Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Free Legal Advice

Butsoy

Recommended Posts

tama ba yun?

Tama. Ayun sa Sec. 6 at Sec. 10 ng Rule IV ng Implementing Rules ng Labor Code, para ka mabayaran ng holiday pay sa ilalim ng Art. 94 ng Labor Code (ang empleyado ay makakatanggap ng kanyang regular na sweldo kapag holiday [tawag dito ay holiday pay] kahit hindi siya pumasok sa araw na yun, kapag pumasok siya, doble ng regular na sweldo niya ang kanyang matatanggap) kailangang pumasok ka nung araw bago yung holiday. Ipinapalagay kasi ng batas na kapag ikaw ay hindi pumasok (without pay) dun sa araw bago yung holiday, hindi ka rin papasok sa holiday mismo, kaya di ka dapat bayaran. Kapag dalawang magkasunod na araw ng holiday, ganun din ang prinsipyo, di ka mababayaran para sa dalawang holiday kung hindi ka pumasok (without pay) nung araw bago yung unang holiday.

question.. bago lang ako sa company namin.. so wala pa akong leave credits. nag-leave without pay ako nung December 28,2012.. So nabawasan yung salary ko for not working on Dec 28... plus binawas din ung sa December 31 and January 1 na holiday kasi according to Law daw.. according to Labor Law Article 94 daw.. tama ba yun? :)

Edited by rocco69
Link to comment

mga bossing, meron po sana akong ikokonsulta. bigyan ko po muna kayo ng background para mas madaling intindihin po yung issue ko.

nagtratrabaho po ako sa isang kilalang call center sa may commonwealth ave. pangatlong call center company ko na po eto at nagsimula po ang employment ko nung november ng 2005. naging isa po akong technical support agent sa isa sa mga malalaking internet service provider (ihambing natin sa PLDT). nung december ng 2007 nag apply po ako bilang escalations agent or tinatawag nilang "tier 2" para sa same account at pumasa naman po ako at meron din ako. may pinirmahang po akong kontrata nung na confirm ako nung january ng 2008 at dun po nakasaad yung duties and responsibilities ko kasama na din yung increase sa aking basic pay. bilang isang tier 2, ang trabaho ko po ay kumuha ng mga escalated calls, mag train ng mga baguhang agents at mag uptrain ng mga beteranong ahente. in short, hindi na po ako sumasagot ng tier 1 calls, pwera na lang kung voluntary dahil sobrang tagal na nagaantay yung customer sa linya.

nung may of 2011 nagkaron ng opening ng para sa isang malaking computer account (ihambing natin sa IBM) na nangangailangan agent support role para sa desktop at printers sa eastwood libis. nag apply naman po ako at salamat sa Diyos ay nakapasa naman at nagsimula ang training nung unang araw ng agosto. ang trabaho ko po ay yung tinatawag na subject matter expert (SME) o yung tumutulong sa mga tanong technical na related sa mga computers. kasama sa trabaho ko ay yung tumanggap ng escalation calls pati na din ang pag train ng mga ahente mapa baguhan o beterano. paalala lang po na sa trabaho ko pong eto ay hindi kasama ang pagsagot ng tier 1 calls tulad nung nakaraan kong position.

nitong november, sa hindi namin inaasahan pangyayari, ipinatawag kami ng upper management at sinabihang nagpull out yung account dahil daw hindi na nila kayang bayaran yung hinihinging singil ng call center namin at binigyan kami ng deadline na january 5. sa ngayon ay sarado na po yung desktop support at pansamantalang inilipat ako, at mga kasama kong ka ranggo, sa printer support para umalalay. pero saglit na lang din po ang oras at sa february 8 ay magsasara na din po sila.

hinanapan naman po kami ng options para lumipat ng ibang technical account na hawak ng kumpanya. inamin din po nila na yung position namin bilang SME ay wala sa ibang account at nahihirapan daw sila na basta ilipat kami. at dahil sa tagal kong 7 years sa kumpanya at sa itinaas na ng sweldo ko simula ako'y nagumpisa, iisang account na lang po ang nakita nilang pwedeng tumanggap sa akin. ngunit yung account na iyon ay nasa tier 1 or agent level lamang. inilinaw naman po nila na walang ibababa ang aming mga sweldo pero inayawan ko pa din po yung offer dahil una't una hindi naman siya kapareha ng position ko ngayon. pangalawa yung opisina pinagbabahayan nung account na inaalok nila ay nasa makati at pangatlo ang oras ng pag pasok ay 8am to 5pm mondays to fridays. dagdag kaalaman lang po, ako po ay nakatira sa may north QC. hindi po biro makipag sabayan sa pagpasok at paguwi mula QC pa makati at pabalik lalu na kung rush hours.

nakipag tanung na din po ako sa mga kasama ko sa kumpanya at iba iba ang nakuha kong impormasyon. naririnig ko po na ang binibigyan lang po nila ng redundancy ay yung mga positiong manager at pataas. may narinig din po ako na may hangganan daw ang aming floating status. narinig ko din po na pag naubos na yung palugit nila sa floating status ay papapirmahin kami ng isang form kung saan ilalagay kami sa floating status without pay until further notice. alam ko po speculation pa lang po eto dahil wala naman po akong proof kung ano talaga mangyayare at wala naman pong kasulatan kung ano binabalak nila sa amin. pero hindi na po ako mapalagay sa sitwasyon ko dahil alam naman po natin kaya po tayo nagtratrabaho ay para kumita. paano na ako kikita kung wala na akong pinagtratrabahuan kahit na employed pa din ang status ko sa kumpanya.

tinanong ko po ang mga manager namin kung may option ng redundancy. ang sabi po naman nila ay wala po. at kung meron man ay wala daw redundancy package na ibibigay. isa pa po sa nakukuha kong impormasyon mula sa managers namin na, yung position po namin ay agent level po lamang. kaya daw dapat huwag daw kami mamili ng account na paglilipatan. wala daw ikinaiba position namin ngayon sa mga level 1 agent dahil agent level pa rin daw kami.

ang tanong ko po ngayon ay:

1. pwede po ba nila ako ibalik sa agent level kahit na napromote na ako bilang SME na may kasulatan?

2. may karapatan po ba ang kumpanya na ihain na lang nila ako sa ibang technical account kahit hindi ako sumasang-ayon?

3. kung sakaling ilagay nila ako sa floating status, legal po ba na papirmahin nila ako ng dokumento na wala muna akong sweldo habang hinahanapan nila ako ng account na paglilipatan?

4. base po sa situwasyon ko at bilang isang regular na empleyado, pwede po ba ako humiling sa kumpanya na magpa end-of-contract or magpa redundate na lang?

pasensya na po kung medyo mahaba. maraming-maraming salamat po sa makakasagot ng mga tanong ko.

as a general rule, a demotion in rank is equivalent to constructive dismissal, at maaari mong ireklamo ito.

ang kaso lang, sa kumpanya mo, wala silang mapaglagyan sa iyo na katabla ng SME position, tapos hindi rin naman bababaan ang sweldo mo. baka ito ay i-consider na hindi constructive dismissal at mukhang in good faith naman ang kumpanya (remember "BAKA". hindi natin masabi, depende sa Arbiter na hahawak kung ito ay kanyang ico-consider na constructive dismissal, lalo na at pareho pa rin ang sweldo mo).

in other words, hindi nila pwedeng ibaba ang ranggo mo to agent level at yun ay demotion in rank, which would be constructive dismissal. pero, if they only assign agent duties to you, on a TEMPORARY basis, and they still pay you your SME salary, I would say that this allowed (again, this has to be temporary only, habang walang mapaglagyan sa yo. A period of six months doing this would be reasonable, pag lumampas ng 6 months at agent pa rin ang trabaho mo, mukhang permanent na yan, at maaari na nating masabi na constructive dismissal yan).

Yes, so long as it is in good faith and required by the circumstances. Ito ang tinatawag na "management prerogative." nasa management ang desisyon kung paano pinakamagandang patakbuhin ang kanilang negosyo, at kasama rito ang desisyon kung saan iaassign ang empleyado. Hindi matibay na dahilan na malayo ang tirahan ng empleyado sa opisina para tanggihan ito, at hindi rin masasabi na bad faith ang kumpanya. Ibang usapan kung inililipat ka dahil pinepersonal ka ng kumpanya o di-kaya para mapilitan kang magresign, bad faith sila nun. Hindi naman ganun ang sitwasyon mo.

Ayon sa Art. 286 ng Labor Code:

Art. 286. When employment not deemed terminated. — The bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months, or the fulfillment by the employee of a military or civic duty shall not terminate employment. In all such cases, the employer shall reinstate the employee to his former position without loss of seniority rights if he indicates his desire to resume his work not later than one (1) month from the resumption of operations of his employer or from his relief from the military or civic duty.

Lumalabas na kung (KUNG!) mayrung "bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months" maari ka nilang i-floating (at siyempre, NO WORK, NO PAY. Kung sa panahong ito ay wala kang trabaho, wala ring sweldo). Kung wala ngang mapaglagyan sa iyo, pwede kang i-floating, pero ito ay hindi dapat lumampas ng 6 months. Sa kaso mo, pwede ka munang ilagay sa temporary agent duty kaya di ka dapat i-floating.

In ending, pwede kang papirmahin ng dokumento na wala kang sweldo habang floating ka kung TALAGANG WALANG MAPAGLAGYAN SA IYO, pero ito ay good for 6 months lang. Pag lumampas ng 6 months at wala pa ring pwesto para sa iyo, dapat tanggalin ka na (pero babayaran ka ng 1-month salary for every year of service mo).

wag kang magpa-end of contract at baka lumabas pa na contractual ka lang, at tapos na kontrata mo at wala silang babayaran sa iyo na separation pay.

mas maganda na gawin kang redundant at meron kang separation pay na 1-month salary for every year of service. Pwede mong hingin to pero di mo sila mapwepwersa hangga't hindi nakakalipas ang 6 na buwan na hindi ka mailagay sa kapareho ng dati mong pwesto.

kaya ko po din naitanong etong situation ko kasi nangyari na din eto sa mga kasamahan kong naiwan nung nalipat ako sa desktop support. nailipat na din sila ng account na may kasamang pangako na ipapa promote din sila sa level 2 makapag experience ng calls. lumagpas na sila ng isang taon bilang agent level bago sila na promote ng level 2, kaya ako nawawalang bahala na mangyari din sa akin yung nangyari sa kanila.

anyway, maraming salamat po sa mga kasagutan at mabuhay po kayo!biggrin.gif

1. pwede po ba nila ako ibalik sa agent level kahit na napromote na ako bilang SME na may kasulatan?

as a general rule, a demotion in rank is equivalent to constructive dismissal, at maaari mong ireklamo ito.

ang kaso lang, sa kumpanya mo, wala silang mapaglagyan sa iyo na katabla ng SME position, tapos hindi rin naman bababaan ang sweldo mo. baka ito ay i-consider na hindi constructive dismissal at mukhang in good faith naman ang kumpanya (remember "BAKA". hindi natin masabi, depende sa Arbiter na hahawak kung ito ay kanyang ico-consider na constructive dismissal, lalo na at pareho pa rin ang sweldo mo).

in other words, hindi nila pwedeng ibaba ang ranggo mo to agent level at yun ay demotion in rank, which would be constructive dismissal. pero, if they only assign agent duties to you, on a TEMPORARY basis, and they still pay you your SME salary, I would say that this allowed (again, this has to be temporary only, habang walang mapaglagyan sa yo. A period of six months doing this would be reasonable, pag lumampas ng 6 months at agent pa rin ang trabaho mo, mukhang permanent na yan, at maaari na nating masabi na constructive dismissal yan).

2. may karapatan po ba ang kumpanya na ihain na lang nila ako sa ibang technical account kahit hindi ako sumasang-ayon?

Yes, so long as it is in good faith and required by the circumstances. Ito ang tinatawag na "management prerogative." nasa management ang desisyon kung paano pinakamagandang patakbuhin ang kanilang negosyo, at kasama rito ang desisyon kung saan iaassign ang empleyado. Hindi matibay na dahilan na malayo ang tirahan ng empleyado sa opisina para tanggihan ito, at hindi rin masasabi na bad faith ang kumpanya. Ibang usapan kung inililipat ka dahil pinepersonal ka ng kumpanya o di-kaya para mapilitan kang magresign, bad faith sila nun. Hindi naman ganun ang sitwasyon mo.

3. kung sakaling ilagay nila ako sa floating status, legal po ba na papirmahin nila ako ng dokumento na wala muna akong sweldo habang hinahanapan nila ako ng account na paglilipatan?

Ayon sa Art. 286 ng Labor Code:

Art. 286. When employment not deemed terminated. — The bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months, or the fulfillment by the employee of a military or civic duty shall not terminate employment. In all such cases, the employer shall reinstate the employee to his former position without loss of seniority rights if he indicates his desire to resume his work not later than one (1) month from the resumption of operations of his employer or from his relief from the military or civic duty.

Lumalabas na kung (KUNG!) mayrung "bona fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months" maari ka nilang i-floating (at siyempre, NO WORK, NO PAY. Kung sa panahong ito ay wala kang trabaho, wala ring sweldo). Kung wala ngang mapaglagyan sa iyo, pwede kang i-floating, pero ito ay hindi dapat lumampas ng 6 months. Sa kaso mo, pwede ka munang ilagay sa temporary agent duty kaya di ka dapat i-floating.

In ending, pwede kang papirmahin ng dokumento na wala kang sweldo habang floating ka kung TALAGANG WALANG MAPAGLAGYAN SA IYO, pero ito ay good for 6 months lang. Pag lumampas ng 6 months at wala pa ring pwesto para sa iyo, dapat tanggalin ka na (pero babayaran ka ng 1-month salary for every year of service mo).

4. base po sa situwasyon ko at bilang isang regular na empleyado, pwede po ba ako humiling sa kumpanya na magpa end-of-contract or magpa redundate na lang?

wag kang magpa-end of contract at baka lumabas pa na contractual ka lang, at tapos na kontrata mo at wala silang babayaran sa iyo na separation pay.

mas maganda na gawin kang redundant at meron kang separation pay na 1-month salary for every year of service. Pwede mong hingin to pero di mo sila mapwepwersa hangga't hindi nakakalipas ang 6 na buwan na hindi ka mailagay sa kapareho ng dati mong pwesto.

Link to comment

A friend is toying with the idea.. Wonder about legal implications of benefiting from a sale of precious metals.

What if he negotiates for such sale between one who found a certain amount of metal and an authorized dealer?

Would he be questioned later if he starts investing in say, treasury bills/bonds, real estate, etc?

Are there implications for not selling directly to a government agency like BSP?

Link to comment

hi! ask ko lang po if natapos na po ang kaso and 2 years d pa rin po nagbabayad akusado, di pa po ba late para ipasheriff? Bukod po sa pagbabayad ng moral damages need pa po nya makulong for 2 yrs, pero nagawan nila ng paraan at magrereport na lang akusado every month, may way din po ba namacheck namin kung talagang natapos nya 2 yrs na magrereport sya sa police? Malakas kasi yung akusado sa mtc branch na yun kaya kami lagi dehado. Thanks in advance po.

Link to comment

1. di pa po ba late para ipasheriff?

Di pa.

Ang problema nyo, may ari-arian ba ang tao na yan na mahihila para ipambayad sa daños na naka-award sa inyo. bago lumapit sa sheriff, dapat may maituturo na kayong properties o bank accounts na nakapangalan sa akusado na maaaring mahila ng sheriff, otherwise baka nagsasayang lang kayo ng oras at pera

2. may way din po ba namacheck namin kung talagang natapos nya 2 yrs na magrereport sya sa police?

hindi yan nagre-report sa pulis. sa ilalim ng batas, ang isang taong na-convict ng krimen, kapag ang sentensya niya ay 6 na taon na pagkakulong pababa, at ito ang unang pagkakataon na siya ay masentensyahan (disqualified ang repeat offenders para sa probation), maaari siyang mag-apply ng probation, kung saan di ka makukulong pero buwan-buwan, magrereport ka sa Parole and Probation Administration. ito ang nangyari sa kaso ninyo (ang sabi nyo nakahain ang kaso sa MTC, ang pinakamataas na sentensya na maaaring ipataw ng MTC ay 6 na taon, kaya siguradong nag-probation ang mokong na yan).

magtanong kayo sa MTC kung natapos niya yung 2-years probation ng maayos, kasi binibigyan ang court ng kopya ng reports (ang problema nyo lang, confidential ang probation records). subukan nyo na rin.

hi! ask ko lang po if natapos na po ang kaso and 2 years d pa rin po nagbabayad akusado, di pa po ba late para ipasheriff? Bukod po sa pagbabayad ng moral damages need pa po nya makulong for 2 yrs, pero nagawan nila ng paraan at magrereport na lang akusado every month, may way din po ba namacheck namin kung talagang natapos nya 2 yrs na magrereport sya sa police? Malakas kasi yung akusado sa mtc branch na yun kaya kami lagi dehado. Thanks in advance po.

Link to comment
  • 4 weeks later...

A friend is toying with the idea.. Wonder about legal implications of benefiting from a sale of precious metals.

What if he negotiates for such sale between one who found a certain amount of metal and an authorized dealer?

Would he be questioned later if he starts investing in say, treasury bills/bonds, real estate, etc?

Are there implications for not selling directly to a government agency like BSP?

you're worried about AMLA implications? if the transaction is above board and covered by valid commercial agreements, no worries. just pay the correct taxes.

Link to comment

Yup, tawag diyan "management prerogative." so long as your current salary is on or above the minimum wage, any increase not mandated by law is the prerogative of mgt. Kung di mo gusto ang sistema ng kumpanya, you can always resign and look somewhere else.

boss may question lang po ako regarding increase sa salary, according po tama lang po ba na performance based and increase at discretion ng company kung how much ang appraisal ng isang employee depending sa performance nya

Link to comment

Good day. Meron lang po sana akong mga katanungan na nais ko sanang maliwanagan..

1.) we signed a contract as 'consultants'

> maari nyo po bang iddifferentiate ang 'consultant' status sa 'employee' status? Benefits? Anong rules ng company ang sumasaklaw po sa mga 'consultants'?

2.) as 'consultants', can the management mandate us to attend seminars, workshops, christmas parties etc or is it our prerogative?

3.) as 'consultants', maari pa po ba kmeng magtrabaho sa labas aside from this company?

4.) as 'consultants', kailangan po ba namin magfile muna ng written leave of absence kahit eto ay isa o dalawang araw lamang?

5.) as 'consultants', maari po ba naming makuha kagad ang aming salary o kelangan namin hintayin ang management kung kelan neto irrelease?

Maraming salamat po sa inyong pagtugon..

Link to comment

i would like to ask sana if there is really a law here in the philippines that suggests the release of detainees that serve 10years in jail without a case resolution?

i have a relative that has been detained in a city jail for almost 10 yrs now, all cases filled against still has no final resolution. and someone told me that if naka10 yrs na sa jail ang detainee, without any conviction, should be released na.

pls shed some light for me on this item.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...