Nagstart ako room for rent lang around Makati. Yung isang sakay lang ng jeep. Ginawa ko yan for 12.5 years, habang nag-iipon ng 10%. This was 1994-2006. Nag start ng P2.5K per month in 1994 then naging P4K in 2006. Pero by that time, nakaipon na ko ng 33% pang down payment sa studio condo na malapit sa work. Natapos ko yung condo payment ng around 12 years pa (2006 to 2018).
So Ok lang mag-start P40K kasi after 12 years baka nasa P80K na yan. Maghanap ka lang ng room for rent na P5K per month, tapos mag-save ka ng P120K-150K per year. For 12 years. mga nasa P2M na yan. You can then buy a studio unit say P6M. with DP of P2M and loam mo is P4M. Then in another 12 years bayad mo na yang P4M.