Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Spooky Nights!


Recommended Posts

Never pa ako nakakita, pero may multo daw dun sa may playground sa village namin dati. One time uminom kami, tapos nanlamig kami bigla at naka-amoy ng ilang-ilang. Ang malala, palakas ng palakas yung amoy, parang lumalapit sa amin.

Ayun, alis kami agad e. 🤣

Link to comment
  • 1 month later...

Nakakatakot yung experience ko sa office namin. It was already late at night at wala nang ibang tao.

Pumasok ako sa CR and looked around. I was all alone kasi nag uwian na yung ibang employees.

Pagtingin ko sa toilet, may lumulutang na tae. Saan galing yon? Eh wala namang ibang tao.

Link to comment
  • 2 months later...

Di ko pa naman ako nakakita ng ghost or multo mismo pero minsan pag mag-isa lang ako sa bahay namin nakikita at naririnig ko bigla nalang gumagalaw galaw mga upuan namin and the one the freaks me out the most is pag yung door know bigla nalang umiikot mag isa. Minsan din yung ibang pinto bubukas nalang kahit nakasara at walang tao malapit. 

Ginagawa ko nalang kung ganun either hahanap ng kasama sa bahay o lalabas nalang muna 

Link to comment

Before sa old office namin, during night time, bumubukas ng kusa yung monitor for communication dun sa foreign counter part namin, pero wala naman call/signal. nag open lang ng kusa. And sometimes, nagalaw ung mga office chair. And may kwento din na minsan may naririnig na parang may tumatakbong bata sa loob ng office. 

Yun lang paggabi, wala talagang tao sa office. Walang guard, walang frontdesk, walang utility, ikaw lang mag-isa. so paano na 😅

Link to comment
  • 4 weeks later...

It was my sister's ghost experience, when she was probably around 10 years old. Naglalaro sila ng tagu-taguan (hide and seek) sa loob ng bahay ng mayaman naming kapitbahay. They have an office inside the house. Nagtatago sya sa ilalim ng office table, then pagtingin nya sa ilalim ng lamesa may dalawang paa nakatayo sa harap ng mismong office table. Pero nung tumayo sya at umalis sa ilalim ng lamesa wala namang ibang tao sa loob ng kwarto. She said the feet were old muddy and dirty. 

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...

In 2023 June, I am one of the groom’s men of my college best friend. Since Manila Cathedral ang church wedding, pinili ng family ng groom na ang Rizal Park Hotel near (PICC/Ocean Park) ang preparation and reception. Medyo rustic ang hotel, although madami ng na renovate, kita mo pa din yung mga old design ng hotel from lobby to the hallways, at kahit sa rooms.

Dahil nga close ako ng groom, isa ako sa mga sinama na naka check-in along with 3 other groom's men in one of the rooms, para daw di na kami mahirapan sa pag prepare sa wedding.

Malaki yung room namin. 1 queen size bed na malapit sa CR at entrance and 2 extra bed yung kasya sa room namin, meron pa nga parang small sofa set at may small table sa gitna na nasa window side. Sa room, pansin yung pag retain ng sliding door ng CR na luma din ang pag lock para ma feel mo yung pagka rustic niya. Napansin ng 2 kasma ko sa room na ang hirap isara ng CR sliding door. Kailangan mo mag effort at ang lock niya ay sinaunan din na hindi nakalapat. So pag gagamit ka ng CR i declare mo para walang ibang gumamit. 

Nung gabi na yun, nag simula kami 4 groom's men mag inuman ng 8 pm sa sofa side para ma relax and makatulog ng maaga. Around 11 pm, nag wrap up na kami ng inuman at nag lilinis na, ng bigla binalagbag na sumara yung sliding door ng CR at nag lock. Bumukas yung ilaw at may nag turn on ng gripo. Lahat kami ay malayo sa CR, nagkatinginan kaming 4. Silence for 20 seconds dahil pare-pareho na nga kaming nakainom. Bigla na off yung ilaw ng CR at yung gripo. Then tinuloy ang paglilinis ng nagmamadali para makatulog na. 

11:30+ pm wala ng naligo samin at nag palit ng pajama at ayaw na lumapit sa CR. Dahil nga dun sa  nangyari, walang gustong matulog sa Queen size bed dahil malapit ito sa CR. Lahat kami nag siksikan sa 2 extra bed ng magkakasama nakatalukbong ng kumot. Pag dating ng 12:30+ pm, na unlock at pabalagbag na bumukas yung CR. Tapos naulit ulit pa ito ng mga 4 beses pa buong madaling araw. Hindi kami makatulog at hindi kami makapag usap. Hangang sa yung isang kasama ko sa room nag matapang na i-on ang spotify at magpatugtog ng malakas na Ben & Ben. Tumigil lang yung pag open-close ng CR nung nagpatugtog na. At ang masaklap half-way closed yung door ng CR nun na parang iniwan ng sadya. Hindi ko ma explain yung feeling pero ramdam ko yung kaba dahil baka umulit nanaman yung nangyari at ginhawa kasi parang may nawala na nakakatakot. 
 

kinabukasan, nagtatak yung groom bakit sabay sabay kami na pumunta sa kwarto niya na dala lahat ng bags at damit, gusto naming 4 maligo at mag bihis sa kwarto niya. At bakit daw amoy alak kami pero gising na gising. Sinabihan din namin siya na wala kaming balak mag extend ng stay sa hotel after ng reception kasi mas pipiliin namin umuwi sa kanya kanyang bahay para di ba kami maka dagdag gastos. 

Akala namin kahit na magkakasama kami ay hindi na kami matatakot. Pero iba talaga ang feeling. Kaming 4 ay hindi naman naniniwala sa multo o ligaw na espirito pero napaisip kami after nung pangyayari na yun. 
 

Sinabi na lang namin sa groom sa isang inuman yung pangyayari nung 2 months na tapos na yung kasal.

Edited by Archus
Typo errors
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...