Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Mag Empleyado O Mag Negosyo?


Recommended Posts

  • 2 weeks later...
  • 1 month later...
  • 4 weeks later...
  • 3 weeks later...
  • 2 weeks later...
  • 3 weeks later...
  • 1 month later...

payo ng magulang na pinoy: anak, mag aral kang mabuti para pagkatapos mo, makakita ka ng magandang trabaho.

 

payo naman ng magulang na intsik: anak, ikaw aral mabuti para tapos ikaw aral gawa ikaw bago naten nekosyo.

 

kaya heto tayo ngayon.

ang dating magtataho na intsik, may ari na ng pabrika ng taho. pinoy na ngayon ang nagtatrabaho -- pinoy na ang naglalako ng taho!

 

sabi nga naman kasi ng magulang, mag aral ng mabuti para makakita ng magandang trabaho. eh, pinoy bulakbol hindi nag aral ng mabuti kaya hayan may trabaho hindi nga lang maganda... may trabaho marangal hindi nga lang maganda kasi hindi nag aral ng mabuti!

 

naitanim sa kukute natin na kapag hindi ka nakapag aral ng maayos, hindi ka makakakuha ng magandang trabaho. sa madaling salita ang pag-aaral sa eskuwelahan ay mayroong direktang impluwensiya sa magiging trabaho. ang sabi ko, 'yan ang naitanim sa utak ng pinoy. maayos na pag aaral sa eskuwela ay may katumbas ng magandang trabaho. anuman ang maging resulta, 'yan ang nagiging paniwala ng mga kabataan. ang naitanim sa kukute naten: mag aral para magtrabaho.

 

yung mga naniniwala na kapag ika'y 'di nakapag aral, ika'y 'di makakapagtrabaho ng maganda. kaliwa't kanan natin makikita ang mga taong taos puso ang paniniwala dito. sila 'yong nakikita natin araw araw na nagbabayad ng boundary sa jeep, taxi, o maski maging sa pedicap na minamaneho nila. may trabaho sila, marangal hindi nga lang maganda kase hindi sila nakapag aral.

 

gayundin yung mga naniniwala na kapag ika'y nakapag aral, ika'y makakapagtrabaho ng maganda. kaliwa't kanan din natin makikita ang mga taon taos puso ang paniniwala dito. sila din 'yong nakikita natin araw araw sa bus, sa jeep, o maski maging sa fx na sinasakyan natin. may trabaho din sila, marangal at mas magandang 'di hamak kesa sa trabaho ng mga tsuper kasi nga nakapag aral sila.

 

naka ukit sa kultura ng pinoy na isa lamang ang dahilan bakit kailangan mag aral: upang makapag trabaho!

 

simula pa man noong panahon pa ng lolo ko ganito na ang naging paniniwala -- mag aral para makapag trabaho. kinilala at nirespeto ang lolo sa katungkulan niya bilang district supervisor ng DECS. Nakapag aral ang lolo ko at meron din siyang magandang trabaho. Nakapag aral din ang iba sa mga anak ng lolo ko at nagkaroon din sila ng magandang trabaho. Namatay ang lolo ko nang mahirap at yung mga anak niya puro mahihirap din.

 

Meron siyang nakatatandang kapatid na babae. Madalas kong naririnig nababanggit ng lolo ko na Grade IV lang inabot ng ate niya. Ang kakapusan ng pag aaral ng ate ng lolo ko sa eskuwela ay napunan naman ng pag aaral sa kalsada. Nag ipon at bumili siya ng lumang dyip at ipinasada. Yung kinita sa pamamasada ng isang lumang dyip ay kanyang pinalago at ngayon ay mas kilalang G. Liner. Hindi nakapag aral nang maayos ang ate ng lolo ko, pero namatay siyang mayaman at yung mga anak niya puro mayayaman din.

 

naka ukit sa kultura ng pinoy na isa lamang ang dahilan bakit kailangan mag aral: upang makapag trabaho!

 

kaya huwag na tayo magtaka bakit umaawas ng mga manggagawa ang iniibig nating pilipinas. araw araw libo libong mga manggagawa ang nakapila sa poea na mga gustong MAGTRABAHO sa ibang bansa.

 

kaya huwag na tayo magtaka bakit kinakapos ng mga negosyante ang iniibig nating pilipinas. araw araw sa iyong paglalakad hindi mo maiiwasan na makasalubong ang isang kapwa mong manggagawa na nagtatrabaho sa amo niyang negosyanteng dayuhan!

 

naka ukit sa kultura ng pinoy na isa lamang ang dahilan bakit kailangan mag aral: upang makapag trabaho!

 

kaya't mga manggagawang pinoy sa loob at labas ng bansa ay kanyang ipinagmamalaking nagtatrabaho at naninilbihan siya sa amo niyang negosyanteng dayuhan!

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...