Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

I have a couple of stories to tell about bullying.

Nung bata kasi ako, payat na payat ako at sakitin pa talaga. Plus it didn't help that I come from a mixed heritage. I pretty much stuck out like a sore-thumb, and usually guys like me are red meat to the dogs. The dogs I am referring to are these really big dudes who can always use their size to impose on you anything.

Ang masama noon, the school didn't take the issue of bullying seriously. Parang wala lang sa kanila. Hindi noon naiintindihan ng eskwelahan natin na serious problem sya sa mga estudyante. Kasi papano ka gaganahan pumasok sa eskwela at magaral kung binubugbug ka lagi, o kaya naman tinutukso ka. Sakin nga mas ok na yung batukbatukan ka. At least yun saglit lang wala na sakit. Pero kung name-calling ginagawa lalo pa at araw araw, nakakadurog talaga yun ng self-esteem. Minsan ayaw mo na pumasok, ayaw mo na magaral.

In my teenage years, lahat na ata ng klase ng bully naranasan ko na. Hindi nga lang lalake ang laging bully. Minsan babae din lol. Anyway lets discuss dito

Link to comment

The Alpha Dog

I'd like to share this story about one of the most unforgettable bullies I encountered in Highschool. Hindi lang naman ako pinahirapan nya kundi buong block actually. To be fair, he wasn't that much of an assh*le. He had this tender and funny side naman. Ang problema, talagang type-A personality sya. His main asset was his size. He was physically a big guy. Bigger than the students, bigger than the teachers, and even bigger than the security guard. Because of that no one could physically challenge him. So he could impose himself on anything. Pag binara ka halimbawa, huwag ka na kumontra kasi malaki sya. He was a jock too. Captain of the basketball varsity. And the only thing that was bigger than his size was his ego. Palibhasa anak ng kagawad sa lugar namin. Kaya medyo maere. Mahilig din yan tumakbo sa mga student council, kahit nga palpak lagi performance nya.

So my highschool noon was a low-end private school where mostly lower middle class pababa mga students. At kahit 3rd year pa lang, ala pa lisensya, lagi yan nakamotor o dala wheels ng erpat nya. He treated everyone na mas mababa sa kanya. Kundi nya binabatukan o sinasaktan physically, minsan binabato nya ng barya, at tinatawag ng kung ano anong names. Isa na ako sa mga ginawan nya ng ganyan. Noong graduation na, lagi sya sinasabi magiging abugado sya, kasi pulitiko tatay nya. Na parang sya ata magiging pinakasuccessful sa batch namin. Magaling magsalita talaga kasi.

YEARS LATER

Hindi naman sya naging abugado. Nagpulis. Pero dahil sa reklamo nasisante sya sa serbisyo. Yung tatay nyang pulitko bigla na lang nawala. Ang suspetsa me nakaaway sa pulitika, pinadampot, tapos ayun di na nahanap. So naghirap pamilya nila. Pinagkakakitaan na lang yung pagpapasada nung isa nilang tricycle.

Yung physics teacher ko ng HS, naging kaibigan ko. Nitong huli nagkwento sakin si maam tungkol sa taong ito. Na minsan nagkita sila sa grocery at inuutangan nya si Maam kasi nakagat daw ng aso anak nya. Si Maam wala naman daw kasi pera. So sabi nitong taong ito kay maam, ihahatid daw nya sa motor nya si maam. Para pagdating sa bahay ni Maam makakuha ng pera para sa kanya. Eh di tumanggi syempre si Maam. At ayun sinundan hangang sa bahay ng taong ito.

Nitong huli nakita ko pa ang FB ng lalakeng ito. Hindi ata tinignan mabuti yung privacy settings. Kitang kita dun na inaaway at nilalait lait sya ng mga kamaganak nya. Sa kanya pa sinisisi nangyari ata sa erpat nya. Ewan. Basta ang isang malinaw, hindi naging successful ang taon ito, at ngayon sya itong kaawa awa.

Ako as a human being, syempre I feel sorry for him. Naawa din ako. Pero a part of me also sees this as poetic justice. He was one big dude who made others around him feel small. Ngayon sya tuloy yung napakaliit. I mean I have batchmates na hindi successful, pero hindi maliit tingin ko sa kanila.

Link to comment

ANg problema pa nuon, if magsumbong ka, tatawagin kang Choo Choo. kaya eto ginagawa ko sa nagbubully sa akin pag recess, binuksan ko bag niya at binuhusan ko ng elmers glue. kaya nuong Araling panlipunan na sabi ng titser ko " Class open your books to page 85" hahaha pag kuha niya sa libro umiyak siya sa inis. di niya alam kung sino sisisihin niya kasi maraming galit sa kaniya buwahahahaha

Link to comment

i have a 1st hand experience with this one. halos buong buhay estudiante ko, simula grade school hanggang HS. pagpayatot ka tapos nagsasalamin ka pa, ikaw yung talagang madalas na pagtripan. mahirap kasi sa ganto pag alam nila na hindi ka lalaban. paglumaban ka naman ikaw pa yung isusumbong na ng aaway.

Edited by Flirtatiouz

I feel you guys. Tayo talagang mga sakitin, payat, maliit, madali paginitan. Ako it was particularly tough because I come from a mixed heritage. Di kasi Pilipino tatay ko. At dahil dun kung ano anong stigma binibigay sayo. Sabi ko nga, racist sa totoo lang ang Pinoy. Di lang yun, dahil nanay ko lang nakikita nila, syempre kung ano anong sinasabi. Pati nga nung teachers. As if kilala nila kami. Ako di bale na batukbatukan eh. Pero yung araw araw you are labeled by a "name" or nasty stigma, mahirap yun. Mabigat sa loob pumasok at magaral. Mahirap magconcentrate knowing your self-esteem is being challenged.

Tama kayo, back in the days, minsan walang nangyayari pag nagsusumbong ka. Minsan backfire pa yan. Sasabihan ka pa na duwag at sipsip. And bwebweltahan ka pa. Teachers were not helpful most of the time. Akala nila simpleng away bata lang ito. Hindi nila alam, sobrang natrautrauma ka na dahil sa bullying na ginagawa sayo.

I am glad these days, nagkakaroon tayo ng mga awareness campaign about bullying. Dapat talaga itigil ito. Schools are supposed to teach good manners and right conduct. Kung hinahayaan nila mga bata na ganyan mangbully, ano sila magiging paglaki. Teachers and the school should really protect children from bullies. Masama pa nyan, you get fed up, at labanan mo na finally, magkakasakitan pa kayo.

Link to comment

The Prom Queen

You know this type of bully. Every school has one. She is the prettiest girl in the block. She is the most popular. Everybody has a crush on her. Lagi syang pangbato sa mga beauty contest. Everybody treats her like a queen. Pila din ang manliligaw nya. Laging di nawawalan ng boyfriend. Everybody wants to be associated with her.

Of course her bullying was not physical. It was more of akala nya mas mabango tae nya. She makes others around her feel ugly kasi maitim, mataba, etc. Mahilig din maguutos ng kaklase nya na parang lahat katulong nya. Alam ko yung isa naming kaklase ang hilig hilig nyang tawagin na "bulldog" daw. Minsan napaiyak nya pa. Hirap sa babaeng yan kasi feeling nya lahat atat na atat syotain sya.

YEARS LATER

Ayun right after graduation nasarapan sa etits, nag-asawa, 3 sunod sunod na anak... and now she is fat and ugly! Like sobrang losyang losyang na. Dati sexy sya, ngayon lalaki na ng pata at braso. And she looks waaaaay older than her actual age. Malayong malayo sa Prom Queen na itsura nya dati. Ni hindi papasa as MILF.

I guess hindi ko naman din gusto siraan masyado yung tao as much as she was really one royal b!tch. The petals will wilt on all of us. But I guess it goes to show that things do change. The morale is, no matter how good you look do not make others around you feel ugly. Because you never know how soon you will be ugly too

Link to comment

I feel you guys. Tayo talagang mga sakitin, payat, maliit, madali paginitan. Ako it was particularly tough because I come from a mixed heritage. Di kasi Pilipino tatay ko. At dahil dun kung ano anong stigma binibigay sayo. Sabi ko nga, racist sa totoo lang ang Pinoy. Di lang yun, dahil nanay ko lang nakikita nila, syempre kung ano anong sinasabi. Pati nga nung teachers. As if kilala nila kami. Ako di bale na batukbatukan eh. Pero yung araw araw you are labeled by a "name" or nasty stigma, mahirap yun. Mabigat sa loob pumasok at magaral. Mahirap magconcentrate knowing your self-esteem is being challenged.

Tama kayo, back in the days, minsan walang nangyayari pag nagsusumbong ka. Minsan backfire pa yan. Sasabihan ka pa na duwag at sipsip. And bwebweltahan ka pa. Teachers were not helpful most of the time. Akala nila simpleng away bata lang ito. Hindi nila alam, sobrang natrautrauma ka na dahil sa bullying na ginagawa sayo.

I am glad these days, nagkakaroon tayo ng mga awareness campaign about bullying. Dapat talaga itigil ito. Schools are supposed to teach good manners and right conduct. Kung hinahayaan nila mga bata na ganyan mangbully, ano sila magiging paglaki. Teachers and the school should really protect children from bullies. Masama pa nyan, you get fed up, at labanan mo na finally, magkakasakitan pa kayo.

Yup, pagnagkaway na kayo yung ng bubully pa talaga yung magsusumbong. ikaw pa yung lalabas minsan na masama. in my case nung HS, ayaw ko na ng nabubully kaya pumapalag na ako kaya lagi ako nasa principasls office. siya pa yung nagsusumbong. ang masakit pa nga dun ako na yung payat tapos yung kaaway ko kalakihan, sya pa yung kakampihan. the irony...

Link to comment

Tama. palibhasa yung iba din kasi, porke may katungkulan yung magulang kaya sila umaasta na kung sino. pagnabugbug, kala mo kung sinong maamong tupa pagnagsusumbong.

Yun ngang nakukuwento ko, anak ng city councillor. Ang ere nung gago. Akala nya napakalaking tao ng erpat nya. Naalala ko pa CAT kami tinatanong kung nanalo Tatay nya nung eleksyon ang sagot "Dinaya nga eh!". lol. Sya din nanalong governor ng 2nd year class, pero lahat ng project na pinangako nya wala ni isa nagawa. Ang tawag namin sa kanya noon albatros. Kasi yun lagi nya pinangako na ilalagay nya sa mga CR namin hahahahaha. Noon talagang paniwalang paniwala kami sa kanya kasi talagang magaling magsalita. Pero tulad ng isang trapo magaling lang sa salita, puro naman pako ang mga pangako. In short, puro hangin lang talaga.

And years later, ayun! Not to exaggerate anything but the truth is, tricycle driver na lang sya ngayon. So far, karamihan ng mga bullies na kilala ko hindi naman talaga naging sobrang matagumpay sa buhay. Pwede natin sabihin na karma yan. Pero mas makatwiran sigurong isipin na kung mahilig ka kasi mang-api ng taong tingin mong mas maliit sayo, hindi ka talaga aasenso. Kasi sinong susuporta at tutulong sayo? Attitude problem yan eh.

On the Flip side, these are the bumps and bruises of life. Naging masalimoot man bahagi ng childhood natin dahil sa mga bullies na yan, hindi maikakailang nadevelop ng sobra yung character natin. Mas naging matapang tayo at mas nagkaroon ng character habang lumalaki

totoo. pero tayo yung maswerte, kasi tayo yung nadevelop, tayo yung natuto. ang mahirap dyan yung mga lumaki sa takot at hindi natuto na lumaban. habang buhay may trauma.

Link to comment

totoo. pero tayo yung maswerte, kasi tayo yung nadevelop, tayo yung natuto. ang mahirap dyan yung mga lumaki sa takot at hindi natuto na lumaban. habang buhay may trauma.

Naalala ko isang beses, me isang walang tigil kakatukso sakin. Kahit di ko na nga pinapatulan, sige pa ng sige. One time out of the blue, binigyan ko ng sunod sunod na sucker punch yung gago. So syempre pa natuloy yung away after school dun sa me bandang likuran ng eskwelahan namin. Talo syempre ako kasi me asthma at ang payat payat ko. In a way it solved the problem because the guy would leave me alone after that. Kahit alam nyang mananalo sya, at least masasaktan ko pa din sya. Pero on the other hand, lalo ako natukso noon ng iba kong kaklase kasi ako nga natalo. Plus hindi sya ang huling bully na kelangan ko harapin.

I look back sa bullying experiences ko and I can truly say I developed better character and survival instincts. Mas natuto ako lumaban ng mas matalino. Siguro yan ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit natagalan ko ang postgrad program ko sa labas ng Pilipinas. Lalo at yung mga prof at sempai ko hindi naman sila exactly chummy chummy. Natuto ako magtimpi knowing na makakalaban din naman ako pagdating ng tamang panahon. At kung naligtasan ko nga ang mga bullies ko nung bata ako, kaya ko matiis masasakit na salita ng mga thesis readers ko lol

Link to comment

share ko 1 sa mga experience ko, i was being bullied by one of my classmate when i was on 2nd year HS. i was the tipical nerd, payat, naka salamin, likes to draw and stuff pero hindi ako maliit. pero ako yung madalas na pinagtitripan hindi ko nga alam kung bakit kasi never ako nakipag-interact sa kanila. ginagawa ni tinatago gamit ko or inaasar, ginugulo pagmay ginagawa. anyway, nung napuno na ako hinamon ko ng suntukan sa likod ng school. so hindi na bago yung magtatawag ng resbak. kahit na nerd ako i have my friends back then, so meron din ako resbak. pero kami lang nagsuntukan, before that kung ano ano pa sinasabi nya, puro trash talk. tipical. nung nagsalita ako bigla ako binigyan ng cheap shot. isang straight sa nguso. tanggal 2 ipin sa harap. pagdura ko isang ipin lang yung lumabas, na isip ko nun nalunok ko yung isa. naiyak ako sa sobrang galit. hindi ko namalayan, nagdilim na pala paningin ko. nung nahimasmasan ako, hawak ko ulo nya tapos inuuntog ko na sa gutter. and i was doing it to the pointna parang nagroll-up na yung mga mata nya. buti na lang naawat ako ng mga barkada ko noon. ayun tapos yung away, paguwi ko napalo pa ako ng tatay ko, kasi naki pag-away ako. kinabukasan, principals office ako. nagsumbong. ako pa yung mali. pero after that hindi na nya ako binubully. tapos sa class namin biglang natakot yung ibang mga classmates namin sa akin, specifically mga kasama nya minsang nang aasar. after that incident, i learned that i should control my temper and always be in my right mind. mahirap na.

what i can say about those experiences is that always stand-up to bullies. may mga negative and positive ako na natutunan sa mga experiences ko. like i always stood -up to the people around me pagnakikita ko na parang kinakawawa sila; tulad sa working area, there was an incident na yung isang staff porke naatasan ng responsibilidad feeling boss na at nag-popower trip pa. masakit nun yung friend ko na co-department ko pa yung kinawawa nya, e ibang department sya. ayun long story short pinakita ko kung gaano sya ka bobo para mapahiya sya, after that kinausap ko yung manager para gawan ng disciplinary actions, ayun suspended saka tinggalan ng resposibilities. yung ginawa ko nga lang e hindi maganda. pero i cant tand bullying talaga.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...