Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

The Legal Side of Real Estate


rickyv

Recommended Posts

Mag hingi lang po ng advise...

 

I have a lot na balak ko sana pagawaan ng house. However, when the architect plotted un

lot as described by the title, hindi daw nagsara yun property. sabi nya malamang type error

lang. Can someone please advise me on how to deal with this?

 

 

if i may intrude, please double check the source title

Link to comment

Sir salamat sa reply. I went to the RD but un copy kasi nila na nasa computer is just a scanned copy of the TCT that I have. Saan ko po ba pwede makita un orig title ng lot ko?

 

Ang sabi ng Section 108 of Presidential Decree No. 1529, otherwise known as the Property Registration Decree:

 

SEC. 108. No erasure, alteration, or amendment shall be made upon the registration book after the entry of a certificate of title or a memorandum thereon and the attestation of the same by the clerk or any register of deeds, except by order of the proper Court of First Instance.

 

Sa madaling salita, kung may typographical error sa titulo mo, kailangan mo ng court order para i-ayos ito. Kakailanganin mong magsampa ng kaso sa korte para dito (haaaaaaay, gastos na naman!!!).

 

Siguraduhin mo muna na may error nga sa titulo. Patingnan mo sa geodetic engineer o architect (o kahit sino na may alam sa surveying) yung "technical description" sa titulo mo para mai-plot nga ito (2nd opinion, kumbaga). Kung talagang di nagsasara, punta ka sa Register of Deeds at tingnan mo yung kopya nila ng titulo mo. I-compare mo ito sa owner's duplicate na hawak mo. Kung magkaiba yung technical description sa Register of Deeds copy at sa Owner's Duplicate Copy, yung error ay nasa copy mo lang (Ipa-check mo rin sa geodetic engineer yung technical description na nasa Register of Deeds copy. Kung nagsasara yung technical description sa Register of Deeds copy, AYUN, may typographical error dun sa kopya mo lang. Pwede mo nang gamitan ng eraser ang kopya mo ng titulo at i-retype yung tamang description DOON SA KOPYA MO. Solb ang problem!

 

Ang problema, kung pareho ang technical description sa copy mo at copy na nasa Register of Deeds.

 

Kailangan mo ngayon tingnan yung Torrens Title na pinanggagalingan ng titulo mo (makikita ito sa may babang bahagi ng titulo mo, yung portion na nagsasabi na "This certificate is a transfer from Original/Transfer Certificate of Title No. ________ which is cancelled").

 

Kumuha ka ng kopya ng titulong yun sa Register of Deeds at i-compare mo yung technical description dun sa technical description sa titulo mo. Kung magkaiba, kung saan nagkaiba, mas malamang sa hindi, yun na yung error. Ipacheck mo rin sa geodetic engineer yung technical description ng pinanggalingan na titulo kung nagsasara na siya. Kung nagsasara yung sa naunang titulo, AYUN, may typographical error sa titulo mo. Kung medyo bago pa lang na nai-issue yung titulo mo (or kahit hindi, baka sakaling makalusot) kausapin mo yung taga-Register of Deeds, kasi kasalanan nila, baka pwede nilang gawan ng paraan at i-erase na lang yung mali sa kopya ng titulo mo na nasa kanila (medyo suntok sa buwan na ito kung luma na yung titulo mo, at mas malamang sa hindi, naka-microfilm na yung titulo, di na pwedeng basta-basta gamitan ng eraser at i-retype yung mali sa kopya nila at sa kopya mo), tapos i-retype mo na rin yung mali sa kopya mo.

 

Kung pareho pa rin yung technical description sa pinanggalingan na title OR ayaw ng Register of Deeds na baguhin yung typographical error, mapipilitan kang magfile ng kaso sa korte para ipa-correct ang title mo.

 

Kung pareho ang technical description dun sa pinanggalingan na titulo (i-trace mo lahat ng titulo pabalik hanggang sa pinaka-unang titulo to see kung talagang mali ang description from the very beginning or may typographical error lang somewehere along the way) at mukhang mali talaga ang technical description from the very beginning, mapipilitan kang magpa relocation survey sa lupa mismo (haaay, gastos talaga!) para makita kung ano nga ba talaga yung mali sa description. Kakailanganin mo rin naman ito sa petition for correction na isasampa mo sa korte. Pag nalaman na yung mali, ayun, kumausap ka na ng abugado para sa paghain ng kaso mo.

 

Good luck!

Link to comment

Per my original answer:

 

... kung pareho ang technical description sa copy mo at copy na nasa Register of Deeds.

 

Kailangan mo ngayon tingnan yung Torrens Title na pinanggagalingan ng titulo mo (makikita ito sa may babang bahagi ng titulo mo, yung portion na nagsasabi na "This certificate is a transfer from Original/Transfer Certificate of Title No. ________ which is cancelled").

 

Sir salamat sa reply. I went to the RD but un copy kasi nila na nasa computer is just a scanned copy of the TCT that I have. Saan ko po ba pwede makita un orig title ng lot ko?

Link to comment
  • 1 month later...
  • 2 weeks later...

May I ask for advice on a house and lot being offered to me.

 

Said property was awarded to the new owners (who are selling it now to me) after Sheriff's Final Deed of Sale was given to the new owners by the RTC in Valenzuela City and the period of redemption expired with the debtor and all possible redemptioners failing to exercise right of redemption in 2007.

 

Several manifestations and petitions were filed by the debtor redemptioners during the years 2011, 2012, 2013 and in all instances an Ex-Parte Motion for Writ of Possession was granted by RTC Valenzuela, denying the debtor's petitions. This year 2013, the Sheriff executed the Writ of Possession and the new owners are finally now in possession of said property and are offering to sell to me.

 

If I purchase the property and when already titled to me, the debtor redemptioner elevates the case to the Court of Appeals and assuming the case gets elevated further to the Supreme Court what are the possible scenarios for me as purchaser and new owner if the SC rules in favor of the debtor redemptioner?

Link to comment
  • 1 month later...
  • 2 weeks later...
  • 3 months later...

Magandang Araw po. Mag tatanung po sana ako sa mga attorneys natin re: Acquisition of a land. May binibili po kami na property sa isang individual. Nag pa check kami sa RD kung clean ang title ng seller. Lumabas na walang annotation pero may isang kaibigan na nag sabi na mag back check or silipin yung pinangalingan na documents bago mag confirm. Lumalabas na ang documents tulad ng previous title ay may mga annotations ngunit na cancel na ang mortgage. Nailipat ang title mula kay company A (developer) nuong 2012 sa new owner. Ang tanung ko po, possible ba na may iba pang owner na baka may hawak ng title? Kasi may hindi magandang reputation etong si Developer. Kung ma bibili ba namin na clear na ang present title at walang annotation incase sabihin natin na may mag hahabol for whatever reason maabala pa kami?

 

Maraming salamat po!

Link to comment
  • 4 weeks later...

Spadon, I suggest you look at the title to check if there is a notice of Lis penden. If none, your ownership is safe because a buyer of a titled property does not need to look beyond the certificate of title.

 

Cleo, how old are you now?

Thanks for your advice. We did not acquire the property. The said property was purchased by another buyer.

Link to comment
  • 2 months later...

hi good afternoon po, I'm having problems with my mother who is always attacking my current social status(financials) which gives me stress and left me since im one year old' she makes my life miserable, my mother is not a filipino citizen which is considered alien I think, I'm 21 years old, what legal charges can I consider to make my life much better. thank you

Link to comment
  • 3 weeks later...

A friend borrowed money from me and used an original certificate of title loaned to her, as her collateral my friend no longer communicates with me and does not want to pay me anymore. Can i have the title stamped with lien or encumbrance? Because i am afraid that she might advise the RD that they lost the title and can get a new one leaving me with nothing for my claim

Link to comment

tanong po sa pagbili ng condo. kapag binili mo yung condo unit and fully paid na siya and binabayaran mo naman ang maintenance fees kada buwan. leased pa rin ba yung condo unit or under my ownership na siya?

 

naguguluhan ako kasi sa condo policy na leased lang daw ang payment sa condo at hindi talaga siya "to own"

 

Kailangan mo basahin ang mga kundisyon ng kontrata mo kung "Contract of Sale" "Contract to Sell" o "Lease to own"

Meron kasi mga kontrata na kahit hinuhuluhan mo ang condo ikaw na ang mayari. Meron din naman lilipat lang ang pagmamayari ng condo pag "fully paid" na. Ang lease to own, depende sa tagal ng contrata at kung ilang payments ang kailangan mo ma kumpleto bago mapapasayo ang condo.

Link to comment

Sir, let's say, my parents decided to sell the condominium unit that they rent out for investment. Is it under the law that they should first ask the tenant renting the place if they would be interested in buying the property or not before selling it to others? If so, should it be done in writing? Thanks in advance.

Edited by wildswans
Link to comment
  • 4 months later...

Sir, let's say, my parents decided to sell the condominium unit that they rent out for investment. Is it under the law that they should first ask the tenant renting the place if they would be interested in buying the property or not before selling it to others? If so, should it be done in writing? Thanks in advance.

 

Unless there is a right of first refusal in your contract of lease, the current tenant does not have the preferential right to purchase the leased property.

 

Notwithstanding the foregoing, you may try to offer the property first to the current tenant as they would most likely be interested in the property.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...