Maya ang pinakamalaking digital bank sa Pinas in terms of assets. Under ito ng PLDT-Smart last I checked pero hindi na ako sure ngayon. GoTyme, on the other hand, ay under ng JG Summit (Gokongwei) group of companies. Malaking korporasyon sa Pinas pero binenta din kasi nila yung Robinson's Bank sa BPI.
Monthly ang credit ng interest ng GoTyme savings while Maya ay everyday.
Nagamit ko ang GoTyme wallet at debit card noong nag-libot kami sa Hongkong para maka-withdraw sa Bank of China ATMs nang walang transaction fees.
Currently, nakalibre ako ng Lander's membership (1 year) nung nag-apply ako ng Maya Landers Credit Card.
In summary, may pros and cons bawat isa. Ikaw na bahala mag-decide.