Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Annulment 101

Zorro

Recommended Posts

  • 4 months later...

Hi Everyone.

Ask ko lang. May friend kasi ako na ia-annul ng asawa nya through Sharia law? Pwede bang gamitin yun kahit walang Muslim sa kanilang dalawa at hindi under Muslim ceremony yung union nila? Pwede bang mag imbento ng documents needed para maging applicable si Sharia law? May provision ba si Sharia law na makakalusot ang lalaki sa pagbibigay ng sustento? Uso na ba ngayon na i-suggest itong law na ito to fast track the annulment process?

Thanks in advance :)

Link to comment

1. May friend kasi ako na ia-annul ng asawa nya through Sharia law. Pwede bang gamitin yun kahit walang Muslim sa kanilang dalawa at hindi under Muslim ceremony yung union nila?

Marriage is a contract. Ayun nga sa Article 1 ng Family Code:

Art. 1. Marriage is a special CONTRACT of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code.

Hindi ito maaaring ipawalang-bisa sa pamamagitan ng pagpapalit ng relihiyon, kung walang pag-sang-ayon ng kabilang partido. HIGIT PA DITO, dahil ang kasal nila ay hindi sa ilalim ng Muslim law, sila ay covered ng Family Code, hindi ng Sharia law. At sa ilalim ng Family Code, WALANG DIVORCE!

In short, hindi pwedeng i-shortcut niya ang processo ng annulment, walang bisa ang kanyang pagkuha ng annulment sa ilalim ng Shariah law.

2. Pwede bang mag imbento ng documents needed para maging applicable si Sharia law?

Pwede, walang pumipigil sa isang tao na pumunta sa University of Recto para kumuha ng anumang dokumento na kailangan niya.

Ang tamang tanong ay: may bisa ba ang mga dokumentong ito? Ang sagot, WALA! Imbento nga lang eh. Pwede pa siyang makasuhan ng falsification of documents pag nagkahulihan.

3. May provision ba si Sharia law na makakalusot ang lalaki sa pagbibigay ng sustento?

Hindi ko alam, di ko linya ang sharia law eh. Pero sa aking palagay, may exemption din sa pagbibigay ng sustento. Yun nga lang, kung ano yun, di ko alam.

4. Uso na ba ngayon na i-suggest itong law na ito to fast track the annulment process?

Ayun sa sagot sa no. 1, walang bisa ang "annulment" na makukuha mo sa ganitong paraan. Kung ito ay walang bisa, isu-suggest mo ba ang paraan na ito? Palagay ko, HINDI!

Link to comment

Hi!

Gusto ko lang po sana humingi ng tulong kung ano ang mga karapatan ko bilang babae at ina..

Mula po ng akoy nabuntis, ako po ay nakatira na sa aking mga magulang. Wala po akong trabaho at sya po ay paminsan minsan meron at minsan po ay walang trabaho. Nung nanganak ako, half ng bill po ay nabayaran ng mga kapatid ko. Yung half po ay promissory note at nakahiram po kami sa kaibigan nya na hanggang ngaun po ay hindi pa po namin nababayaran worth 50K. Ngaun po two years old na anak namin, dito parin po kami nakatira sa parents ko at sya po ay sa caloocan. Dumadalaw po sya sa amin pag may sweldo or pera po sya. Ngaun medyo nahihirapan po ako pakisamahan sya dahil sa sobrang seloso po nya, bawat txt nya sa akin puro bintang at hinala, nakakapagod na po sagutin, kahit madaling araw po ay di ako tinitigilan sa mga ganung txt nya. Pag lalabas po ako ng bahay para bumili ng needs ng baby ko, gusto po nya ittxt sya kung ano mga ginagawa ko at kung nasaan na ako. Kahit pagsakay ko ng shuttle ay gusto nya ittxt ko pa. At last week naman ay umalis ako nag apply ng trabaho ay sinamahan pa nya ako kahit hindi naman sya nag apply doon sa company. Nasasakal po ako sa pagiging seloso nya. Hindi po kami magkasama sa isang bunong dahil narin po sa pinansyal, wala po syang stable job. Pag ayaw nya po sa pinapasukan nya ay magreresign ito kahit wala pang kapalit, kayat lagi po ako may utang sa mga kapatid ko pang gastos sa anak namin. Noong May 10 po ay sumugod sya sa bahay ng parents ko at madami sya tinanong sa father ko kung umalis daw ba ako ng bahay. Pagkatapos po ay nagkasagutan kaming dalawa, nahampas ko sya ng face towel sa likod sa inis ko at humarap sya sa akin at sinugod ako. Napaatras ako dahil sa takot, mukha syang papatay noon, agad nyang hinwakan kamay ko at ginapos ako. Sa takot ko ay napasigaw ako at ang pamangkin ko na 15 yrs old ay natakot at tinawagan ang sister ko sa office kayat nagpatawag ng security guard ang sister ko. Nanginginig ako sa takot noon, dati po noong mag bf-gf plang po kami ay nananakit na po sya, tinatadyakan at kinakaladkad po nya ako sa kwarto. Pero dko akalain na mauulit ito noon May 10 kaya Nagmakaaw kami sa kanya na umalis na pero pinilit nya magstay. Pero sa pulit ulit naming pakiusap ay napaalis din namin sya. Sa takot ko at galit sa kanya, tnxt ko sya na di na nya kami makikita ng anak nya. Ang ginawa nya ay nagpunta sya ng abogado at sinabi sa akin na mananalo sila sa kaso at kukunin nila sa kin ang anak ko! Dko po alam kung ano ang ikakaso nila sa akin, dko po alam kung ano ang karapatan ko. Nakiusap po ako sa kanya na wag ituloy ang kaso. At nitong mga nakalipas na araw, pag hindi nya gusto ang sagot ko sa mga tanong nya ay ginagamit nyang panakot sa akin yung pag file ng case.. Ano po ang dapat kong gawin? Lagi po may takot sa isip at kalooban ko, ayaw ko po mawalay sa akin ang anak ko. Tulungan nyo po ako. Salamat po

Link to comment

Hi!

Gusto ko lang po sana humingi ng tulong kung ano ang mga karapatan ko bilang babae at ina..

Mula po ng akoy nabuntis, ako po ay nakatira na sa aking mga magulang. Wala po akong trabaho at sya po ay paminsan minsan meron at minsan po ay walang trabaho. Nung nanganak ako, half ng bill po ay nabayaran ng mga kapatid ko. Yung half po ay promissory note at nakahiram po kami sa kaibigan nya na hanggang ngaun po ay hindi pa po namin nababayaran worth 50K. Ngaun po two years old na anak namin, dito parin po kami nakatira sa parents ko at sya po ay sa caloocan. Dumadalaw po sya sa amin pag may sweldo or pera po sya. Ngaun medyo nahihirapan po ako pakisamahan sya dahil sa sobrang seloso po nya, bawat txt nya sa akin puro bintang at hinala, nakakapagod na po sagutin, kahit madaling araw po ay di ako tinitigilan sa mga ganung txt nya. Pag lalabas po ako ng bahay para bumili ng needs ng baby ko, gusto po nya ittxt sya kung ano mga ginagawa ko at kung nasaan na ako. Kahit pagsakay ko ng shuttle ay gusto nya ittxt ko pa. At last week naman ay umalis ako nag apply ng trabaho ay sinamahan pa nya ako kahit hindi naman sya nag apply doon sa company. Nasasakal po ako sa pagiging seloso nya. Hindi po kami magkasama sa isang bunong dahil narin po sa pinansyal, wala po syang stable job. Pag ayaw nya po sa pinapasukan nya ay magreresign ito kahit wala pang kapalit, kayat lagi po ako may utang sa mga kapatid ko pang gastos sa anak namin. Noong May 10 po ay sumugod sya sa bahay ng parents ko at madami sya tinanong sa father ko kung umalis daw ba ako ng bahay. Pagkatapos po ay nagkasagutan kaming dalawa, nahampas ko sya ng face towel sa likod sa inis ko at humarap sya sa akin at sinugod ako. Napaatras ako dahil sa takot, mukha syang papatay noon, agad nyang hinwakan kamay ko at ginapos ako. Sa takot ko ay napasigaw ako at ang pamangkin ko na 15 yrs old ay natakot at tinawagan ang sister ko sa office kayat nagpatawag ng security guard ang sister ko. Nanginginig ako sa takot noon, dati po noong mag bf-gf plang po kami ay nananakit na po sya, tinatadyakan at kinakaladkad po nya ako sa kwarto. Pero dko akalain na mauulit ito noon May 10 kaya Nagmakaaw kami sa kanya na umalis na pero pinilit nya magstay. Pero sa pulit ulit naming pakiusap ay napaalis din namin sya. Sa takot ko at galit sa kanya, tnxt ko sya na di na nya kami makikita ng anak nya. Ang ginawa nya ay nagpunta sya ng abogado at sinabi sa akin na mananalo sila sa kaso at kukunin nila sa kin ang anak ko! Dko po alam kung ano ang ikakaso nila sa akin, dko po alam kung ano ang karapatan ko. Nakiusap po ako sa kanya na wag ituloy ang kaso. At nitong mga nakalipas na araw, pag hindi nya gusto ang sagot ko sa mga tanong nya ay ginagamit nyang panakot sa akin yung pag file ng case.. Ano po ang dapat kong gawin? Lagi po may takot sa isip at kalooban ko, ayaw ko po mawalay sa akin ang anak ko. Tulungan nyo po ako. Salamat

1. Ang ginawa nya ay nagpunta sya ng abogado at sinabi sa akin na mananalo sila sa kaso at kukunin nila sa kin ang anak ko!

Ikaw naman, oo, nagpapapaniwala agad!

Ayun sa Family Code, Art. 213:

In case of separation of the parents, parental authority shall be exercised by the parent designated by the Court. The Court shall take into account all relevant considerations, especially the choice of the child over seven years of age, unless the parent chosen is unfit.

No child under seven years of age shall be separated from the mother, unless the court finds compelling reasons to order otherwise.

Kitang-kita, pag ang edad ng anak ay mas mababa sa pito, ito ay dapat nasa nanay. Hindi dahilan ang pagkawala ng trabaho ng ina para ihiwalay ang anak sa nany nito. Ang mga halimbawa ng "compelling reason" ay kung ang nanay ay adik, bayolente, may ketong. Kung ikaw naman ay ordinaryong nanay na nag-aalaga sa anak, as between nanay at tatay, nanay ang pipiliin ng hukuman!

Mas mabigat pa rito, parang hindi kayo kasal. Kung hindi kayo kasal, ang inyong anak ay illegitimate, ayon na rin Art. 176 ng Family Code:

Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother,

Ibig sabihin nito, pag ang anak ay illegitimate, ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan (at kustodiya) ng ina, hindi ito maaaring ibigay sa ama!

2. Ano po ang dapat kong gawin? Lagi po may takot sa isip at kalooban ko, ayaw ko po mawalay sa akin ang anak ko.

Ang ginagawa ng partner mo ay VIOLENCE AGAINST WOMEN, specifically ito ay psychological violence (see Section 3(a)[C] at [D], Republic Act 9262). Siya dapat ang matakot at siya ang kayang-kaya mong kasuhan. At mabigat ang kaparusahan nito

Yung kanyang pananakit ay isa ring form ng violence against women!

Pumunta ka na agad sa Women's Desk ng Barangay ninyo para makahingi ng Barangay Protection Order (para di na siya makalapit sa inyo), at para makasuhan na rin agad siya. O di-kaya'y sa Women's Desk sa pinakamalapit na police station, may tutulong na agad sa iyo dun, at ito ang mandato nila.

Good luck!

Edited by rocco69
Link to comment

Salamat for encouraging me to fight. Natatakot po ako kasi lumaban sa korte dahil madami po sya sinasabi na ako daw po ang kakasuhan nya dahil sinabi ko sa kanya na di na nya makikita ang anak namin kahit kelan. Pagkatapos po sabi din nya hindi ko daw sinasagot mga tawag nya at mga txt, tapos nagmumura pa daw ako.. Lahat naman yun totoo.. Pero nagawa ko yun dahil sa ginawa nya sa akin noong May 10. Tapos sabi pa nya hindi daw totoo na sinaktan nya ako.. Sa halip ako daw po nanakit sa kanya! Sinampal at pinaghahampas ko daw po sya! Anung laban ko dun? Wala akong ebidensya.. Sya daw po ay meron.. Pasensya na po kau. Wala po kasi ako makausap tungkol sa sitwasyon ko na makakapag payo in a legal ways.. Salamat pong muli..

1. Sya daw po ay meron

ano naman ang ebidensya niya? pareho lang kayo, basically salita mo laban sa salita niya. alin ang mas kapanipaniwala sa inyong dalawa, at naturalmente, pati magulang mo testigo mo rin.

the earlier na ikaw ay lumapit sa kinauukulan, mas maganda at talaga namang may ginawa na siyang krimen! maganda pa rito, kung maghabla man siya, lalabas na ito ay gawa-gawa na lamang para may pangkontra siya sa inihabla mo sa kanya.

Good luck!

Edited by rocco69
Link to comment

1. May friend kasi ako na ia-annul ng asawa nya through Sharia law. Pwede bang gamitin yun kahit walang Muslim sa kanilang dalawa at hindi under Muslim ceremony yung union nila?

Marriage is a contract. Ayun nga sa Article 1 ng Family Code:

Art. 1. Marriage is a special CONTRACT of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code.

Hindi ito maaaring ipawalang-bisa sa pamamagitan ng pagpapalit ng relihiyon, kung walang pag-sang-ayon ng kabilang partido. HIGIT PA DITO, dahil ang kasal nila ay hindi sa ilalim ng Muslim law, sila ay covered ng Family Code, hindi ng Sharia law. At sa ilalim ng Family Code, WALANG DIVORCE!

In short, hindi pwedeng i-shortcut niya ang processo ng annulment, walang bisa ang kanyang pagkuha ng annulment sa ilalim ng Shariah law.

2. Pwede bang mag imbento ng documents needed para maging applicable si Sharia law?

Pwede, walang pumipigil sa isang tao na pumunta sa University of Recto para kumuha ng anumang dokumento na kailangan niya.

Ang tamang tanong ay: may bisa ba ang mga dokumentong ito? Ang sagot, WALA! Imbento nga lang eh. Pwede pa siyang makasuhan ng falsification of documents pag nagkahulihan.

3. May provision ba si Sharia law na makakalusot ang lalaki sa pagbibigay ng sustento?

Hindi ko alam, di ko linya ang sharia law eh. Pero sa aking palagay, may exemption din sa pagbibigay ng sustento. Yun nga lang, kung ano yun, di ko alam.

4. Uso na ba ngayon na i-suggest itong law na ito to fast track the annulment process?

Ayun sa sagot sa no. 1, walang bisa ang "annulment" na makukuha mo sa ganitong paraan. Kung ito ay walang bisa, isu-suggest mo ba ang paraan na ito? Palagay ko, HINDI!

Pano kung papalabasin sa pamamagitan ng pirmahan ng kontrata na "magpapalit sila pareho ng relihiyon" ngayon, magiging valid ba ung sharia law? kahit kasal nila matagal na panahon ago na?

Pwede. Note however PSA Admin. Order No. 1, Series of 2005:

Rule 12. Registration of Conversion to Islam

Registration of a person's conversion to Islam is prima facie proof that he professes the Islamic faith and thus becomes a Muslim. It shall be governed by the following rules:

  1. A person who desires to embrace Islamic faith shall accomplish the Certificate of Conversion to Islam by providing the following information: his or her full name, sex, civil status, date of birth and age, place of birth, occupation, residence, citizenship, parents and their respective religions. The certificate shall be attested to by at least two witnesses who must be Muslim Filipinos. In case the convert is a minor, the consent of the parents, or the guardian is necessary.

  2. In addition, the Convert shall submit a certification that he/she has undergone an orientation on basic principles and practices of Islam from any accredited Muslim organization by the Office on Muslim Affairs or from any recognized and competent Ustadz or Ulama. The Circuit Registrar shall require submission of such certification.

  3. Four (4) copies of the Certificate of Conversion to Islam shall be submitted for registration within thirty (30) days after the date of its execution by the convert or his authorized representative to theShari'a Circuit Court where conversion occurred. In the city or municipality where there is no Shari'a Circuit Court, conversion to Islam shall be reported by the same person to the LCRO of the place of conversion who shall forward the same to the Shari'a Circuit Court where the convert is domiciled under the procedures of out-of-town reporting.

    In case the convert is not domiciled within the territorial jurisdiction of the five (5) Shari'a judicial districts, the registration shall be at the nearest Shari'a Circuit Court. In such case, the convert, in addition to the requirements under Rule 12 (1) and (2), certify under oath that he has not registered such conversion before any Circuit Registrar. The same shall be annexed to the Certificate of Conversion and simultaneously filed therewith.

  4. The four (4) copies of the Certificate of Conversion shall be distributed, after registration, by the Circuit Registrar as follows: first copy to the convert; second copy to the CRG; third copy to the District Registrar, and the fourth copy for his file.

Lumalabas, hindi pwedeng sa pirmahan lang ng kontrata palalabasin na magpapalit sila ng relihiyon, kailangang magparehistro sila sa PSA (dating NSO), at nangangailangan ito ng certificate of conversion at seminar/orientation ukol sa basic principles and practices of Islam.

Hiwalay pa rito yung pagpapa-annul sa kasal nila, na ayun sa PD1083 ay kailangang dumaan sa Shariah Court.

Kung gugustuhin naman ng lalaki na wag na lang magdiborsyo at maraming asawa na lang:

The principle in Islam is that monogamy is the general rule and polygamy is allowed only to meet urgent needs. Only with the permission of the court can a Muslim be permitted to have a second wife subject to certain requirements. This is because having plurality of wives is merely tolerated, not encouraged, under certain circumstances (Muslim Law on Personal Status in the Philippines by Amer M. Bara-acal and Abdulmajid J. Astir, 1998 First Edition, Pages 64-65). Arbitration is necessary. Any Muslim husband desiring to contract subsequent marriages, before so doing, shall notify the Sharia Circuit Court of the place where his family resides. The clerk of court shall serve a copy thereof to the wife or wives. Should any of them objects [sic]; an Agama Arbitration Council shall be constituted. If said council fails to secure the wifes consent to the proposed marriage, the Court shall, subject to Article 27, decide whether on [sic] not to sustain her objection (Art. 162, Muslim Personal Laws of the Philippines).

Lumalabas, lahat din na iyan ay dadaan sa Shariah Court.

Lumalabas, ang conversion to Islam ay hindi shortcut sa pagpapawalang-bisa sa kasal.

Link to comment

Hi! I already filed a Baranggay protection order and now planning to go to PAO for a TPO or PPO. Ask ko lang kung may laban po ba ang kaso ko na VAWC - psychological abuse, emotional and verbal abuse para mag grant ng PPO? Tsaka pag di ko po ba sinagot mga txt at tawag ng husband ko ay pwede nya akong kasuhan dahil sabi nya tinatago ko daw po or pinagkakait ko daw po na makausap nya ang two year old naming anak? Makakasuhan po ba ako sa ganun? At ngaung may BPO na, pwede na po ba akong magpalit ng mga numbers ko? Salamat po ng marami..

1. may laban po ba ang kaso ko na VAWC - psychological abuse, emotional and verbal abuse para mag grant ng PPO? Oo, in fact, malakas kaso mo.

2. pag di ko po ba sinagot mga txt at tawag ng husband ko ay pwede nya akong kasuhan dahil sabi nya tinatago ko daw po or pinagkakait ko daw po na makausap nya ang two year old naming anak? ikaw ang may karapatan sa anak mo, hangga't wala siyang court order (na malabong mangyari), wala siyang karapatan mag-insist sa custody ng anak ninyo (at pilitin kang sumagot sa tawag o text niya)

3. Makakasuhan po ba ako sa ganun? Oo, kahit sino pwede magkaso. Pwede ka ngang magkaso laban sa kapatid mo sa hindi nila pagbibigay ng regalo sa iyo nung kaarawan mo. Ang tanong, may pag-asa ba itong manalo? Ang sagot, malabo.

4. At ngaung may BPO na, pwede na po ba akong magpalit ng mga numbers ko? kahit wala kang BPO,pwede kang magpalit ng number. karapatan ng isang tao ang gumamit at magpalit ng numero. kahit nga walang dahilan, pwede ka magpalit ng numero eh.

Edited by rocco69
Link to comment

Hi! Ask ko lang kasi pinadala namin thru LBC yung copy ng barangay protection order dun sa tinitirhan ng husband ko. Pero ayaw nya tanggapin yung letter, pangalawang balik na ng lbc dun pero walang may gustong mag receive ng letter. In short ayaw nilang tanggapin yung letter. Ano po ang dapat kong gawin pag ganun? Salamat po

Kung may pera kayo, gastusan nyo na ang dalawang tao sa barangay , BPSO o kagawad maganda, para personal na ibigay sa kanila ang sulat (pamasahe at konting pakain lang naman siguro ang kailangan). Instruksyunan nyo na kung ayaw tanggapin ng tao run, iwanan ang kopya sa bahay (dapat sa taong may-edad na taga-run, mas maganda kung aalamin nila kung sino yun) tapos ilagay sa "Receiving Copy" na dala nila na "Refused to Receive". parang nabigyan na rin sila ng kopya nun.

Kung ayaw niyo ng ganun, ipadala nyo by registered mail, with return card. medyo matagal nga lang yun. at baka hindi rin tanggapin.

Edited by rocco69
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...