya. :hypocritesmiley:

  5. ako ung tipong class clown.. sabi nga ng mga classmates ko pag nasa klase raw ako hindi nakakaboring kasi kahit teachers ko niloloko ko.. sinasabi nga ng mga classmates ko dapat daw ako ang class president kasi kahit grupo grupo sila sa klase, bawat grupo ka close ko...

     

    madalas din akong teacher's pet. sinasabi ko pa nga sa classmates ko na tita ko ung isang teacher namin kahit hindi naman. nung dumating pa ung anak niya tinatawag kong pinsan. nagtaka nga siya tapos tinanong sa mama niya kung pinsan ko nga ba talaga siya. mula high school hangang college madalas teacher's pet ako. pag nga sinasabi nila terror daw ung new teacher namin sinasabi ko sa kanila 1 week lang close na kami nun... na nangyayari naman.

     

    hindi naman sa nagyayabang, pero nung college na ako, sikat na ako sa campus kasi lahat ng department kilala nila ako. sabi nga nila takbo daw ako sa student council sigurado mananalo ako. kaya lang ayoko ng maraming pinagkakaabalahan.

     

    pagdating naman sa pagaaral, ako lagi ang highest sa mga major subjects namin sa accounting kahit hindi ako nagaaral, at last minute review lang pag may exam. mahilig kasi ako sa math and logic.. :thumbsupsmiley:

  6. nung 4th year high school ako... 1st time ko sumayaw ng sweet dance with my crush who was previous year's prom queen then.

     

    on that prom night nasa gitna siya ng dance floor hinihintay ako na isayaw siya. nilapitan ko siya para isayaw at ibigay ung roses... nung papalapit na ako sa kanya, napatid ako sa kable ng spotlight, sumubsob ako sa harap niya. pagtayo ko sabay bigay nung roses. tapos nung sinasayaw ko na siya naapakan ko ung paa niya. after the 3rd song, sabi ko sa kanya tama na kasi pagod na ako sumayaw. iniwan ko siya sa gitna ng dance floor habang hinihintay niya ako na ihatid siya sa table nila.

     

    after nun niligawan ko na siya... kaya lang before graduation tinigil ko panliligaw ko kasi akala ko useless lang. di ko alam sasagutin na pala sana niya ako nun... last week nagkita kami sa video city. ngumiti siya sa akin, pero hindi ko siya pinansin kasi nahihiya ako sa kanya.

  7. ngayon may 3 cel ako... by june may samsung cel nanaman ako pasalubong sa akin from states. tapos may bibilhin pa ako N73 which i won on auction for a low price kaya sayang naman kung hindi ko kukunin. sa ngayon 2 lang dun ang ginagamit ko. naka stock ung 1, and siguro pati ung 2 na dadating palang.

  8. Boxing: Quinito Henson

    PBA: Charlie Cuna, Jason Webb, Dominic Uy, Noli Eala

    UAAP: Boom Gonzales

    NCAA: Butch Maniego

    NBA: Andy Jao

     

    San na kaya si Anthony Suntay?

     

     

    si anthony suntay sports caster na sa espn ata... nung last fiba games, isa siya sa commentator ng espn nun. i remember sabi ng kasama niyang amerikano tungkol kay caguioa, "that man is like the spark of the team".. tapos sabi ni anthony suntay "do you know that back in the Philippines, he used to be called the spark?"... :thumbsupsmiley:

  9. Okay naman 'yung bagong import nila, sana lang nakuha nila ng mas maaga baka medyo maganda pa ang standing nila. He definitely gave them that inside presence that they badly needed. I am surprise to read in the papers last week that pf will replace rice, i mean, he is a scoring machine, sayang, sana makabalik ulit si rice sa PBA.

     

     

    scoring machine nga... kaya papalitan kasi hindi na raw masyadong nakakahawak ng bola si yap and raymundo. gusto nilang import ung nakakapuntos off the board. (tulad ni alexander)

     

    sa wakas nanalo rin ang ginebra!! sana makapasok sila sa playoffs then maging healthy sila.

  10. Since the topic is angeles.

     

    is it ok for me to ask about angeles city here??

     

    started a tread about my q in hotels and destination but its deleted :(

     

     

    so if any can pleas confirm that im alowed to ask and post here.. pleas do so..

    i have a question

     

    ok lang... ano gusto mo malaman?

  11. maganda dito.. lalo na pag may tigtigan-terakan sa angeles or pag may hot air balloon..

     

    maganda magstay sa fontana.. mga villas dun (1 master's bedroom, 1 room with 2 single beds, 1 servant's quarter) fully airconditioned bawat villa. may casino and nice swimming pool sa place. and malapit sa mga duty frees para kung gusto niyo mamili ng pasalubong na mura lang.

     

    pwede rin kayo magstay sa mga hotel sa labas lang ng clark kung gusto niyo makamura..

     

    if you're not from pampanga, and you want to visit the place... maybe i can help (just to meet new friends from other places)... hehehe....

  12. matagal ko nang gusto pumasyal sa sagada (since nabasa ko ung book 8 ng haunted philippines)

    marami raw kasing kababalaghan sa lugar na ito.

    anyway, thanks sa mga info niyo, mas lalo pa akong nagkainteres pumasyal dito.. :thumbsupsmiley:

×
×
  • Create New...