omega2959 Posted September 24, 2015 Share Posted September 24, 2015 Good. From what I've read, the key lies in the coffee beans used. from what i heard, mas malakas daw ang coffee ng starbucks. could this be the reason? Quote Link to comment
Pluralpenguin Posted December 20, 2015 Share Posted December 20, 2015 Syet, paborito ko ang Customer Service sa Starbucks. Whenever I give an example of how CS is supposed to be done - Starbucks lagi ang example ko. And yeah, I go there for the coffee. Exactly. It's the customer service. The coffee tastes average, or sometimes burnt, but they have a way of making you feel at home. Quote Link to comment
kendrasee Posted December 21, 2015 Share Posted December 21, 2015 good read http://fitzvillafuerte.com/pinoys-spend-much-get-starbucks-planner-theyll-never-use-anyway.html Quote Link to comment
RED2018 Posted December 21, 2015 Share Posted December 21, 2015 ISTARBAKS Makikintab na mesa, walang gasgas na silya, ilaw na bonggang bongga at pasosyal na guwardya. Pagbukas ng salaming pinto, umalingasaw na agad ang amoy ng kape. Mas mabango kaysa sa 3-in-1 na tinitimpla ng lolo ko. Kapansin-pansin din ang dami ng tao. At sa hitsura nila, mahihinuha mo na agad ang estado nila sa pamumuhay. Pag-upo ko nilasap ko na agad ang pagiging feeling mayaman, nakikisabay sa mga taong nasa paligid ko habang sinisipsip nila ang kapeng imported. Dito, hindi pwede ang pandesal. Pwede kang mamili sa mga cake, tinapay na sinlaki ng platito, o kaya sa walang butas na donut. Hindi rin uso ang kuripot dito dahil mapapamura ka sa mahal ng presyo. Hindi ko lang alam kung bakit ba inaabot ng matagal na oras ang mga tao sa pagkakape sa istarbaks. Para sa isang tasang kape, aabutan pa sila ng langgam bago pa ito maubos. Iniisip ko kung dahil ba sa mga hawak nilang babasahin, mapa dyaryo man yan, magazine o libro kaya antagal nila ubusin ang kape nila. Dapat maunang maubos ang iniinom nila bago matapos ang binabasa kundi wala nang dahilan ang pananatili nila sa loob. Naisip ko rin na baka pinapalamig muna ng iba yung kapeng in-order nila bago simulang inumin. Nakakainis ang mga barista sa istarbaks na kung mag-ingles kapag kinukuha ang order mo eh para bang nag-eexpect na lahat ng customer nila ay galing call center, at kapag sinagot mo ng tagalog eh tatanungin ka pa rin ng ingles. Kapag nagawa na yung kape mo sisigaw pa rin sila ng “TALL CARAMEL MACHIATO FOR CHICHAY!” kahit na nasa harap ka na nila. Parang timang lang diba? Mas parang timang yung mga taga-call center na kung mag-usap sa loob ng coffee shop eh para bang nabili na nila yung buong istarbaks. Makapagyabang lang ng newly acquired american accent nila, punyemas. Napansin ko rin ang ilang estudyante na nag-aaral sa loob. Kelan pa naging mas conducive ang istarbaks kaysa sa library, study room, or bedroom. Kung wala ka ring pang-internet, patok ang wifi dito. Libre mong mabibisita ang blog ko. Yun nga lang, bring your own PC. Meron ding mga wais at simpleng kuripot at pa-porma lang sa istarbaks. Hindi oorder, may inaantay kunwa, panay text habang nagbro-brwse kuno ng broadsheet na business news at sosyal na mags. Pagkatapos pag mejo matagal na, text text mode, busangot effect, at mabilis na aalis. Ang magasin at dyaryong nakayang kunin di kayang ibalik. At least, nakabasa ng libre at nakita pa sa loob ng istarbaks ng walang ginastos ‘ni isang kusing na duling. Mula nang dumating ang istarbaks sa buhay ng Pilipino na-iba na ang tingin ng mga Pinoy sa bonding time. Iniisip ko kung anu ang ginagawa naming magkakaibigan pag nagbobonding nuong wala pang mga establishiamentong pang kape..Basta alam ko ndi naman kami nagkakape nun. Kahit saan, sa field, sa gym na me multo, sa Mcdo, sa mall, sa bahay ng pinakamalapet na kaklase sa school. Kahit saan pede kaming mag bonding. Nakaya naman namin kahit walang frappuccino ang aming mga tiyan. Pero ngayon bago kayo makapagusap ng matino o kahit gaguhan kelangan ng istarbaks. Mahigit isang daang kape para mailabas ang mga katotohanan o kalokohan sa buhay. Me bayad na ang bonding. Pero marami pang klase ng maiinom sa istarbaks ngayon.. meron ding mga ice blended, shakes, at cold juices. Hindi magtatagal, magkakaroon na rin ng slurpee..magka slurpee sana sila ayos lang! Minsan nagpahintay ako sa company driver namin, sabi ko dyan ka muna sa istarbaks (katabi lang ng opis namin) habang hinihintay mo ako. Aba’y sinagot ba naman ako ng: “ayoko bumili ng kapeng pagkamahal mahal dalawang boteng redhorse muchu na rin yun mas masarap malasing kesa tamang dilat sa caffeine, dun na ako kina Aling Sion maghihintay, sir.” Lintik na istarbaks ‘yan!!! Quote Link to comment
hitchd Posted December 22, 2015 Share Posted December 22, 2015 Power outlets plus ambient sounds Quote Link to comment
BMC Posted February 13, 2016 Share Posted February 13, 2016 Nothing. It's just convenient, consistent and available. Quote Link to comment
Barenaked-NoMre Posted March 8, 2016 Share Posted March 8, 2016 My preference ... is Starbucks, over Seattles. It's the TASTE of their coffee. Yes, there are branches where the AMBIANCE is good & they do have power outlets so you can meet people for biz &/or "work" ... esp when ur an "on the go" Consultant like me. However, IF I am really in it for the WIFI ... I prefer to go to Figaro, over ALL of them coffee places! Quote Link to comment
Markdar Posted March 9, 2016 Share Posted March 9, 2016 Mahal. Wala ko pambili wahahaha Quote Link to comment
p-colossus Posted March 26, 2016 Share Posted March 26, 2016 I like Starbucks for these reasons: 1.) Cleanliness of the place (except during rush hours when they don't get to clean up as quick)2.) Baristas are very nice and make you feel welcome3.) There are power outlets in case one needs to charge or use a portable, electric device4.) Comfortable place to lounge around5.) Convenient (there's practically Starbucks at every corner in the Metro)6.) The shop's open bar assures that you get quality beverages There should be more but I'll leave it at that for now 1 Quote Link to comment
itsmevince Posted March 31, 2016 Share Posted March 31, 2016 I just love their Frappe Quote Link to comment
doinksdoinks Posted April 1, 2016 Share Posted April 1, 2016 Taste. Frappe drinker Quote Link to comment
bakedzitiguy Posted April 7, 2016 Share Posted April 7, 2016 i actually prefer batangas coffee. you can buy it by the kilo in any market in batangas Quote Link to comment
sendero Posted April 15, 2016 Share Posted April 15, 2016 i actually prefer batangas coffee. you can buy it by the kilo in any market in batangas I also prefer kapeng barako from Batangas over Starbucks and other coffee brands. The smell while it is brewing is so good and the aroma while you sip it in the morning. Quote Link to comment
ilukaok Posted April 16, 2016 Share Posted April 16, 2016 i like their locations...... Quote Link to comment
Recommended Posts
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.