Jump to content

Free Legal Advice

Butsoy

Recommended Posts

Merger of companies will results in layoffs. One of the authorized causes for laying off is redundancy. But there is a DOLE process to follow and there will be severance pay.

About reduction of salaries, is touchy. But normally allowed by the law if the requirements are met. It is not outright illegal to reduce salaries if there is justification.

Thanks for the reply..... Pano kung alang justification?? tapos ung process na pinatutupad ng DOLE hindi sinusunod??? aside from PAO meron pbng matatkbuhan mga maliliit n kagaya namin... you knw naman bigger companies sanay sa matagalan labanan hanggang maubos n budget m... un eh given n sa atin pero marami p din kasong ganun na kokonti lng tumatagal.... -_- -_-

Link to comment

Do I have the right to demand for support since she is still his daughter?

Yes.

Thanks Sir Rocco69. How do I start, where do I start and I'm at a loss as to how to go about it. I tried to settle things amicably pero puro empty words lang binibigay sakin dahil nga ang katwiran nung ex ko, hindi naman naka-pangalan sa kanya ang bata at wala sa poder nila. Tapos maayos na usapan lang daw ang pwede since walang record of his name anywhere indicating that he is indeed the father. I have never received anything from him for our daughter. But I want to start collecting what's rightfully due to my child.

I do not know how much it will cost me to get a lawyer and I do not know which laywer to approach. Ayoko pong mabiktima ng pretenders. Do you have recos I can talk to? Sir what I mean is if there is a laywer in the gravepine that has provided the best service for scenarios such as mine na hindi mashadong exorbitant ang fee. Thanks so much and I appreciate your time.

Link to comment

you have two options - either a civil case for support; or criminal cases for child abuse (failure to support one's child could fall into "other forms of child abuse, punished under Republic Act 7610) or violation of the Anti-Violence Against Women and Children [Republic Act 9262]).

In both instances, I'd say you need to have a formal demand letter sent [and received] by your ex, so you have proof that he has refused to pay for support.

You will also need to prove that, indeed, the child is a child of your ex (this can be done in the course of the proceedings, by asking the Court for the conduct of a DNA test).

As you yourself have intimated, you need to talk to a lawyer about these matters. Ask your family and friends about a lawyer they can recommend to handle this matter. When they do recommend a lawyer' you can ask the following questions (culled from www.lawyers-bc.com), to ensure that you get competent legal assistance. Remember, if you are not comfortable with the lawyer, you can always decline his services:

About the Lawyer

1. How long have you been practising law?

2. What is your experience in this practice area?

3. Have you handled any cases like mine? What was the outcome?

About Your Case

4. What are the possible outcomes of my case, and the chances of success?

5. What are the procedures involved in my case, and a rough time schedule for the different steps?

7. Approximately how long will it take to finalise?

8. What complications can arise in my case, and can they result in additional fees?

About Legal Fees

9. Do you have a written retainer letter or agreement?

10. How will you charge me for this case?

11. Will your rates change while you are handling my case? If so, how much notice will you give me?

12. Will any junior lawyers or legal assistants be working on my case?

13. What kind of disbursements will there be?

14. Assuming that there are no complications, what is the range of the possible fees, disbursements, and taxes? Can you give me a firm quote for fees and/or disbursements?

15. When will you bill me?

About the Work on Your Case

16. How will you keep me informed about what is happening on my case?

17. Will you send me copies of letters that you receive and send out?

18. Will you return my phone calls the same day?

19. Do you use email or fax to communicate with me?

20. Who else in the office will be working on my case? Can I call them if I can't get hold of you?

Thanks Sir Rocco69. How do I start, where do I start and I'm at a loss as to how to go about it. I tried to settle things amicably pero puro empty words lang binibigay sakin dahil nga ang katwiran nung ex ko, hindi naman naka-pangalan sa kanya ang bata at wala sa poder nila. Tapos maayos na usapan lang daw ang pwede since walang record of his name anywhere indicating that he is indeed the father. I have never received anything from him for our daughter. But I want to start collecting what's rightfully due to my child.

I do not know how much it will cost me to get a lawyer and I do not know which laywer to approach. Ayoko pong mabiktima ng pretenders. Do you have recos I can talk to? Sir what I mean is if there is a laywer in the gravepine that has provided the best service for scenarios such as mine na hindi mashadong exorbitant ang fee. Thanks so much and I appreciate your time.

Link to comment

...hindi OK na isetup mo siya at irerecord mo. ito ay violation ng Anti-Wiretapping Law (Republic Act 4200). kalalabasan niyan, imbes na ikaw ang may kaso, ikaw pa ang pwedeng kasuhan...

Ok 'tong thread na 'to ah. Marami ako natututunan. :)

While browsing, though, I've read your post quoted above, Sir rocco69. Out of curiosity lang... Kung labag sa Anti-Wiretapping Law yung pagre-record;

1. Hindi ba lumalabag din sa Anti-Wiretapping Law yung ginagawa ng mga media (e.g. XXX)?

2. Paano kung sa bahay mo mismo ni-record ang nangyari, hindi mo ba pwede i-record/gamiting ebidensya yun? (Via cellphone or surveillance cam, kung meron sa bahay.)

Again, out of curiosity lang. Kasi gawain kong mag-record ng conversation kapag meron akong mga complaints. Para kung worst-case scenario na magkademandahan, may ebidensya ako. So far, wala pa namang umaabot sa ganoon. :)

Link to comment

1. Hindi ba lumalabag din sa Anti-Wiretapping Law yung ginagawa ng mga media (e.g. XXX)?

I'd say lumalabag sila. Sa ilalim ng Anti-Wiretapping Law, kailangan authorized ng lahat ng partido ang pagre-record. kapag walang authorization ng lahat ng partido, violation ng batas.

2. Paano kung sa bahay mo mismo ni-record ang nangyari, hindi mo ba pwede i-record/gamiting ebidensya yun? (Via cellphone or surveillance cam, kung meron sa bahay.)

ganun pa rin, kailangan me pahintulot ng lahat. tingnan mo yung kaso ng GSIS laban kay Cheche Lazaro.

Ok 'tong thread na 'to ah. Marami ako natututunan. :)

While browsing, though, I've read your post quoted above, Sir rocco69. Out of curiosity lang... Kung labag sa Anti-Wiretapping Law yung pagre-record;

1. Hindi ba lumalabag din sa Anti-Wiretapping Law yung ginagawa ng mga media (e.g. XXX)?

2. Paano kung sa bahay mo mismo ni-record ang nangyari, hindi mo ba pwede i-record/gamiting ebidensya yun? (Via cellphone or surveillance cam, kung meron sa bahay.)

Again, out of curiosity lang. Kasi gawain kong mag-record ng conversation kapag meron akong mga complaints. Para kung worst-case scenario na magkademandahan, may ebidensya ako. So far, wala pa namang umaabot sa ganoon. :)

Link to comment

hello everyone!

meron akong kakilala na gusto makipagbusiness pero informal lang. bale iiwan ko daw ang mga producto ko sa kanya at ipapakita nya ito sa mga estudyante nya (nag lelesson ng dance sa bahay nya at madami daw interesado sa produkto ko) ngayon natatakot ako baka kung ano mangyari sa produkto ko. paano ko masisigurado na may panghahawakan ako na panlaban kung sakali ay hindi niya ibalik ang produkto ko or baka magclaim sya na hindi naman ako nagbigay ng gamit na ganon sa kanya, mamahalin kasi yung mga gamit. jewelry sya. may contrata ba or legal document ako na pwede ipanotarize na nagsasaad na kaya iniwan ang gamit is para ibenta nya and pag binalik dapat in good condition at pag hindi nabalik ay babayaran nya ito?

Link to comment

I worked for a jewelry shop before, ang gnagawa namin pag may consigned products, we make a notarized inventory of the products that we leave sa retailers. They have a POC that signed the receive form indicating that he/she will be liable for any losses or damages to the products. Kung ako po sa inyo, picturan nyo na lang ung mga alahas at yun ang iwan nyo sa instructor. Para walang sisihan kasi madali itakbo ang alahas di po ba? Besides, mas doble pa ang loss sa part nyo kung sakali naman po na ma-swindle kayo. Wala na nga ung product, naghahabol ka pa, nagbabayad ka pa kaliwa't kanan sa abogado at sa mga hahawak ng kaso para lang mapabilis. I would also suggest creating an online site for your products para pag may nag-request ng partnership, may ibibigay ka ng reference. It that's earnest and good business, mas favorable sa sides nyo ang ganung set up.

Link to comment
  • 2 weeks later...

ung alam ko po e ung magna carta for women e hindi ka pwede alisin sa trabaho dhil ikaw ay nabuntis out of wedlock. pero pwede din cguro irefuse na tanggapin kung at the time of the application ay buntis na xa at sa nature ng work na inapplyan nya ay hindi din xa makakapagtrabaho ng maigi to the prejudice of the company.ex. kung ang trabaho pala nya na inapplyan e kargador, mason, or panggabi, etc. then pwede xa irefuse. apply na lng xa uli pag nakapanganak na cguro. just my two cents'.

Link to comment

depends on the kind of estafa (ang syndicated estafa ay non-bailable eh), although the amount of 350,000 would usually have bail set at 40T.

kung willing mag-settle, makipag-usap sa complainant para ma -settle na

mga bro or atorney help naman information about estafa case worth 350,000 how much ang bail, what to do if willing naman mag settle on a monthly payment for one year, whats the best thing to do and some in and out for this case...

thanks,

Link to comment

thanks rocco for the info,nagastos yong money thats why they file a estafa case, pwede paba bumaba yong bail? and need ba talaga mag bail? bakit nag rerelase o naglalabas nang warrant of arrest once nag file anng complain? and in case di pumayag nang hulugan or installment yong complainant ano dapat gawin?

may subpoena na and need to attend two schedule to answer the complain affidavit.

whats the in and out of estafa case? please provide more information or what to expect...please

Thanks,

depends on the kind of estafa (ang syndicated estafa ay non-bailable eh), although the amount of 350,000 would usually have bail set at 40T.

kung willing mag-settle, makipag-usap sa complainant para ma -settle na

Link to comment

1. pwede pa ba bumaba yong bail?

pwede kayong mag-file ng Motion to Reduce Bail sa korte. Usually pumapayag ang korte ng reduction ng up to 50% ng recommended bail, kung mapapatunayan nyo na walang pambayad yung akusado. The proof usually required to be attached to the motion are a barangay certification of indigency, a certification from the BIR that the accused is a non-filer of Income Tax Returns (dahil mahirap nga lang), and a certification from the City/Municipal Assessor na wala siyang real property

2. need ba talaga mag bail?

hindi naman, choice nya kung gusto niyang nakakulong habang tumatakbo ang kaso

3. bakit nag rerelase o naglalabas nang warrant of arrest once na-file ang complaint?

dahil kalimitan, hindi pupunta ang akusado sa hukuman para harapin ang kaso laban sa kanya (suspected criminal nga siya eh, usually nagtatago ito). ang warrant ay para mapilitan yung akusado na humarap sa korte

4. in case di pumayag nang hulugan or installment yong complainant ano dapat gawin?

harapin ang kaso sa korte, ayaw magpa-areglo eh.

5. whats the in and out of estafa case?

the best talaga niyan, kumuha na kayo ng abugado nyo, mahirap pag-usapan ang ganyan ng hindi nakikita ang ebidensya laban sa kanya. mabigat din na kaso yan dahil sa laki ng halagang na-dispalko daw (20years imprisonment na ang penalty niyan).

thanks rocco for the info,nagastos yong money thats why they file a estafa case, pwede paba bumaba yong bail? and need ba talaga mag bail? bakit nag rerelase o naglalabas nang warrant of arrest once nag file anng complain? and in case di pumayag nang hulugan or installment yong complainant ano dapat gawin?

may subpoena na and need to attend two schedule to answer the complain affidavit.

whats the in and out of estafa case? please provide more information or what to expect...please

Thanks,

  • Like (+1) 1
Link to comment

magandang araw sa inyo, mga MTC legal consultants...

matagal kasi ako nawalan ng trabaho (approx 10months)...ngayon, naapektuhan ang pagbayad ko ng aking credit card.

kaya heto ngayon, nagpapadala na sila ng demand letter at kung anu-ano pang pananakot (i.e. litigation).

1) ano ba ang pwedeng maging consequence kung patuloy na hindi ko mabayaran ang utang/obligasyon ko sa credit card? makukulong ba ako?

sa ngayon, nagkaroon na ako ng trabaho at regular source of income

2)pwede ko bang sualtan/inform ang banko na ngayon pa lang ako naka-recover sa pagkawalan ko ng trabaho? pwede ba ako mag-declare na hindi ko pa kayang magbayad ngayon dahil ang kinikita ko ay sapat lang para sa mga pang-araw-araw na pangangailanga ko?

Maraming salamat sa inyong pagtugon :)

Link to comment

magandang araw ulit sa mga magigiting at maginoong MTC legal consultants...

may isa pa akong ikokonsulta sa inyo...labor/employment related issue.

isa akong tech support agent, mangyari na mayrong mga scores/ratings na kelangan ko ipasa sa trabaho ko.

eto ngayon ang sitwasyon ko...

pinagsabihan ako ng aking amo (ang aking supervisor) na dapat pagbutihan ko ang isa sa aking mga scores/ratings OR ELSE aalisin nila ako sa project/account or worse baka tanggalin nila ako sa kumpanya.

pero, itong score/rating na binanggit ng aking supervisor ay napakahirap ma-meet at maabot lalu na sa panahon na ito na karaniwan sa mga tumatawag na client ay mga "computer illiterate" at halos walang alam sa computer kaya minsan kulang ang isang oras sa mga nasabing client. kaya, sa ayaw ko at sa hindi, itong score na ito ay maaring hindi ko talaga maabot.

ang tanong ko ngayon ay...kung sakaling matanggal ako sa trabaho dahil sa "not meeting the score/rating set by the project or account", mayron ba ako laban sa korte kung i-file ko ito as illegal dismissal?

ikinalulugod ko ang inyong tugon tungkol dito. maraming salamat.

Link to comment

1) ano ba ang pwedeng maging consequence kung patuloy na hindi ko mabayaran ang utang/obligasyon ko sa credit card?

tuloy-tuloy lang ang takbo ng interes, kaya lumalaki ang utang mo.

pag di mo ito babayaran, either ipasa ng bangko ang utang mo sa collection agency, in which case, aaraw-arawin ka ng mga ito sa pangungulit na bayaran mo na ang utang mo. tatawag-tawagan ka (sa bahay, sa office, sa cellphone, sa mga kaibigan at kamag-anak mo) para magbayad.

pwede rin silang maghain ng kaso sa hukuman para kolektahin ang utang mo.

2) makukulong ba ako?

walang nakukulong sa utang.

3)pwede ko bang sulatan/inform ang banko na ngayon pa lang ako naka-recover sa pagkawalan ko ng trabaho?

pwede. wala namang nagbabawal sa yo na sumulat sa bangko

4) pwede ba ako mag-declare na hindi ko pa kayang magbayad ngayon dahil ang kinikita ko ay sapat lang para sa mga pang-araw-araw na pangangailanga ko?

pwede. wala namang nagbabawal sa yo na gawin yang dahilan para di magbayad sa bangko (ang tanong - maniniwala ba sa iyo ang bangko, o di-kaya'y titigil ba sila sa pagkukulekta dun sa utang mo dahil sa dahilan na yan. HINDI. Isipin mo na lang - kung merong may utang sa iyo na matagal nang hindi nagbabayad, pagkatapos sasabihin sa yo na di siya makabayad dahil sapat lang ang kinikita niya para sa pang-araw-araw, MANINIWALA KA BA? TITIGIL KA BA SA PAGSINGIL SA KANYA? Ganun din ang bangko.

up ko lang...

Link to comment

meron. kung mapapatunayan mo na imposibleng ma-meet ang target na yan, illegal dismissal yun. ang tanong, ano ang ebidensya mo na imposible siyang ma-meet.

isa pa, kung ipina-alam na sa iyo ang target na ito nung time na na-hire ka as tech support, tapos pumayag ka naman, mahihirapan kang patunayan na imposible ito, otherwise bakit ka pumayag. tsaka, dahil pumayag ka nga, kahit pa imposible ito, pag di mo ito ma-meet, may valid ground na para tanggalin ka (pumayag ka na target yun eh).

kung hindi naman ipina-alam sa iyo ang target na ito nung na-hire ka, pwede mo itong i-contest. Good luck sa iyo.

magandang araw ulit sa mga magigiting at maginoong MTC legal consultants...

may isa pa akong ikokonsulta sa inyo...labor/employment related issue.

isa akong tech support agent, mangyari na mayrong mga scores/ratings na kelangan ko ipasa sa trabaho ko.

eto ngayon ang sitwasyon ko...

pinagsabihan ako ng aking amo (ang aking supervisor) na dapat pagbutihan ko ang isa sa aking mga scores/ratings OR ELSE aalisin nila ako sa project/account or worse baka tanggalin nila ako sa kumpanya.

pero, itong score/rating na binanggit ng aking supervisor ay napakahirap ma-meet at maabot lalu na sa panahon na ito na karaniwan sa mga tumatawag na client ay mga "computer illiterate" at halos walang alam sa computer kaya minsan kulang ang isang oras sa mga nasabing client. kaya, sa ayaw ko at sa hindi, itong score na ito ay maaring hindi ko talaga maabot.

ang tanong ko ngayon ay...kung sakaling matanggal ako sa trabaho dahil sa "not meeting the score/rating set by the project or account", mayron ba ako laban sa korte kung i-file ko ito as illegal dismissal?

ikinalulugod ko ang inyong tugon tungkol dito. maraming salamat.

Edited by rocco69
Link to comment

Good day sa mga Abogado ng MTC...

Tatanong ko lang.. yung brother ko may civil case.. for some reasons, hindi nya sinipot ang mga hearings. so dumating ang time na nagmotion na ang plaintiff ng motion to declare defendant in default and to present evidence ex parte. last week, may dumating na notice from RTC na nadeclare na syang in default at pinayagan na ang plaintiff na mag present ng evidence ex parte. Pero dumating ang letter, tapos na yung date na kung saan ay magprepresent ang plaintiff ng evidence ex parte. Tama po ba na ma-late ang letter? Pwede pa po bang questionin ito ng kapatid ko?

Pangalawang tanong ko po, kung hindi namin tinaggap ang letter, maaari pa rin bang magrender ng judgement ang korte?

Third question po, ilang hearing ang pagpepresent ng evidence ex parte at gaano po usually katagal bago magrender ng final judgement ang korte?

maraming salamat po at nawa ay masagot ninyo ang mga katanungan kong ito.

1. Tama po ba na ma-late ang letter?

Hindi po tama. Dapat mabilis magtrabaho ang mga tao sa Post Office.

2. Pwede pa po bang questionin ito ng kapatid ko?

Oo, pwede niyang pagalitan ang kartero. Pero hindi niya pwedeng isisi ito sa hukuman, dahil nakikipadala rin lang naman ng sulat ang hukuman sa Post Office. ang dapat questionin ng kapatid mo, yung Order of Default, hindi yung late na receipt nung order. dapat kontrahin niya yung pagkakadeklara sa kanya in default (ito ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng mabigat na dahilan kung bakit hindi siya nakasagot nung matanggap niya yung reklamo). kung wala rin lang siyang maipakitang dahilan, mahihirapan siyang ipa-lift ang order of default.

3. kung hindi namin tinaggap ang letter, maaari pa rin bang magrender ng judgement ang korte?

Oo, kapag registered mail at di nyo tinanggap, tumatakbo pa rin ang period (marami kasi ang nag-aakala na kapag hindi tinanggap ang sulat mula sa korte, hindi na ito uusad. Mali pong akala yan.)

4. ilang hearing ang pagpepresent ng evidence ex parte at gaano po usually katagal bago magrender ng final judgement ang korte?

Usually, isang hearing lang yan before the clerk of court (acting as a commissioner appointed by the judge to act as his representative). Yung judgment, same period as other cases submitted for decision (kaya lang, kung magaling maglakad ang kalaban nyo, medyo mabilis-bilis yan at wala ngang opposition dun sa reklamo)

Good day sa mga Abogado ng MTC...

Tatanong ko lang.. yung brother ko may civil case.. for some reasons, hindi nya sinipot ang mga hearings. so dumating ang time na nagmotion na ang plaintiff ng motion to declare defendant in default and to present evidence ex parte. last week, may dumating na notice from RTC na nadeclare na syang in default at pinayagan na ang plaintiff na mag present ng evidence ex parte. Pero dumating ang letter, tapos na yung date na kung saan ay magprepresent ang plaintiff ng evidence ex parte. Tama po ba na ma-late ang letter? Pwede pa po bang questionin ito ng kapatid ko?

Pangalawang tanong ko po, kung hindi namin tinaggap ang letter, maaari pa rin bang magrender ng judgement ang korte?

Third question po, ilang hearing ang pagpepresent ng evidence ex parte at gaano po usually katagal bago magrender ng final judgement ang korte?

maraming salamat po at nawa ay masagot ninyo ang mga katanungan kong ito.

Good day sa mga Abogado ng MTC...

Tatanong ko lang.. yung brother ko may civil case.. for some reasons, hindi nya sinipot ang mga hearings. so dumating ang time na nagmotion na ang plaintiff ng motion to declare defendant in default and to present evidence ex parte. last week, may dumating na notice from RTC na nadeclare na syang in default at pinayagan na ang plaintiff na mag present ng evidence ex parte. Pero dumating ang letter, tapos na yung date na kung saan ay magprepresent ang plaintiff ng evidence ex parte. Tama po ba na ma-late ang letter? Pwede pa po bang questionin ito ng kapatid ko?

Pangalawang tanong ko po, kung hindi namin tinaggap ang letter, maaari pa rin bang magrender ng judgement ang korte?

Third question po, ilang hearing ang pagpepresent ng evidence ex parte at gaano po usually katagal bago magrender ng final judgement ang korte?

maraming salamat po at nawa ay masagot ninyo ang mga katanungan kong ito.

Link to comment

sa ilalim ng Section 15[1], Article VIII ng Constitution, may 90 days ang RTC, matapos i-submit ang kaso for decision, para desisyunan ito.

Salamat sir rocco, napakalinaw ng sagot mo..

Isa na lamang. yun bang same period na sinasabi mo sa paglabas ng decision ay may isa o dalawang buwan? kung mabibigyan mo kami ng idea ay malaking tulong ito...

Salamat ng marami.

Link to comment

saan ba dapat maggaling ang pambaayad sa abogado ng union sa pagtatapos ng usapin ng CBA?at magkano or ilang porsyento?paki qoutenaman sa abor code or kung saan mam ibinabase ang tnkol dito..ang central organization ba kung saan kasama ang union ay may parte sa makukuha sa CBA.?salamat

Link to comment

1. saan ba dapat manggagaling ang pambayad sa abogado ng union sa pagtatapos ng usapin ng CBA? at magkano or ilang porsyento?

Ayun sa Art. 222(B) ng Labor Code:

No attorney’s fees, negotiation fees or similar charges of any kind arising from any collective bargaining agreement shall be imposed on any individual member of the contracting union: Provided, However, that attorney’s fees may be charged against union funds in an amount to be agreed upon by the parties. Any contract, agreement or arrangement of any sort to the contrary shall be null and void.

Ayun din sa Art. 241(o):

Other than for mandatory activities under the Code, no special assessments, attorney’s fees, negotiation fees or any other extraordinary fees may be checked off from any amount due to an employee without an individual written authorization duly signed by the employee. The authorization should specifically state the amount, purpose and beneficiary of the deduction; and

Lumalabas na ang pera ng unyon ang dapat na ipambayad sa abugado, hindi ang perang makukuha sa kumpanya bilang benefit ng empleyado sa ilalim ng CBA (unless papayag ang empleyado sa pamamagitan ng isang resolution na aaprubahan ng mayorya ng miyembro sa isang meeting at gagawa siya ng individual written authorization)

2. ang central organization ba kung saan kasama ang union ay may parte sa makukuha sa CBA?

ayun din sa Art. 241(n):

No special assessment or other extraordinary fees may be levied upon the members of a labor organization unless authorized by a written resolution of a majority of all the members in a general membership meeting duly called for the purpose. The secretary of the organization shall record the minutes of the meeting including the list of all members present, the votes cast, the purpose of the special assessment or fees and the recipient of such assessment or fees. The record shall be attested to by the president.

lumalabas na ganun din ang requirement para makakuha ng pera ang national organization kung saan affiliated ang unyon - kung papayag ang empleyado sa pamamagitan ng isang resolution na aaprubahan ng mayorya ng miyembro sa isang meeting at gagawa siya ng individual written authorization

saan ba dapat maggaling ang pambaayad sa abogado ng union sa pagtatapos ng usapin ng CBA?at magkano or ilang porsyento?paki qoutenaman sa abor code or kung saan mam ibinabase ang tnkol dito..ang central organization ba kung saan kasama ang union ay may parte sa makukuha sa CBA.?salamat

Link to comment

Good afternoon sirs, i would like to consult for tax matters and i just posted it here parang ito lang kse ang nearest thread about my concern...

I am a professional engineer working in a company. but then i have few out-of-office works, that i usually do every weekends. I have a difficultly accepting other projects, especially government projects, because i needed to issue official receipt for their liquidation of my professional fee.

Do i need to make a company first and register to SEC or is it possible for me to secure receipts from the BIR just like what doctors do? I heard about vat-registered individuals...was that the right track for me so i can have a receipt booklet from BIR that i can issue to my clients?

thanks in advance and i hope our good MTC lawyers can help me...best regards to all!

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...