Petpeeve ko talaga yun mga unprofessional HR/recruiters. These are the people that will leave someone hanging dry during their most challenging and low times (out and desperate to find job). Hindi nalang sabihin kung tanggap o hindi. Sasabihan ka na kokontakin ka sa ganitong araw pero pag mag follow up ka, hindi ka rereplayan. People should have the due courtesy to honor their promises with just a simple reply. Tama naman yun sinabi nun isa dito sa sub, apply lang ng apply hanggat wala nakukuha na job offer. Pero pag desperado ka na, darating ka din sa point na lahat ng kumpanya sa jobstreet linkedin at kung ano man, napadalhan mo na applications pero swerte na makakakuha ka ng isa o dalawang tawag. kaya lalo nakaka depress. Sa tanda ko na kasing ito, nakakapagod din magbyahe at magpunta sa interviews tapos bibitinin ka lang sa: âtatawagan ka nalang namin.â
eto pala yun mga nakakairitang experience ko:
Tinawagan ako ni HR ni big power company at sinabi na impressed sa profile blah blah blah. Pero para sa test of skills, kelangan ko gumawa ng extensive studies/analysis. Nag email sila at nagbigay ng parameters at mukhang real live situation pa yun mga conditions. Sabi ko normal sa profession ko yun pinag eexam pero ngayon lang ko nakakita na full-on feasibility pinapagawa sa candidate. Kasi usually pag hired ka na nito dahil gagamit ka na ng oras ng kumpanya at bayad ka na para dito. Hayun dahil gusto ko makuha yun trabaho, ginalingan ko na at inayos at gumamit ako ng personal time (may kasamang puyat) para lang matapos on time sa deadline na set ni recruiter. Pagka submit, never ko na sila narinig ulit. Wala man lang due courtesy na replayan ako kahit nun mag follow up ako. After ilan weeks tsaka mag reply si recruiter at nag sosorry, kesyo daw nag decide muna si management na postpone muna yun hiring for the role. Sa isip isip ko lang, kung ganito din pinagawa sa ibang candidates, eh napaka brilliant at tuso nila. Biruin mo libre nila makukuha yun feasibility studies na galing sa ibaât ibang tao at madami pa sila fresh or outside ideas na mapupulot. So who can take the credits for those ideas picked up from the poor applicants? Yes that unprofessional Recruiter/Hiring guy.