Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Mag Empleyado O Mag Negosyo?


Recommended Posts

<span style='font-size:14pt;line-height:100%'>To all veterans of the real world,mga employees and those who entered business. With all your experiences what would you advise our upcoming graduates. Maniguro muna at magtrabaho para sureball ang income or Venture out into the risky world of business.

 

Or pwede rin magtrabaho muna to gain experience or mag business na at dun talaga makukuha ang experience.</span>

 

 

eh kung graduate ka at magnenegosyo ka rin lang pala, hindi mo lang sinayang yong oras mo sa pag aaral kundi sinuong mo pa ang sarili mo sa alanganin!

 

ang kurikulum sa eskuwela ay naka design para sa pagtatrabaho! bakit ka magnenegosyo?

 

subukan kaya natin tignan ang CV ng isang tagumpay na negosyante sa 'pinas man o sa ibang bansa at ikumpara ito sa isang masugid nilang manggagawa. malamang makikita nating nakatala na "school drop-out" ang nakatala sa CV ng isang tagumpay na negosyante. malamang isa sa mga manggagawa nila ay makikita nating nakatala na PhD or MBA sa mga CVs nila.

Link to comment

may nakasabayan akong engineer sa airport pabalik kaming saudi arabia. siyempre, pinoy, masarap ka kuwentohan kaya nakipag kuwentohan ako sa kanya. nalaman ko na pagkatapos ng 20 taon bilang OFW, umuwi siya at nag negosyo.

 

parang kagaya ng payo ng iba, kung may pang negosyo, mag negosyo. so nag negosyo siya. pagkatapos ng 2 taon, ayan nga kaharap ko at ka kwentohan siya. nagsisimula na naman siya bilang engineer ofw -- nalugi ang negosyo niya.

 

==========

 

naalala ko yung kwento ng buhay ng pinsan ni esmi, si ate inshi. sabi niya, 500 na lang ang pera niya noon nang mag desisyon siya na hindi niya papayagang mawala pa. walang trabaho ang asawa niya. apat pa lang ang anak nila noon. nasa maynila sila upang makipagsapalaran. kung saan saan sila nakikitira.

 

alam niya na kung walang kikilos sa kanilang mag asawa, magugutom siya. kaya yung 500 piso na hawak niya, ginamit niyang pang negosyo. isa siya noon sa mga vendors na nakikipag habulan sa pulis doon sa quiapo.

 

sa pagiging vendor niya, madali niyang napag aralan ang pagbasa ng mga pangangailangan ng mga taong araw araw dumadaan sa quiapo. sabi niya, kung ang paninda mo ay 5 piso pababa, madaling mabenta. nakita din niya na ang mga babae mahilig mag tali ng buhok. simula nun, nag desisyon siya na isa na lang ang ibebenta niya: pantali ng buhok. lumago ang negosyo niya. siya na ang nagsusupply ng mga pantali sa buhok sa lahat ng mga vendors sa paligid ng quiapo at sa iba pang lugar. nakabili siya ng makinang pantahi at meron siyang mga mananahi at nakakapag bayad na siya ng upa sa apartment.

 

sa halagang 500 piso, nakapag negosyo siya!

Link to comment

meron akong tropa dito negosyante. sabi niya, naka guhit na daw ata sa betlog niya ang pagiging negosyante.

 

elementary pa lang daw siya, may mga teacher siya na may utang sa kanya! minsan daw, umiiyak pa sa kanya yung teacher makapangutang lang!

 

ang negosyo niya, school uniform. sabi niya, inalam lang daw niya saan kinukuha nung mga nagtitinda yung mga uniform. sunod na school year siya na ang nagbebenta ng mga uniforms at hulugan pa ang terms niya. yung unang hulog nakuha na niya yung puhunan niya at kita na niya yung mga susunod na hulog.

Link to comment

minsan may napanood ako sa bbc. na feature doon 'yung isang negosyante na nasa junior years pa lang ng college. ang negosyo niya, bar club.

 

hindi ko na maalala ano pangalan nung negosyanteng 'yon. ang naalala ko na lang ay yung sinabi niya na tumanim sa kukote ko.

 

hindi man ganito ang pagkaka sabi niya, ganito ang punto: sa mga oras na ito, mayroon nang mga ganito karaming customers sa loob ng bar... 30 minutes ago, break-even na ako!

Link to comment
  • 2 months later...
  • 1 month later...
  • 1 month later...
  • 1 month later...

if ur a normal guy that don't belong to the higher ups of society, then what can u do? u dont have the capital required to start a business. So just be an employee(preferably abroad, dahil wala ka maiipon d2) gain experience in the field that u want to do business, after years of experience, if u have the capital, then start the business.

 

if u belong to the higher ups then u have no problem at all, mayaman naman c mommy at daddy. all u need to do is ask sa kanila, or minsan ipapamana na lang sayo ung business. kawawa naman c normal guy. =( the normal guy climbed the mountain to get to the top the mayaman guy took the helicopter to get to the top. hahaha

Link to comment
  • 7 months later...

For me, I want both (employed and ventured into business) because I have some relatives that I can ask to work for me. I am not denoting of using them but I want them to be employed in my own business for short period of time until they can find a better employment or have their business too. Actually, this is my mentality when it comes to business, I want to have a business as medium to help people that I know don't have a way for living. But as the owner, I will emphasize the rules and regulations and even let them learn some norms of having a business to them because I have witnessed from friends and office-mates that relatives sometimes is not good part of the business. As much as possible I want to explore all opportunities that will or can be of help, for me to attain my dreams. Wooolaaahhh...Hehehe...:rolleyes::D:lol:

Link to comment
  • 1 month later...

you can start working muna as an employee to learn the ropes and expose yourself to opportunities for business. this is what happened to me, now my sideline is kicking in more money than my actual salary and i dont even have to do a lot of things. i wouldnt have gotten into that sideline if i didnt work as an employee. i was able to create connections and identify opportunities with proper negotiation. pretty soon, it will be a full time thing for me, para lang tuloy tuloy na.

Link to comment
  • 3 weeks later...

I have worked in various companies for 22 years. I still am not rich (comfortable, but not rich). Recently, I was chosen by a US based direct selling company to run their business here in the Philippines, which will launch in JUNE pa. I think this is my big break and I want to share lang with you guys that you can start a business for minimal investment and reap great profits. The key there is TIMING because if you are FIRST then you have a great chance to make it big. The TIME IS NOW. Email me at paul.chews4health@gmail.com for details.

 

Thanks and see you at the top!:)

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...