jackbrng Posted December 29, 2008 Share Posted December 29, 2008 +1 kay mackyboy, additionally what if I missed a year or two sa pagfile ng ITR? gusto ko lng makaiwas sa mga ripoffs BIR agents first thing to do, go to BIR office and ask for Case Monitoring of your account. Makikita doon kung ano mga BIR returns na hindi mo na-i-file. At ang tawag doon ay Open Cases. So, kailangang i-Close mo lahat yun by filing / paying said BIR Returns. May Penalties na ang mga yon dahil late filing na. Mas maganda kung may kilala kang accountant na sanay sa paglakad ng mga BIR para hindi gaano malaki mabayaran mo. Quote Link to comment
sWORD_fISH Posted December 29, 2008 Share Posted December 29, 2008 first thing to do, go to BIR office and ask for Case Monitoring of your account. Makikita doon kung ano mga BIR returns na hindi mo na-i-file. At ang tawag doon ay Open Cases. So, kailangang i-Close mo lahat yun by filing / paying said BIR Returns. May Penalties na ang mga yon dahil late filing na. Mas maganda kung may kilala kang accountant na sanay sa paglakad ng mga BIR para hindi gaano malaki mabayaran mo. kuya jack, meron ba professional offices that can help sa personal BIR returns ko? i'd like to try if you can recommend any na credible ako din kc 3 years walang ITR and have been working freelance, gusto ko sana magloan ng bahay hehehe Quote Link to comment
mackyboy Posted December 30, 2008 Share Posted December 30, 2008 (edited) Pano kung nareceive na yung BIR form 2316 from the previous company na nagsara na. Is it still considered an open case? Edited December 31, 2008 by mackyboy Quote Link to comment
jackbrng Posted January 5, 2009 Share Posted January 5, 2009 Pano kung nareceive na yung BIR form 2316 from the previous company na nagsara na. Is it still considered an open case? nope, hindi kinu-consider na open case ang BIR Form No. 2316. Attachment lang kasi ito sa BIR Form no. 1700 or 1701 which is the Individual Income Tax Return. Quote Link to comment
mackyboy Posted January 5, 2009 Share Posted January 5, 2009 (edited) nope, hindi kinu-consider na open case ang BIR Form No. 2316. Attachment lang kasi ito sa BIR Form no. 1700 or 1701 which is the Individual Income Tax Return. Ah which means I'm cleared from any penalties for 2008? Nagsara na kasi yung company nung year 2008 eh. Binigay lang sakin yung 2316. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng mapaglilipatan. Edited January 5, 2009 by mackyboy Quote Link to comment
jackbrng Posted January 6, 2009 Share Posted January 6, 2009 Ah which means I'm cleared from any penalties for 2008? Nagsara na kasi yung company nung year 2008 eh. Binigay lang sakin yung 2316. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakahanap ng mapaglilipatan. kung yung withholding tax sa 2316 mo ay correct ang computation or equal sa income tax due mo, pwede ka sa substituted filing at hindi mo na kailangan mag-file ng BIR Form 1700 sa April 15, 2009, otherwise, dapat mag-file ka ng BIR Form 1700 dahil kung hindi, magiging open case ito. Applicable lang ito kung Purely Compensation Income ka lang at walang business. Kung may business ka maliban sa pagiging empleyado, Mixed Income ang tawag dito, obigado kang mag-file ng Annual Income Tax sa April kahit na correct ang withholding Tax mo at ang gagamitin mo na form ay BIR Form No. 1701 Quote Link to comment
manager63 Posted January 6, 2009 Share Posted January 6, 2009 almost the same lang computation ng employed at self employed. Both have their exemptions based on their status. The only difference is may deductions ang mga self-employed para sa mga expenses nila in relation to conducting their business. Jackbrng, thanks sa mga advise mo sa mga tulad naming hindi masyado familiar sa taxation and business protocols. I have a few questions sana. Gusto ko na i-formalize yung company ko. Right now, free-lance salesman ako selling imported machinery. Commissions and allowances lang nakukuha ho. Now, due to the financial crisis, na stop na etong contract ko as free-lance salesman. Advise ng supplier ko, mag tayo ako ng company kahit single proprietor lang, then through my company sila mag benta. May free hand ako sa gp na gusto ipatong. Tanong ko sana, ano kailangan ko for this single prop company? DTI name registration meron na ako. Sa bahay lang ako nag ooffice. Kailangan ko ba ng barangay permit? How about mayor's permit? Wala akong stock dito dahil malaki makina, pero maybe, some day, may awa Diyos, maging corporation din later, magkaroon ng demo unit. Since walang physical goods, for invoicing and receipts, pwede ko bang gawing parang yung ginagawa ng Sunlife of Canada, electronic receipt o soft copy na pwede mo i-print? Paano ba eto i-reregister sa BIR? Paano formating kaya nito? Sa filing ng income tax, paano ko i-dedeclare income ko kung lahat galing abroad pera? Honesty system na lang? Na advisan mo na ako sa mga dating posts na when filing itr, isama ko lahat expenses ko. Eto nga ginagawa ko ngayon, pero, pangalan ko lang naka print sa itr. May mai-recommend ka bang accountant on retainer basis? Sorry, dami kong tanong, jackbrng. Salamat in advance sa advice mo! Quote Link to comment
jackbrng Posted January 9, 2009 Share Posted January 9, 2009 Jackbrng, thanks sa mga advise mo sa mga tulad naming hindi masyado familiar sa taxation and business protocols. I have a few questions sana. Gusto ko na i-formalize yung company ko. Right now, free-lance salesman ako selling imported machinery. Commissions and allowances lang nakukuha ho. Now, due to the financial crisis, na stop na etong contract ko as free-lance salesman. Advise ng supplier ko, mag tayo ako ng company kahit single proprietor lang, then through my company sila mag benta. May free hand ako sa gp na gusto ipatong. Tanong ko sana, ano kailangan ko for this single prop company? DTI name registration meron na ako. Sa bahay lang ako nag ooffice. Kailangan ko ba ng barangay permit? How about mayor's permit? Wala akong stock dito dahil malaki makina, pero maybe, some day, may awa Diyos, maging corporation din later, magkaroon ng demo unit. Since walang physical goods, for invoicing and receipts, pwede ko bang gawing parang yung ginagawa ng Sunlife of Canada, electronic receipt o soft copy na pwede mo i-print? Paano ba eto i-reregister sa BIR? Paano formating kaya nito? Sa filing ng income tax, paano ko i-dedeclare income ko kung lahat galing abroad pera? Honesty system na lang? Na advisan mo na ako sa mga dating posts na when filing itr, isama ko lahat expenses ko. Eto nga ginagawa ko ngayon, pero, pangalan ko lang naka print sa itr. May mai-recommend ka bang accountant on retainer basis? Sorry, dami kong tanong, jackbrng. Salamat in advance sa advice mo! You just started the first step dahil may DTI ka na. That's good! Tuloy mo na. Kuha ka ng barangay permit. Since yung home mo ang office mo, dyan ka na rin kukuha ng barangay permit. Then, after that, kuha ka na ng Mayor's Permit sa city na nakakasakop sa home/office mo. Then, lastly sa BIR ka na magpapa-register. Pwede naman yung mga computerize receipts ngunit kailangan itong i-pa rehistro sa BIR dahil kailangan nila mga track numbers nito in future audits. Try contact mga seller ng Cash Register Machines o POS Machines, baka may software sila na babagay sa business mo. Quote Link to comment
anarkista Posted January 12, 2009 Share Posted January 12, 2009 sir,tanong ko lang. nag-apply kami ng mga kaibigan ko ng partnership. approved na to last year, bandang november yata o a bot earlier, as a partnership. sa SEC ito. dun sa bnigay sa akin ng certificate, parang naibigay na nila yata yung TIN. not sure, i dont have it with me ngayon kasi, pero i think it's a TIN. now, sabi sa DTI online, yung business registration something, effective a certain date last year, hindi na kelangan ng DTI registration pag partnership or corporation, so basically, ok na dapat kami. ala pa kaming mayor's o brgy's permit, b the way. ang problema is, we were not able to start conductiong business. one partner went abroad, the other continued her study, and ako na lang naiwan. ang question ko ay should i file anything to SEC o BIR para i-dissolve ang partnership?or kung hindi naman kelanagang idissolve ang partnership, should i file anything to any govt agency para sabihing hindi natuloy ang business namin? salamat po. Quote Link to comment
jack08 Posted January 19, 2009 Share Posted January 19, 2009 balik ka sa SEC at get the list of requirements for dissolution. kung masyadong masalimuot, e ang SEC eh hindi naman nag iisip, hayaan mo na lang i cancel nila mismo (kasi pag more than 3 years kang walang GIS -general information sheet at annual financial reports, malamang i-cancel nila partnership nyo). pero make sure, check mo procedures ng SEC for cancellation Quote Link to comment
Fragolino Posted January 21, 2009 Share Posted January 21, 2009 (edited) paano mag-file sa bir kapag working at home, outsourcing, freelancer? saka paano makakuha ng bir id? member na ako since 2000, kaya lang di na updated since naging freelancer ako. Edited January 21, 2009 by HaMsTER Quote Link to comment
teban Posted January 22, 2009 Share Posted January 22, 2009 mga sir question lang po my father passed away and meron syang business before which he filed na no operation na since 2002 and he never filed for a new one. tapos ngayon na nagcleclear kami ng taxes supposedly estate tax lang eh biglang ang daming open cases na nilalabas ang BIR nagstart yung mga open cases since Dec 2006 until Jan 2009 and consider na twice a month yung pagfile ng cases na to. ang question ko po areL1,) Tama po ba ito na talagang nagkakaroon ng open cases?2.) bakit po after ilang years (since 2002 till 2006) 2006 na nang nagkaroon ng unang open case. hindi ba dapat since no operation is expired na yung lahat ng business concerns?3.) may some other way pa ba para maclear itong open cases and therefore maayus na din namin yuung estate tax? thanks po! Quote Link to comment
gbp Posted January 22, 2009 Share Posted January 22, 2009 anybody need an accountant/retainer please pm me for details. Quote Link to comment
burnik20 Posted January 25, 2009 Share Posted January 25, 2009 sir, how can i use the yearly depreciation of a property to my advantage when paying taxes? thanks! Quote Link to comment
jackbrng Posted January 26, 2009 Share Posted January 26, 2009 (edited) mga sir question lang po my father passed away and meron syang business before which he filed na no operation na since 2002 and he never filed for a new one. tapos ngayon na nagcleclear kami ng taxes supposedly estate tax lang eh biglang ang daming open cases na nilalabas ang BIR nagstart yung mga open cases since Dec 2006 until Jan 2009 and consider na twice a month yung pagfile ng cases na to. ang question ko po areL1,) Tama po ba ito na talagang nagkakaroon ng open cases?2.) bakit po after ilang years (since 2002 till 2006) 2006 na nang nagkaroon ng unang open case. hindi ba dapat since no operation is expired na yung lahat ng business concerns?3.) may some other way pa ba para maclear itong open cases and therefore maayus na din namin yuung estate tax? thanks po! Nagkakaroon talaga ng open cases ang mga taxpayer na hindi nakakabayad o nakaka-file ng BIR returns. Hindi dahil nag-file ng "no operation" ang father mo sa mga BIR return nya ay nangangahulugan na retired na ang account nya sa BIR. Dapat ay nag-apply sya ng retirement of business sa BIR para hindi na nagkaroon ng mga open cases. Mag-file kayo ng mga BIR returns na naka-reflect sa Case Monintoring Sheet na nakuha nyo sa BIR. Sundan nyo na lang yung ginawa ng father mo na "no operation" ang nilagay sa BIR Returns, ngunit subject na ito sa compromise penalty na P200.00 per BIR return. Edited January 26, 2009 by jackbrng Quote Link to comment
Recommended Posts
Join the conversation
You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.