Bagong member here, first time mag-post sa thread na ito! Napansin ko yung tanong about traffic — totoo ba na kahit weekdays ay ganun pa rin kadami tao sa Tagaytay ngayon? Nabalitaan ko kasi na nag-improve na sila ng road management doon.
Anyway, planning na kaming pumunta next month, barkada trip. Gusto namin yung classic Tagaytay experience — bulalo habang malamig, magandang view ng Taal. Saan ba ang pinaka-sulit na bulalo resto doon? Yung hindi masyadong siksikan pero maganda pa rin ang view. Nakita ko yung mention ng crispy tawilis — saan ba yan available, kasama ba sa karamihang restaurant or may specific na place?
Also, ano ba ang pinaka-underrated na spot sa Tagaytay na hindi masyado alam ng mga turista? Gusto namin iwasan yung super crowded areas kung pwede. Any tips from the veterans dito?