Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Free Legal Advice

Butsoy

Recommended Posts

Sa kasawiang palad, walang epekto ang maling address sa bisa ng iyong kasal, ang importante, nung araw ng inyong kasal, kayong dalawa ng asawa mo ay nasa edad, walang sabit, pumayag na magpakasal sa isa't-isa, at ang inyong kasal ay idinaos ng taong may kapangyarihang magkasal (pari, mayor, , ministro, pastor etc.)

ganyan ang lumabas sa Certificate of marriage mo (San Juan imbes na Manila, yuung tunay na pinagkasalan sa inyo) dahil, mas malamang sa hindi, kayo ay dumaan sa fixer, at ang nagkasal sa inyo ay otorisado na magkasal sa San Juan (yun lang, hindi ito depekto na makaka-apekto sa bisa ng kasal mo).

Kaya lang, dahil dumaan kayo sa fixer, maaaring may depekto ang lisensya niyo (ang numero ng marriage License at kung saan ito iginawad ay nakalista sa baba ng Certificate of Marriage, sa may kaliwa). Tingnan mo kung saang Civil Registrar ang nag-issue nito (eg. San Juan o Manila o Imus). Pumunta ka dun at magtanong kung meron ngang ganung marriage license na inilabas ang Civil Registrar na yun. Kung meron (at ito'y nasa pangalan ninyong mag-asawa), tapos ang kwento, pero kung wala o sa ibang tao naka-pangalan yung lisensya - AYUN, walang bisa ang kasal mo (alalahanin mo lang na, mas malamang sa hindi, ito ay suntok sa buwan).

salamat po ng marami =)

Link to comment

I'd say yes (me mga employees na di covered ng 13th month pay law eh. this is assuming na covered siya).

kaya lang, dahil nagtrabaho siya from January to June lang, ang amount ng 13th month pay niya ay kalahating buwang sweldo lang, hindi buo (ang 13th month ay 1/12th ng halaga na kinita mo buong taon, kaya kung ikaw ay nagtrabaho buong taon, 1 month salary matatanggap mo. Dahil siya ay 6 months lang, kalahati lang).

Good afternoon to all resident lawyers.

Is my brother still entitled to a 13th month pay given that he has been on leave of absence since July because of his serious medical condition? He has not filed his resignation yet.

Thanks in advance.

Link to comment

padalhan mo ng demand letter, kung san binibigyan mo siya ng panahon para magbayad, at king hindi siya tumupad, ay dadalhin mo na ang kaso sa hukuman.

pag di pa rin nagbayad, pwede ka nang dumulog sa Municipal Trial Court.

Dahil yan naman, sa palagay ko, ay di aabot sa P100 Thousand, yan ay covered ng Small Claims Court.

madali lang ang proseso nun, hindi mo na kailangan ng abugado, magfill-up ka lang ng form dun, ipanotaryo mo, ilakip mo ang ebidensya mo at tatakbo na ang kaso. Mabilis ito at di ganung magastos (ayon sa press release ng Supreme Court). Tutulungan ka na rin ng personnel sa MTC. Dun ka na magtanong ng iba mo pang katanungan.

Sir Rocco69

Many thanks po sa advise nyo, gagawin ko po iyung sinabi nyo and will keep you

inform later

Regards

S.P. DANI

Link to comment

I'd say yes (me mga employees na di covered ng 13th month pay law eh. this is assuming na covered siya).

kaya lang, dahil nagtrabaho siya from January to June lang, ang amount ng 13th month pay niya ay kalahating buwang sweldo lang, hindi buo (ang 13th month ay 1/12th ng halaga na kinita mo buong taon, kaya kung ikaw ay nagtrabaho buong taon, 1 month salary matatanggap mo. Dahil siya ay 6 months lang, kalahati lang).

Thank you for answering my question. Follow up question lang. Since he has not been able to work since July because of his medical condition, can the company used this as basis to terminate his employment?

Link to comment

tinatawagan ko po ang pansin ang mga attorney natin dito sa MTC o kahit sino man ang may alam sa LAW,

na rape po kasi ang kapatid ko sa sobrang takot po niya sa nangyari hindi po siya nakapag sumbong agad! mga nasa anim na buwan na po ang nakakalipas mula ng nangyari yung panghahalay sa kanya ngayon lang po siya nagkalakas ng loob para sabihin kung ano nanyaring masama sa kanya, may mga ilang katanungan lang po ako kasi wala po ako matakbuhan kasi wala po kame mga magulang ako po ang tumatayong magulang sa apat ko na kapatid, e hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko kung paano mag kakaroon ng katarungan ang nagawa sa kapatid ko, gustohin man po namen ipakulong yung tao na gumawa sa kanya! nawawalan na po ako ng pag asa unang una! wala po ako sapat na pera upang kasohan ang tao na yun, pangalawa sa tingen ko wala ng laban ang kaso kasi anim na buwan na ang nakakalipas, hindi ko na po alam ang gagawin ko.. pero pasalamat padin po ako at wala naman nangyaring masama s kanya,

1.Paano ko po ba makakasuhan ang tao na gumawa sa kanya nun?

2.May iba pa po bang paraan para makasuhan ang tao na yun ng hindi gaano gagastos ng pera?

3.Sino po ba dapat ang lalapitan ko? sa ganitong sitwasyon ko?

4.Ang problema ko po kasi wala ako pera, para lumapit sa attorney upang humingi ng tulong,

5.May pag asa pa po ba upang mabigyan ng katarungan ang nagawa sa kapatid ko?

1. Punta ka sa Office of the City/Provincial Prosecutor ng lugar kung saan nangyari ang rape. Mag-inquire ka dun kung paano magsampa ng reklamo.

2. Ipa-medical check up mo ang kapatid mo sa govt hospital, baka may makita pa ang doctor ng evidence ng rape (healed lacerations, etc.)

3. Hinde kayo gagastos ng malaki kasi hinde nyo kailangan kumuha ng lawyer, yung fiscal ang tatayong lawyer nyo.

4. Kahit 6 mos na ang lumipas pwede pa isampa yan. May ilang kaso na lampas 1 year bago isampa ang kaso kasi sa takot ng biktima na magreklamo. Naiintindihan ng korte yan.

Link to comment

Yes. Ayon sa Art. 284 ng Labor Code:

ART. 284. Disease as ground for termination. - An employer may terminate the services of an employee who has been found to be suffering from any disease and whose continued employment is prohibited by law or is prejudicial to his health as well as to the health of his co-employees: Provided, That he is paid separation pay equivalent to at least one (1) month salary or to one-half (1/2) month salary for every year of service, whichever is greater, a fraction of at least six (6) months being considered as one (1) whole year.

May proseso nga lang na dapat sundin, at kailangan din, ayon na rin sa Art. 284, na siya ay bayaran ng separation pay.

Thank you for answering my question. Follow up question lang. Since he has not been able to work since July because of his medical condition, can the company used this as basis to terminate his employment?

Link to comment

kulang ang quit-claim.

at the minimum (baka me iba pang requirements yung company mismo)

pinakauna siyempre, kailangan me ebidenysa ka na patay na yung original stockholder (death certificate on NSO security paper would be the best evidence)

then, kailangan mo ng "extra-judicial settlement of estate" kung saan pinagpaparte-parte ng mga tagapagmana ang naiwang ari-arian ng nasirang asawa (sa extra-judicial settlement, sa asawa mapupunta ang shares of stock).

ito ay kailangang ipa-dyaryo (ito yung maliit na advertisement na nakikita mo paminsan-minsan sa tabloid na may pamagat na "Legal Notice", "this is to inform the public that the Estate of Juan dela Cruz has been extra-judicially settled...").

pag na-dyaryo na, punta ka na sa Corporate Secretary o sa Stock Transfer Agent ng corporation para mailipat sa pangalan mo yung shares (baka me iba pang requirements dun, magtanong ka na rin).

question about stock transfer...paano yung process ng pag transfer ng stocks from husband to wife kung patay na ang husband and nag execute na ng quit claim mga anak nila para sa wife mapunta yung stocks at maibenta na...thanks...

Edited by rocco69
Link to comment

pwede ka ring pumunta sa pinakamalapit na istasyon ng pulis. may Women's Desk sila dun na tutulong sa inyo upang maisampa sa pinakamadaling panahon yang kaso mo.

1. Punta ka sa Office of the City/Provincial Prosecutor ng lugar kung saan nangyari ang rape. Mag-inquire ka dun kung paano magsampa ng reklamo.

2. Ipa-medical check up mo ang kapatid mo sa govt hospital, baka may makita pa ang doctor ng evidence ng rape (healed lacerations, etc.)

3. Hinde kayo gagastos ng malaki kasi hinde nyo kailangan kumuha ng lawyer, yung fiscal ang tatayong lawyer nyo.

4. Kahit 6 mos na ang lumipas pwede pa isampa yan. May ilang kaso na lampas 1 year bago isampa ang kaso kasi sa takot ng biktima na magreklamo. Naiintindihan ng korte yan.

Link to comment
  • 4 weeks later...

Question lang, yung kapitbahay namin nagwawala pag lasing nandedestruct mg mga sasakyan sa sobrang galit nya sa mga naka park sinisira nya iyon. Sinampahan na sya ng brother ko ng destruction of property prro pyansa lang ,laya na ulit. Then the incident happened again last dec 24, yung jeep naman mg kapitbahay namin, ngayon nagpa blatter lang ang kapitbahay, question, kailangan na ba namin ng abugado sa ganitong kaso?

Thanks po.

Edited by BornAtNight

Di nyo na kailangan ng abogado. Kausapin nyo ang mga naka-witness ng pagwawala ng neighbor nyo at pumunta kayo sa pulis para magsampa ng reklamo. Yung pulis pwede gumawa ng complaint or report para maging basehan para mag-file ng complaint sa fiscal. Kung mukhang hesitant ang pulis kayo mismo pwede gumawa ng affidavit at derecho mag-file ng complaint sa fiscal.

Link to comment
  • 2 weeks later...

question.. bago lang ako sa company namin.. so wala pa akong leave credits. nag-leave without pay ako nung December 28,2012.. So nabawasan yung salary ko for not working on Dec 28... plus binawas din ung sa December 31 and January 1 na holiday kasi according to Law daw.. according to Labor Law Article 94 daw.. tama ba yun? :)

ano ang patakaran ng kompanya ninyo tungkol sa Service Incentive Leave (iyon ang tawag sa vacation leave sa batas)? ang nasa batas kasi kailangan may isang taon ka bago magkaroon ng limang araw na SIL. kaso lang dapat walang bawas kung Rest Day mo o Special Day (non working holiday).

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...