Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

All About Footwear


bRIX

Recommended Posts

eto pala nag compare ng spartan at havaianas

nabasa ko sa email :)

 

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil

 

Pagbigkas:

ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)

hah-vee-ah-naz (American English)

OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

 

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

 

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng

Spartan.

 

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")

 

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Masarap isuot.

- Shock-absorbent

- Malambot ngunit matibay

- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy

- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks

- Mainam na pang-japorms

- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato

- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa

- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at

sasakyan

- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

 

Olats na mga katangian:

Mahal! Mahal! Mahal!

 

Pangalan: Spartan

 

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

 

Pagbigkas:

spar-tan (American English),

is-par-tan (Filipino).

 

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

 

Presyo: Wala pang 50 pesos.

Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

 

Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at

pasyonista)

 

Malulupit na katangian at kakayahan:

- Maaring ipampatay sa ipis

- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho

- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan

- Pwedeng ipamalengke

- Mainam gamitin sa tumbang-preso

- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan

- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko

- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno

- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi

- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing

pamato sa larong Bingo na

kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

 

Olats na mga katangian:

- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang

ang itsura

- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa

- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit

sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

Edited by bayobayo
Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...