Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Free Legal Advice


Butsoy

Recommended Posts

i also need help on a matter..

 

a friend of mine rented an apartment.. he and his wife signed a contract. then after a while they asked me to stay with them.

 

few months later they left the apartment but there were bills to pay. the owner knows me and is forcing me to pay. they even took me to the barangay hall (shes a brgy.emplyee) and threatened me (ipapakulong kita). i told them that i dont know were my friend lives now and they told me (problema mo n yan) they even brought me to the police station.

 

please help, i quit from my job to be a fulltime redcross volunteer... the total bill is 18K and they want me to pay 6k.

Link to comment

kung hindi naman ipinasa sa iyo ang pag-upa sa bahay, wala kang liability sa ilalim ng lease contract. pabayaan mo silang maghabla. wala ring criminal liability yan (sabi mo na rin sa unang post mo - walang nakukulong sa utang. lalo na dito na di mo naman utang yung P18T). alalahanin mo rin na walang kapangyarihan ang barangay para pagbayarin ka diyan, ang papel lang ng barangay ay ipagkasundo ang magkabilang panig. pag di kayo magkasundo, maglalabas lang ang barangay ng Certification To File Action - para maghabla na sila sa korte. at dahil nga di ka naman nakapirma sa kontrata, ala silang habol sa iyo sa ilalim ng lease contract.

 

or maybe u can give me ur # so i give accurate details... takenote.. wala ako sa kontrata nor was i presentin the contract signing.
Link to comment

ask lang po. meron po ba dito may kilala sa qc hall na pede mag hugot ng marriage cert or records ba yon? kasi kinasal me before sa manila city hall pero sa qc na reg. then naghiwalay kami. then kumuha ko cenomar. negative ako. anu ibig sabihin nun? pd na ko pakasal uli?

Link to comment
Dude, I have no idea where the small claims courts are. Kasi nga, di pwede mag appear ang lawyers sa small claims courts, kaya i did not bother to know na. hehe.

 

But here's a link on the FAQ's re: small claims. May landline yata jan ang supreme court for queries on this.

 

http://sc.judiciary.gov.ph/scc_broch_final.pdf

 

 

UPDATE

Filed at the MTC OCC at the Makati City Hall 15th Floor.

For claims more than 20k,filing fee is around P2,750.

You'll need to fill out a Complaint form and make 4 copies and Cetificate of Non-forum shopping notarized.

Seemed straightforward and the people were helpful.

 

Lawyers may appear if, they are the ones who are complaining or filing a case against someone.Ehehe =) Pang-asar lang.

Will report after the hearing scheduled before the end of the year.

 

Ingat

Edited by moneymaking63
Link to comment

:thumbsupsmiley: salamat master!! btw, can i file a complaint against them? i think slander, psychological harrassment and extortion fits.

 

grounds:

inakusahan ako ng panloloko/ pakikipag kontsaba sa di pagbabayad

 

idinidiin nila ako at pinagbantaan

 

pinipilit ako makunan ng pera.

 

 

**************OOT***

what happend to my first post?

Link to comment

mahihirapan ka. kasi, talaga namang me pinsala silang natamo (di sila nabayaran ng upa) at me karapatan silang magreklamo. tapos, nakatira ka dun sa pinauupahan nila kaya pwedeng sabihin na sa unang tingin, pwede ka nilang ireklamo. sa madaling salita, di masasabi na walang basehan yung reklamo nila (altho, sa malalimang pagsusuri, wala silang habol sa yo).

 

pangalawa, dagdag perwisyo lang sa yo yan. pupunta ka sa piskalya, magrereklamo (baka mangangailangan ka pa ng abugado sa paghahanda ng reklamo mo), babalik-balik ka sa hearing, tapos ala namang kasiguraduhan na mananalo ka (me testigo ka ba sa mga nangyari? ikaw na rin ang nagsabi na empleyado sa brgy. ang nagreklamo sa yo, siguradong lahat ng tao sa barangay, tetestigo para sa kanya, babaliktarin ka niyan).

 

anyway, karapatan mong maghabla. ang maganda niyan, kumunsulta ka sa abugado para ma-analyze talaga ang kaso mo.

 

:thumbsupsmiley: salamat master!! btw, can i file a complaint against them? i think slander, psychological harrassment and extortion fits.

 

grounds:

inakusahan ako ng panloloko/ pakikipag kontsaba sa di pagbabayad

 

idinidiin nila ako at pinagbantaan

 

pinipilit ako makunan ng pera.

 

 

**************OOT***

what happend to my first post?

Link to comment

bawal yan :evil: he he he

 

subukan mo munang kumuha sa QC Civil Registrar ng kopya ng kasal, baka naman kasi iba ang data na ibinigay mo sa NSO kaya nag-negative. Ang tanong pa nga diyan, paano mo nasabi na sa QC naka-register? Kung me kopya ng marriage certificate mo sa QC, me ebidensya na kasal ka, kaya di ka pwede magpakasal uli.

 

pag nag-negative, di pa rin ibig sabihin nun na single ka, ang ibig lang sabihin, walang record na kasal ka. pag nagpakasal ka uli, at nalaman ng asawa mo, baka ihabla ka pa ng bigamy (prision mayor ang sentensya nun - 6yrs and 1 day to 12years). ang pinakada best niyan, ipawalang bisa mo ang kasal mo. kumunsulta sa abugado.

 

 

 

ask lang po. meron po ba dito may kilala sa qc hall na pede mag hugot ng marriage cert or records ba yon? kasi kinasal me before sa manila city hall pero sa qc na reg. then naghiwalay kami. then kumuha ko cenomar. negative ako. anu ibig sabihin nun? pd na ko pakasal uli?
Link to comment

good evening

i have a question regarding an issue with my biological father..i have been using my stepfather's last name

eversince.my biological father wanted to share his benefit ie philhealth etc

h0w d0 i go about with the paternal acknowledgment?i dont the provisions and stuff..any suggestions?

thank you :heart:

Link to comment

sino ang nakalagay na father mo sa iyong birth certificate?

 

ang birth certificate kasi ang official record kung sino ang tatay mo. kahit pa ginagamit mo ang apelyido ng stepfather mo eversince, yung birth certificate mo pa rin ang mananaig. kung ang nakalagay dun sa birth cerrtificate mo ay ang iyong biological father, wala kang problema, except reconciling your other records (kung saan iba ang apelyido mo) with your birth certificate.

 

kung ang nakalagay naman na tatay sa birth certificate mo ay ang stepfather mo, medyo mahirap ito. baka kailangang dalhin ito sa korte (wala pang kasiguraduhan na mananalo ka dahil magbabago ang status mo).

 

anyway, lahat ng ito ay spekulasyon lamang, hangga't di natin alam ang detalye ng birth certificate mo. alamin mo muna yun.

 

good evening

i have a question regarding an issue with my biological father..i have been using my stepfather's last name

eversince.my biological father wanted to share his benefit ie philhealth etc

h0w d0 i go about with the paternal acknowledgment?i dont the provisions and stuff..any suggestions?

thank you :heart:

Link to comment
bawal yan :evil: he he he

 

subukan mo munang kumuha sa QC Civil Registrar ng kopya ng kasal, baka naman kasi iba ang data na ibinigay mo sa NSO kaya nag-negative. Ang tanong pa nga diyan, paano mo nasabi na sa QC naka-register? Kung me kopya ng marriage certificate mo sa QC, me ebidensya na kasal ka, kaya di ka pwede magpakasal uli.

 

pag nag-negative, di pa rin ibig sabihin nun na single ka, ang ibig lang sabihin, walang record na kasal ka. pag nagpakasal ka uli, at nalaman ng asawa mo, baka ihabla ka pa ng bigamy (prision mayor ang sentensya nun - 6yrs and 1 day to 12years). ang pinakada best niyan, ipawalang bisa mo ang kasal mo. kumunsulta sa abugado.

 

 

thanks sa reply po. sa manila kami nag pakasal pero sabi sa qc daw nila i reg kaya sa qc city hall me nakakuha sa registrar. meron nga sir. ang tanung ko po. pd ba gamitin na grounds un? tapos mali mali pa nakalagay na info like nmga witnesses at address ng kinasal. pd po ba yon? 22 lang ako nun kinasal. salamat

Link to comment

pwede itong ipa-walang bisa. Lamang, kailangan niyang pumunta sa korte. At ang grounds niya, sa ilalim ng Art. 166 ng Family Code, para ipawalang-bisa ito, ay ang mga sumusunod lang:

 

(1) That it was physically impossible for the husband to have sexual intercourse with his wife within the first 120 days of the 300 days which immediately preceded the birth of the child because of:

(a) the physical incapacity of the husband to have sexual intercourse with his wife;

(B) the fact that the husband and wife were living separately in such a way that sexual intercourse was not possible; or

© serious illness of the husband, which absolutely prevented sexual intercourse;

(2) That it is proved that for biological or other scientific reasons, the child could not have been that of the husband, except in the instance provided in the second paragraph of Article 164; or

(3) That in case of children conceived through artificial insemination, the written authorization or ratification of either parent was obtained through mistake, fraud, violence, intimidation, or undue influence. (255a)

 

Kung nakatira siya sa bayan kung saan ni-rehistro yung bata, may isang (1) taon siya mula sa pagrerehistro upang gawin ito. kung nakatira siya sa isang bayan na iba sa bayang pinagrehistruhan ng bata, may dalawang (2) taon siya. at kung siya ay nasa abroad, tatlong (3) taon.

 

mga sirs me nagtanong sa akin kung pwede daw po ba mapawalang bisa yung pinirmahan ng ama na birthcertificate ng bata.
Link to comment

sa kasawiang palad, ang mga maling entry sa marriage certificate ay hindi nakaka-apekto sa bisa ng kasal, kaya hindi mo ito magagamit sa pagpapa-walang bisa sa kasal mo.

 

pero sa takbo ng kwento mo, mukhang fixer ang nag-ayos ng kasal mo. baka sakali lang - tingnan mo sa marriage certificate mo kung ano ang nakalagay na marriage license na ginamit (sa may ibabang bahagi ito nakalista), kung saan ito inissue at kelan.

 

pumunta ka sa Civil Registrar na nag-issue (daw) ng marriage license at i-check mo dun kung meron ngang ganung marriage license. kung wala (pineke, ibig sabihin, ng fixer) - masuwerte ka. madaling mapapawalang bisa ang kasal mo. kaya lang, kung meron, mas malamang sa hindi, psychological incapacity lang ang maari mong gamitin para ipawalang-bisa ang kasal mo.

 

thanks sa reply po. sa manila kami nag pakasal pero sabi sa qc daw nila i reg kaya sa qc city hall me nakakuha sa registrar. meron nga sir. ang tanung ko po. pd ba gamitin na grounds un? tapos mali mali pa nakalagay na info like nmga witnesses at address ng kinasal. pd po ba yon? 22 lang ako nun kinasal. salamat
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...