Jump to content

Filipino Habit That You Hate


Guest airmax

Recommended Posts

siguro nakakalungkot lang na kailangan talaga na may kakilala ka para umangat sa buhay. of course, meron din namang umangat sa sariling sikap pero sa tingin ko, a well connected person has more of a chance to succeed than a competent one without connections.

 

ayaw ko din yung walang disiplina sa pagmaneho.

Link to comment
  • 3 weeks later...
Pet peeve ko:

 

I'm not sure kung nangyari na sa inyo ito o napapansin ninyo. May mahabang pila sa fastfood. Sa harapan mo, nagkukuwentuhan ang magbarkada o mag-bf/gf. Mga 5-10 minutes yung pila, lalo na kung yung mga nag-o-order e para sa isang malaking pamilya ang in-order. Lalo na kung lahat yun e take-out. Anyway, tuloy sa biruan at tawanan yung magbarkada/mag-bf o mag-gf sa harap mo. Pagkatapos ng mahabang panahon na sumasakit na yung paa mo katatayo, natapos na rin yung sinusundan nung nagkukuwentuhang magbarkada/mag-bf o mag-gf. Kuha yung service crew ng tray at nagsalita ng "Hi Ma'am, Hi Sir, welcome to --------. May I take your order?"

 

Sabay tumigil ang magbarkada/mag-bf o mag-gf, tingin sila sa menu display at saka pa lang sila mag-iisip kung ano ang o-order-in nila! Me' maririnig ka pang, "Ay, ano kaya oorderin ko?" "Masarap kaya chicken nila?" :grr: :grr: :grr: :grr:

 

Bakit di pa nila naisip mag-isip habang sampung minuto kaming tinutubuan ng ugat sa binti kakapila di ba?

 

:grr: :grr: :grr: :grr: :grr:

 

 

I'm pretty sure nangyari na sa akin ng maraming beses.

Link to comment

palaging sinasabi kapag nagkakamali "Tao lang, po! nagkakamali rin."

 

walang ka-kwenta-kwentang katwiran!

 

e sino ba hindi tao!?!

 

kung lahat na lang e ganito ang magiging dahilan e di pakawalan na natin lahat ng nasa kulungan

dahil mga tao din iyung mga presong yun.

 

e hindi naman sinasabing diyos ka or kung sinumang perpekto.

 

 

 

basta lang may artista or sikat na taong nag-uso ng isang linya na magandang pakinggan, gagayahin na!

 

at sa lahat ang ayaw ko, yung pinasikat ni Rudy Fernandez na

"Walang personalan, trabaho lang!"

 

kadalasang nagsasabi nito yung mga bossing kapag pinapatawan ka ng sanctions.

kung trabaho lang yan e bakit yung mga sipsip at halikpuwet sa kanya e hindi man lang mapagsabihan.

 

sa mga opisina, kadalasan may mahilig mamintas.

pero kapag kinu-kumpronta na nung pini-pintasan, sinasabi "Pine-personal daw s'ya"

 

may mga dumarating sa opisina na mainit ang ulo.

kesyo may problema daw sa bahay or hindi maganda na-experience sa byahe.

halos di na magtra-trabaho dahil sa ka-kwe-kwento nung problema nya.

kapag pinagsabihan...pine-personal daw s'ya.

ganun pala e bakit yung personal mong problema, dinadala mo sa opisina.

 

 

It's always personal.

Link to comment

Ang talagang ayaw na ayaw ko...

 

sa mga magulang na pinoy:

1. Hindi nila tinuturuan mga anak nila na mahalin ang Pilipinas!

2. Tinuturuan nila ang mga anak nila kung paano gulangan ang gobyerno at kapwa!

3. Iniidolo nila 'yong mga magagaling manggulang!

4. Alam na nilang mali ang mga anak nila, babalikan pa 'yong inagrabyado nila!

 

sa mga overseas pinoy:

1. padala dito padala doon kada may umuuwi.

2. sabay reklamo/tanggi pag sila na ang uuwi kasi lahat ng pinadalhan niya magpapadala din!

 

:mtc:

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...