Jump to content

The Mail Box


Recommended Posts

alam mo naman iba ka in person kesa sa text mo.

 

ung kiss mo gusto ko but the last time i avoided it kasi alam ko masasaktan lang ako.

 

i have been vocal with you always. but something tells me you havent been such to me.

 

your actions do not jive with your words. your kiss do not show your intentions.

 

this created mixed emotions at my end kaya feel ko the more i kiss you, the more masasaktan lang ako.

 

it was great meeting you and thank you for squeezing me in your schedule. i know the dangers and the difficulty you have to go through to see me.

 

i appreciate that very much. to see you again that would be another dilemma for me... anong situation un next year... inshallah i say for the next time.

 

 

Link to comment

J,

 

I looked at you with different eyes last night and I couldn't keep myself from smiling. That goatee of yours must have done it for me. Now if you grow your hair back so I could coil my fingers around your curls, I just don't know how much more I can hold myself back from doing whatever :lol:

 

You'll do great this Friday. Aside from the fact that I planned your outfit (Do allow some of my ego to seep out.), your confidence in public is infallible.

 

Dear, I love you. And even if we never say those three words to each other, I am so sure that I am more loved now than as I was with any other man who uttered those three words to me countless times.

 

Thank you for setting my path straight. I'll try harder to be a better me not just for you, but more importantly for myself.

 

A

Link to comment

Tweyni,

 

Thanks for dropping by and hanging out with us last night. Friends like you who have stood the test of time and patience, are really hard to find and even harder to keep. Loko ka, MTC ka pala't sa tagal nating magkaasaran sa work, ngayon ko lang nalaman na alam mong MTC member ako :P

 

Idol pa rin kita.

 

Your ex (peer and boss)

Link to comment

Ang daming nagsasabing mabait ka. Maaring sumang-ayon ako sa kanila. Alam kong madami kang tinulungan at tutulungan pa, pero alam ba nila kung paano ka dumiskarte maningil? Hindi kayang bilhin ng pera mo ang anumang bagay o tao dito sa mundo. Madami ka ngang tinulungan- pero sa palagay ko mas madami kang nasasaktan.

 

May mga taong nasisilaw sa pera at kapangyarihan na tinatamasa nila, ipapaalala ko sayo- wag masyadong mayabang, dahil hindi mo masasabi na bukas o sa makalawang araw, andyan ka pa din sa kinalalagyan mo. Minsan mo na din sinabi sa akin yan. At kung may balak kang mang-biktima ulit, sana naman wag mo idamay yung mga taong may mabuting kalooban. Hindi mo ba naisip na maaring gusto ka nila bilang kaibigan? Karamay? Bakit kailangan mo sila saktan?

 

Kung anuman namagitan sa atin, wala akong pinagsisihan, ngunit nais kong malaman mo na masama loob ko kung paano tayo natapos. Wag mo nang isagad pa na galitin ako, dahil palagi kong sinasabi na hindi ako marunong magalit, dahil sa mga tunay kong kaibigan, alam nilang nawalan ng puwang sa mundo ang mga taong kinagalitan ko. Matapos ang lahat ng sakit alam kong darating ang araw na kaya na kitang harapin, di ako makakasiguro kung sasabihin ko “hi” or iirapan na lang kita- pero wag mo ng aasahan na pwede kang lumapit sa akin. Kung inisip mo lang sana na pwede mo ako maging kaibigan pagkatapos natin di mag-usap at di nagkaunawaan sa walang kwentang bagay, sana nadagdagan ang totoo mong kaibigan, imbes na sinasayang mo ang oras mo sa mga taong akala mo dadamayan ka hanggang sa huli. Ang taong inaakala mong napapalapit sa akin- oo malapit kami sa isa’t isa, pero isa siya sa mga kaibigan kong nagnanais na maayos tayo. Minsan kasi madumi din utak mo. Kung ano-ano umaandar sa kukote mo. Mas pinaniniwalaan mo ang usap-usapan, at chismis kesa sa magtanong sa akin para alamin ang totoo.

 

Ang dami ko ng naririnig tungkol sayo, iba’t ibang kwento. Pero ang patuloy kong paniniwalaan ay kung paano ka naging mabuti sa akin nung una- na di nagtagal naging isang hudas ka din sa buhay ko. Kung gusto mong pumalag sa mga sinabi ko, sige magkwentahan tayo ng puno at dulo ng lahat ng pangyayari, sisiguraduhin ko sayong di ka mananalo sa akin.

 

Kung nasaan ka man ngayon, alam kong yan ang ginusto mong buhay. Masaya ako na tuluyan na kitang kakalimutan. Ang daming tao sa paligid ko na di nagsawang patunayan na wala kang kwentang iyakan at kagalitan. Patuloy nilang ipinaramdam sa akin, na sa kabila ng sakit- magiging masaya ako sa piling nila. Kilala mo ba sila? Ang tawag sa kanila mga KAIBIGAN.

 

Kung maari ko lang sana ipaalam sa kanila kung gaano ka kabait sa akin nung una mo akong nakilala-sana ginawa ko na. at sisiguraduhin kong sasabihin ko din sa kanila kung pano tayo nagkasira. Pero ng dahil sa may pinag-aralan ako, asahan mong mananahimik ako. At ang sulat na ito- di kita papangalanan.

Link to comment

current,

 

Templates messages are quite boring, but I keep holding on.

 

Hun

 

-----------------------------------------

 

P,

 

I can't help myself but fall.

Your templates messages seems so realistic

And you made me feel that they are real

 

I cant get rid of you.

Haizzzzz, it must be love

Thank You

 

syempre isasagot mo No No No No, Thank You

 

L

 

----------------------------------------

 

You,

 

Never akong nagalit, or nainis.

Kinailangan ko lang gawin to.

 

 

Me

---------------------------------------

Mabait na Makulit,

 

 

Ayokong saktan ka, I know how it feel to be BROKEN

Stop it, learn to value yourself. Love yourself more than me

 

Ms. Bolera

Link to comment

Teacher,

 

Super galing talaga ng timing mo... Paalis na ako dapat eh, kaso dumating ka. Ayoko namang iwan ka sa ere today kasi nasa Regionals ka na. Masama ang loob kong di ko mami-meet mga kapwa blogista ko, masama ang loob kong di ako makakakain ng libreng food, pero bata pa lang ako friend na kita, at di naman kita pwedeng pabayaan sa project mo. Sana manalo ka sa regionals. Kaya nating ayusin ang Power Point mo. :D

 

Jenny

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...