TunogKalye Posted 11 hours ago Share Posted 11 hours ago On 9/5/2024 at 8:57 PM, Magaling said: Wala ka namang alam kundi showbiz, ROTC at Federalismo. Narinig mo lang yan sa padrino mo. I doubt kung naiintindihan mo talaga ang mga implikasyon. Sa totoo lang, political dynasties lang makikinabang dyan dahil mas madadagdagan ang pwesto para sa mga kamag-anak. Lalo lang lolobo ang national budget dahil madadagdagan ang bureaucracy. Sa ngayon nga, budget deficit na tayo, idadagdag mo pa yan? Mas mabilis aasenso ang mga rehiyon dahil makakawala sa "Imperial Manila"? Emosyonal na argumento na walang basehan sa katotohanan. Tignan mo yung data! Halos lahat ng mga mahirap na rehiyon nabubuhay lang sa subsidy (tanong mo sa NEDA) galing sa buwis na binabayaran ng mga tiga "Imperial Manila". Paano kung matuloy yang pederalismo mo at magdesisyon ang mga tiga-Manila na yung buwis nila, dito lang dapat gastusin? Saang kangkungan pupulutin yung mga ipinaglalaban mo (kuno) na rehiyon? Mawawalan ang tiga Manila ng supply ng gulay etc galing probinsya pag tumiwalag ang Metro Manila? Eh mas mura pa nga mag-import ng pagkain kesa bumili ng lokal at salamat sa ka-alyado mong si Villar, ni bigas nga di tayo makapagtanim ng sapat dahil mga bukid ginawa nang subdivision. Kung talagang matapang ka, baka dapat yun ang gawan mo ng hearing. Bakit ni bawang o sibuyas kailangan pa mag-import? Bakit nauubos ang mga bukid natin? Bibilib ako sayo pag yan kinaya mo imbistigahan. +1 Quote Link to comment
Recommended Posts
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.