Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Annulment 101


Zorro

Recommended Posts

hello po anu po pwede ko gawin? gusto ko magfile ng annulment last 2014 kami kinasal pero 8 months lang nagkasama then yung wife ko ang umalis ng bahay nagpasundo pa sa nanay nya at kuya me halo pa ng iyakan.

 

madaming misunderstanding na ako lagi ang nadidiin lalo na sa preparation ng kasal. church wedding nga pala kami under roman catholic priest din ang nagkasal sa min.

 

naakusahan pa ako ng pambababae kaso puro text lang ng 2 kaibigan ko na babae ang nakita nya sa celphone ko na ginalaw nya ng walang paalam. plano ko nang ipakilala yung wife ko sa iba ko pang kaibigan pero naunahan nya ako sa pagbasa ng mga text na inakala nya na meron akong kabit na 2 babae pero mga kaibigan ko lang yung 2 na pareho pang excited nung nalaman na naikasal na ako at gusto nilang makilala asawa ko.

 

diniin din nya ang pagiging malaki ng sahod nya sa trabaho kesa sa kin at hindi ko kayang tustusan ang mga gusto nya

 

ako din ang gumagawa ng mga gawaing bahay wala syang alam sa pamamalengke, luto at laba. wala na syang ginagawa masyado sa bahay puro tulog lang pero pareho lang kami pagod sa trabaho nung magkasama pa kami at nagmamaneho pa ako ng motor nung mga panahon na iyon

 

yung pinaka matindi humalo pa yung kuya ng asawa ko nung oras na sinundo sya naguusap lang kami upang ayusin yung naging gusot pero inakusahan nanaman ako ng pagkakaron ng ibang babae. medyo naasar na ako sa kakaakusa sa kin palagi ng meron akong kabit kaya nung tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig ginamit ko yung pader kung san ako nakasandal upang tumayo dahil masakit yung likod ko inakala ng kuya nya na lalaban ako kaya nag asta na din sya na parang natapakan ko yung pride nya sa harap ng nanay nya kaya dun na sya nag amok at sinabihan ako na kaya nya akong patayin kung san ako nakatayo.

 

hanggang ngayon hindi pa din namin naaayos ang gusto namin mag asawa. hindi sya open sa kung panu ko gusto ang magiging buhay namin at kung san muna kami titira kasi nagbayad pa ako ng utang para sa kasal namin noon

 

kaya ngayon dalawa ang prublema ko yung asawa ko na puro sarili lang nya ang iniisip nya at yung kuya nya na nagbanta sa buhay ko na ayaw naman makipag usap sa kin para sabihin na nabigla lang sya dahil yun ang sabi ng asawa ko

 

anu po ba pwede ko gawin sa ganitong sitwasyon

 

salamat po

1. anu po ba pwede ko gawin sa ganitong sitwasyon

 

Sabi mo, gusto mo magfile ng annulment. Kung yan ang gusto mo, kumausap ka na ng abugado. alalahanin mo lang, gagastos ka para diyan.

Link to comment

ask lang for advice or for possible solution...

yung girl eh pinagbibintangan ng asawa na nagloloko bt to found out na di naman...now the problem is the girl found out na 15 yrs na fake pala yung documento ng kasal...unaware sya that time since di naman niya akalain na fake yung document.. she's asking for what possible legal solution or ano ba dapat gawin..she's not in good term na with her fake hubby?? just asking for advice or anything to help the girl..ano ba dapat ikaso sa guy...tnx in advance

Link to comment

ask lang for advice or for possible solution...

 

yung girl eh pinagbibintangan ng asawa na nagloloko bt to found out na di naman...now the problem is the girl found out na 15 yrs na fake pala yung documento ng kasal...unaware sya that time since di naman niya akalain na fake yung document.. she's asking for what possible legal solution or ano ba dapat gawin..she's not in good term na with her fake hubby?? just asking for advice or anything to help the girl..ano ba dapat ikaso sa guy...tnx in advance

paanong fake? details please.

Link to comment

paanong fake? details please.

thank you sir rocco69 for the response...here's the problem...nagfb msg sia asking for help regarding about fake marriage she has...ngayon tinanong namin paano niya nasabi na fake yung marriage niya..sabi niya..sabi ni Atty. eh fake daw yung mga documents?? well sabi ko may Atty na pala siya na pinagtanungan kung fake yung documents ng marriage nila..at ano ba yung mga documents na yan para sabihin fake yung marriage nia at sana tinanong na rin nya dapat ano possible solution sa problem niya... sad to say till now di pa siya sumasagot sa message ko...but I guess she want to have an idea of what to do just incase fake yung mga documents about her marriage..etc..but well tnx again sir rocco69 pero I guess this is not really matters na since di naman siya nagreresponse to give more details..tnx again for the effort...

Link to comment

My lawyer friend is an expert in annulment cases. Just to give you an idea, the case may take a year or more to finish before an annulment is granted. You should be mentally, emotionally, physically and financially prepared. She charges about 150K to 250K depending on the annulment case. Freedom is really expensive. It is mentally and emotionally draining as well. Some things are not meant to be and getting an annulment is the best way to get your life back for most of estranged couples.

Link to comment
  • 5 weeks later...
  • 3 weeks later...

Saan po maluwag mag-file annulment? Pwede ba pumili ng place kng saan file case? TIA.

Ayun sa rules, yung annulment ay isinasampa sa korte kung saan nakatira ang mag-asawa. Halimbawa, naghiwalay na ang mag-asawa, nakatira ang lalaki sa Manila, ang babae sa Cebu. Maari itong isampa either sa Manila o sa Cebu. Kung saan naisampa, yun ang may kapangyarihan sa kaso, kung kaya't kung naisampa na sa Manila, di na pwedeng dinggin ng hukuman sa Cebu.

 

Ang ginagawa ng iba, naghahanap ng lugar kung saan "maluwag" ang annulment, palalabasin na dun sila nakatira, at dun isasampa ang kaso.

 

Mahirap po ang ganito at ito ay pagsisinungaling. Sa ilalim ng Rules, kailangan resident ka na ng lugar kung saan isinampa ang kaso 6 months bago ito inihain sa court.

 

Sa Office of the Court Administrator v. Judge Castañeda ( http://www.lawphil.net/judjuris/juri2012/oct2012/am_rtj-12-2316_2012.html) marami ang nagsampa ng annulment sa Paniqui, Tarlac kasi "maluwag" daw dun. Nung magkabistuhan, tinanggal si Judge. Sa dinig ko, pinapaimbestigahan din ng Supreme Court yung mga nadesisyunan na kaso dun. Baka sa huli, ang mga na-grant dun ay baliktarin ng Korte Suprema.

 

Ang pinakamaganda talaga niyan, kumuha ka ng matinong abugado. Kahit saan naman isampa ang kaso, basta may katuturan ang habla mo, may pag-asa na maipapanalo ito, lalo na at karamihan naman talaga ng Family Court judges ang pilosopiya sa buhay ay "kung hindi na sila magkakabalikan, pinagbibigyan ko na".

 

Hope this helps.

  • Like (+1) 1
Link to comment
  • 2 weeks later...

Manila side, the fee is really a bit steep.

 

I had to wait, back in 2002, for me to get re-assigned back to Cebu to find a lawyer. P 50K, all in, di na kasama appearance.

 

It took mine 3 years kasi yung matagal, yung pag confirm or non reply ng finality, mula dito sa Manila.

 

Haay...

Link to comment
  • 4 months later...
  • 3 months later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...