Jump to content

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

  • 2 weeks later...

yung nagpipilit na magbonding ang isang grupo kahit malinaw na wala namang chemistry mga tao.

 

yung gumagastos beyond their means. Ang rason kasi, may darating nanaman daw na pera next month. Ako nahihirapan para sa kanila pag bumibili sila ng bagong phone or gumagala saan saan pero nagrrant na walang ipon.

 

Mga in public na pinupuri gaano kayaman si ano, saan siya dinala, nilalait gano ka walang pera si ano. Given naman sa part talaga yan ng laws of attraction pero sana man lang in private. May isa dati nagrrant ng malakas na ang disaster daw date nya kasi nagbus pa sila ng lalake, di nya alam wala palang kotse. Most people nakarinig e kilala yung lalake.

 

mga nagkaka affair out in the open. Wala man lang semblance ng privacy at secrecy.

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 months later...

> Hindi sumusunod sa batas o kaya naman ay nakalulusot sa batas kasi may nanunuhol at nagpapasuhol.

> Yung "ako muna" mentality. Kitang-kita ito sa daanan. Mga jeepney driver na nagbababa sa kung saan-saan. Mga illegal vendor sa kalye.

> Crab mentality. Tama yung iba, lalo na yung mga nasa ibang bansa. Takte gagawan at gagawan ka nila ng kung anong tsismis para siraan ka, makaangat lamang sila.

> Yung karamihan medyo "mangmang." Yung iba nagmamagaling. Siguro hindi sila edukado dahil marami ang hindi nakapag-aral o mahirap. Kitang-kita ito sa mga Facebook comments. Yung mga hindi binasa yung balita o artikulo, tapos comment nang comment.
> Ghetto culture? Yung mga "asal iskwater(or illegal settlers)."

> Madaling mauto sa media. Maglagay lang ng ganito-ganyan sa balita paniniwalaan o pahahalagahan agad. Showbiz culture na rin. Pakiusap naman. Puro Kris Aquino na balita. Ano ba yan?
> Regionalism. Ganito kasi yung mga Bisaya. Ganito mga Ilokano. Ganito sila. May kanya-kanya tayong judgement sa tao kaya di tayo nagkakaisa.

> Yung pwede na culture. Or mamaya na culture.

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...