Jump to content
  • Recently Browsing

    • No registered users viewing this page.

Recommended Posts

sa mga fellow accoutants, ano opinyon nyo sa tax amnesty na ipinapatupad ngayon bungsod sa paglabas ng bir ng revenue memorandum circular no 69-2007?

may bisa kaya itong rmc na ipinalabas ng BIR lalo na sa mga puntos na hindi tugma sa batas na ipinasa ng kongreso?

sa opinyon ko ay masusunod pa rin yung mga probisyon na nakasaad sa RA no 9480 base na rin sa desisyon ng korte suprema (GR no. 109193 Republic of the Philippine vs. The Court of Appeals and Precision Printing Inc.)

kayo ano ang opinyon nyo?

your right fellow CPA, as mentioned in the case you cited..."The xxx ruling is in consonance with the tenet in administrative law that administrative issuances seeking to carry into effect an act of Congress must be in harmony with the provisions of the law, it cannot modify nor supplant the same"

Link to comment

finally, the thread that i've been looking for.

my case is like this.

when i was a medical resident, the hospital which i was working for was the one filing my BIR forms (i think it was a 1700 form, if i remember it right) for 3 consecutive years. After residency, i got a letter from the BIR, sort of a summons, to explain why i didnt file my 1701 form for years (as a private physician). I didnt know i had to file that, since technically, i still havent started private practice then, and was considered employed by the hospital. I fixed it up, nevertheless, and was told by the BIR local office here in the east, to put zero in my 1701 form na lang, since wala pa nga akong private clinic....and that's what ive been doing for years now. Filing my 1701 form and putting 0 in the amount.

Would there be a problem with this?

Link to comment
tanong lang po sa mga autoridad pag dating sa taxation.

ano po ba ang sinasabi ng batas tungkol sa pagbabayad ng buwis ng isang partnership?

matapos na magbayad ng isang kumpanya (partnership) ng income tax sa kinita nito sa buong taon, ilang porsyento po ba ang marapat na bayaran (kung meron man) ng individual partners sa kanilang dibidendo. ito po ba'y itinuturing na personnal income tax na subject din sa parehong exemptions? di po ba parang dalawang beses na kinaltasan ng BIR ang partners kung tutuusin?

meron po bang work-around sa ganitong sitwasyon?

salamat po sa mga sasagot sa mga katanungan ko (di ko po alam kung naitanong na ito di po masyado malayo ang ginawa ko na pagbabalik basa).

bale yung partnership ninyo ay magbabayad ng 35% income tax. sa dividendo naman na paghahatian ninyo ay kakaltasan ito ng partnership ng 10% Final Withholding tax bago ibigay sa inyo. Yung nakaltas na 10% ay ire-remit naman sa BIR ng partnership ninyo. Yung income na ito ay ire-report sa income statement mo bilang individual as other income pero hindi na ito taxable dahil nakaltasan na ito ng Final withholding tax.

Sa tingin ko, mahirap lumusot sa ganitong sitwasyon dahil kung hindi magkakaltas ang Partnership ng Final Withholding Tax ay hindi pwede i-report na nakapagdistribute ng dividends ang partnership at lalaki ang retained earnings nito. Kapag lumaki at lumagpas ang retained earnings sa ceiling ng BIR, masa-subject ito sa Improperly Accumulated Earnings Tax (IAET), so tax na naman. Kapag dumating na sa ganitong punto, subject ka na sa Withholding tax, madadagdagan pa ng IAET, lalaki lang problema.

Link to comment
finally, the thread that i've been looking for.

my case is like this.

when i was a medical resident, the hospital which i was working for was the one filing my BIR forms (i think it was a 1700 form, if i remember it right) for 3 consecutive years. After residency, i got a letter from the BIR, sort of a summons, to explain why i didnt file my 1701 form for years (as a private physician). I didnt know i had to file that, since technically, i still havent started private practice then, and was considered employed by the hospital. I fixed it up, nevertheless, and was told by the BIR local office here in the east, to put zero in my 1701 form na lang, since wala pa nga akong private clinic....and that's what ive been doing for years now. Filing my 1701 form and putting 0 in the amount.

Would there be a problem with this?

Dapat may kaltas ang income payment ng hospital sa iyo at bigyan ka nila ng CERTIFICATE na yung kinaltas sa iyo ay na-i-remit sa BIR.

Kung ang natanggap mo sa hospital na certificate ay BIR Form No. 2316, EMPLOYEE ang status mo sa hospital, at ang Income tax Form na gagamitin ay BIR Form No. 1700. Kapag equal yung kinaltas sa iyo sa buong taon compare sa annual tax due mo, di mo na kailangan mag-file ng Income tax return (BIR Form No. 1700). Tawag dito ay substituted filing. Ngunit kung hindi equal ang withholding tax mo sa buong taon compare sa Income Tax due mo, kailangan mo mag-file ng BIR Form No. 1700.

Kung ang natanggap mo sa hospital na certificate ay BIR Form No. 2307, PROFESSIONAL o SELF EMPLOYED ang status mo sa hospital at ang income tax form na gagamitin ay BIR Form No. 1701. Ang rate ng withholding nito ay 10% kung ang income mo ay P750,000.00 or below at 15% kung above P750,000.00. Every time na tumatanggap ka ng payment galing sa hospital ay may kaltas ito. Sa una, dahil mababa pa sa P750,000.00 ang income mo sa kanila, 10% ang gagamitin nila. Kapag lumagpas na ng P750,000.00 ang income mo sa loob ng taon, mag-a-adjust ang hospital ng rate ng 15%. For example, Jan to May mo ay P700,000.00 ang accumulated income mo, so 10% ang withholding tax rate. Tapos yung June income mo ay P60,000.00, so magiging P760,000.00 na ang accumulated income mo sa taon, so 15% na ang withholding tax rate mo stating June. Bale withholding tax mo ay P9,000.00 (P60,000.00 x 15%). Tuloy-tuloy na itong withholding tax rate mo hanggang matapos ang taon. Next year, ulit na naman sa 10%, and so forth.

Dapat may withholding tax ang binabayad sa iyo ng hospital. At kahit anong uri pa ang withholding tax mo, dapat makakatanggap ka sa kanila ng CERTIFICATE. Kung EMPLOYEE ka, dapat makatanggap ka after year end. Kung PROFESSIONAL o SELF EMPLOYED ka, dapat bago ka mag-file ng Quarterly Income Tax mo ay makatanggap ka ng certificate dahil i-attach mo ito sa Quarterly Income tax mo bilang tax credit. Kung hindi ka binibigyan ng certificate, request ka muna sa accounting office ng hospital. Kung hindi ka pa rin binibigyan, report mo sa BIR.

Walang sense yung advise sa iyo ng BIR. Kung totoo EMPLOYEE ang status mo sa hospital nyo, presentation of BIR Form 2316 will be sufficient enough to prove your status. Di na kailangan mag-file ng 1701 with P0.00 sa kanila, doble trabaho lang. Kung magkaroon ka na ng clinic, saka ka na mag-file ng 1701, at sa 1701 pwede i-consolidate ang income mo as EMPLOYEE at income mo as PROFESSIONAL o SELF EMPLOYED, so isang filing pa rin. One more thing, kung napa-file ka ng 1701, dapat nagpa-file ka ring ng 1701Q, dahil kung hindi magke-create ito ng open case. Kasi kung nag-file ka ng 1701 kahit P0.00, pagka-alam ng BIR sa iyo ay SELF EMPLOYED ka so required ka mag-file ng quarterly return (1701Q) which is unneccessary kung employed ka lang naman. Pupunta ka ng BIR sa loob ng isang taon ng apat na beses para lang sa filing, na hindi naman kailangan. Mahirap kung may open case ka dahil subjected ito sa compromise penalty na P200.00 per return (P0.00 kasi income na ni-report mo)

Better check with your Hospital Accounting Office kung ano ba talaga status mo sa kanila.

thank you, sir, for the extensive explanation. :thumbsupsmiley:

matagal na po ako hindi connected with the hospital (i finished residency 2003 pa), and they did give me copies of the filed forms before....so no problem with that.

What i'm worried about is the yearly filing of 1701 as self-employed, and putting 0.00 in the amount, kase nga, technically wala pa ako private clinic. During the time i was in the hospital, i didnt file this form kase nga they were doing it for me (using the 1700)....after which i got a letter telling me to explain why i failed to file 1701. Pero sabi mo i dont need to file it for now? Pano po kung ma-question ulet ako? :unsure:

Link to comment
distinguished accountants:

i have a couple of questions...

1. what are the taxes that will be applied to a business that is purely service-based (no products)?

2. do i need to declare books of accounts?

3. how do i go about printing/making thesebooks of accounts? any format or do i buy these?

4. any recommendations on how to minimize these taxes?

5. where can i avail of accountant's services (bir-accredited) to audit financial documents?

background info:

*business is a general partnership; 100% filipino-owned

*the income will come from local and overseas sources.

*gross sales may range from 300k to 1.0M

thank you.

TAXES:

1. VAT - 12%. Pero yung income from overseas at dollar denominated zero-rated ito, meaning walang syang output tax. Yung income earn locally lang ang may output tax. VAT Due = Output Tax - Input Tax. Output Tax ay galing sa Sales o Revenue. Yung Input Tax ay galing sa VAT Expense. Mga Expense na walang resibo o nakuha sa NON-VAT entity, walang input tax ang mga ito.

2. INCOME TAX - 35%. Kung ang income from overseas ay galing sa bansa na may treaty sa Philippines regarding tax exemption, exempted ito. Kung ang income from overseas ay na-tax na ng bansa na pinanggalingan ng income, wala na itong tax dito sa Philippines. Kung ang income from overseas ay wala sa mga nabanggit, included ito sa taxable income dito sa Philippines.

3. WITHHOLDING TAX EXPANDED - Kung umuupa ng opisina - 5% ng rental fee net of VAT. Kung nagpa-pa-subcontract - 2% ng income payment sa subcontractor.

4. WITHHOLDING TAX COMPENSATION - Para sa sahod ng mga empleyado. Pakitignan na lang sa www.bir.gov.ph ang tax table.

5. WITHHOLDING TAX FINAL - para sa dividend ng mga partners - 10%

Yung VAT at Income Tax ay ang Partnership ang may obligasyon. Yung Withholding Taxes ay ang mga Income recipient ang may obligasyon pero ang Partnership ang magre-remit sa BIR bilang Withholding Tax Agent.

BOOKS OF ACCOUNTS:

Kailangan mong magpa-rehistro ng Books of Accounts. Nabibili ito sa bookstore o office supplies stores. Kung VAT register ka, 6 na libro kailangan mo tulad ng Journal Book, Ledger Book, Cash Receipt Book, Cash Disbursement Book, Subsidiary Sales Book at Subsidiary Purchase Book. Kung NON- VAT ka naman ay 4 na libro lang ang kailangan katulad din ng nabanggit sa itaas, tanggalin mo lang yung Subsidiary Sales at Subsidiary Purchase Book. Maaring isulat kamay o computer printout ang pag-record sa libro. Maaring i-encode muna sa computer, i-print at idikit sa libro ang recording sa libro.

Kung ang Sales o Revenue mo ay lalagpas ng P1.5 million, VAT register ka, kung mababa sa P1.5 million NON-VAT ka.

TAX MINIMIZATION:

1. Dapat lahat ng Income Payment na ni-require ng BIR na mag-withheld, i-withheld ninyo dahil kung hindi kayo nag-withheld hindi ninyo magagamit ang income payment as your expense at lalaki taxable income ninyo. May client ako na hindi nagwi-withheld sa income payments sa directors dahil family corporation at sila-sila ang nagde-desisyon, kaya nang ma-audit sila, nadis-allow yung mga expenses na binayad sa mga directors at lumaki ang taxable income.

2. Sa VAT, mayroon kayong advantage dahil sa zero rated sales o revenue nyo na galing sa ibang bansa. Kung mas malaking porsento ng income ninyo ay dollar denominated, maaring maliit na VAT na lang ang bayaran ninyo na manga-galing sa Peso denominated income.

ACCOUNTANT SERVICES:

Madami namang accountant na nagpa-praktis. Baka sa kapitbahay nyo meron naman. Lalayo ka pa. Mas maganda kasi kung malapit lang para kumbinyente sa inyong dalawa. Kung wala naman, check mo www.picpa.com.ph (di ko lang alam kung tama ito, kung hindi search mo na lang ang keyword "picpa"). Kung hindi naman, kami nagpa-practice din, pm mo na lang contact number at contact person.

Link to comment
thank you, sir, for the extensive explanation. :thumbsupsmiley:

matagal na po ako hindi connected with the hospital (i finished residency 2003 pa), and they did give me copies of the filed forms before....so no problem with that.

What i'm worried about is the yearly filing of 1701 as self-employed, and putting 0.00 in the amount, kase nga, technically wala pa ako private clinic. During the time i was in the hospital, i didnt file this form kase nga they were doing it for me (using the 1700)....after which i got a letter telling me to explain why i failed to file 1701. Pero sabi mo i dont need to file it for now? Pano po kung ma-question ulet ako? :unsure:

Kung kumikita ka ngayon as employee pa rin, maari kang humingi ng Employment Certificate sa kumpanyang pinapasukan mo o kung may BIR Form No. 2316 for year 2006 na galing sa kumpanya ninyo, gumawa ka ng letter sa BIR na nagsasabi na empleyado ka lang at hindi Self-Employed at i-attach mo ang mga ito para ma-cancel ang registration mo sa BIR as Self-Employed. Kasi sa nakikita ko, nakarehistro ka sa BIR as Self-Employed dahil sa nag-register ka as Self-Employed o na-i-report ka ng dati mong pinapasukan as Professional o Self-Employed. Kung nakatanggap ka ng BIR Form 2307 sa mga napasukan mo, na-i-report ka na as Professional o Self-Employed. Yung letter na gagawin mo na may attachment ang paraan para ma-correct ang error sa account mo sa BIR.

Link to comment
bale yung partnership ninyo ay magbabayad ng 35% income tax. sa dividendo naman na paghahatian ninyo ay kakaltasan ito ng partnership ng 10% Final Withholding tax bago ibigay sa inyo. Yung nakaltas na 10% ay ire-remit naman sa BIR ng partnership ninyo. Yung income na ito ay ire-report sa income statement mo bilang individual as other income pero hindi na ito taxable dahil nakaltasan na ito ng Final withholding tax.

Sa tingin ko, mahirap lumusot sa ganitong sitwasyon dahil kung hindi magkakaltas ang Partnership ng Final Withholding Tax ay hindi pwede i-report na nakapagdistribute ng dividends ang partnership at lalaki ang retained earnings nito. Kapag lumaki at lumagpas ang retained earnings sa ceiling ng BIR, masa-subject ito sa Improperly Accumulated Earnings Tax (IAET), so tax na naman. Kapag dumating na sa ganitong punto, subject ka na sa Withholding tax, madadagdagan pa ng IAET, lalaki lang problema.

maraming salamat po sa inyong paliwanag.

ang susunod ko pong tanong ay ganito: ang sinasabi po bang retained earnings para sa partnership ay pareho din ng limitsayon ng retained earnings para sa korporasyon? ito po'y naitanong ko sapagkat magkaiba ang porma ng kapitalisasyon ng dalawa. pwede nyo po bang ipaliwanag ng kaunti? wala po bang limitasyon na dapat sundin tungkol sa laki ng dibidendo ng partners?

ang huling tanong ko po ay ito: bukod po sa exposure sa risk ng mga partners, ano pa po ang ikinabuti ng korporasyon kung ihahambing sa partnership. gaano kahirap o kadali na mapanatili ng isang kumpanya ang orihinal na pangalan nito kung ito'y magpapalit ng straktura ng kumpanya (partnership to corporation)?

Link to comment
  • 2 weeks later...
Tax credits...

pano po mapatunay na nagbigay ka ng donation sa mga institution na walang resibo? or let's say, bumili ka ng mga items po, then gave it to charity? pano po un make-credit?

thnx. :-)

go to: www.bir.gov.ph/taxcode/24615.htm

hope you will be clarified with the laws on allowable deduction on Charitable contributions.

Link to comment
  • 2 weeks later...
  • 2 weeks later...
TAXES:

1. VAT - 12%. Pero yung income from overseas at dollar denominated zero-rated ito, meaning walang syang output tax. Yung income earn locally lang ang may output tax. VAT Due = Output Tax - Input Tax. Output Tax ay galing sa Sales o Revenue. Yung Input Tax ay galing sa VAT Expense. Mga Expense na walang resibo o nakuha sa NON-VAT entity, walang input tax ang mga ito.

2. INCOME TAX - 35%. Kung ang income from overseas ay galing sa bansa na may treaty sa Philippines regarding tax exemption, exempted ito. Kung ang income from overseas ay na-tax na ng bansa na pinanggalingan ng income, wala na itong tax dito sa Philippines. Kung ang income from overseas ay wala sa mga nabanggit, included ito sa taxable income dito sa Philippines.

3. WITHHOLDING TAX EXPANDED - Kung umuupa ng opisina - 5% ng rental fee net of VAT. Kung nagpa-pa-subcontract - 2% ng income payment sa subcontractor.

4. WITHHOLDING TAX COMPENSATION - Para sa sahod ng mga empleyado. Pakitignan na lang sa www.bir.gov.ph ang tax table.

5. WITHHOLDING TAX FINAL - para sa dividend ng mga partners - 10%

Yung VAT at Income Tax ay ang Partnership ang may obligasyon. Yung Withholding Taxes ay ang mga Income recipient ang may obligasyon pero ang Partnership ang magre-remit sa BIR bilang Withholding Tax Agent.

BOOKS OF ACCOUNTS:

Kailangan mong magpa-rehistro ng Books of Accounts. Nabibili ito sa bookstore o office supplies stores. Kung VAT register ka, 6 na libro kailangan mo tulad ng Journal Book, Ledger Book, Cash Receipt Book, Cash Disbursement Book, Subsidiary Sales Book at Subsidiary Purchase Book. Kung NON- VAT ka naman ay 4 na libro lang ang kailangan katulad din ng nabanggit sa itaas, tanggalin mo lang yung Subsidiary Sales at Subsidiary Purchase Book. Maaring isulat kamay o computer printout ang pag-record sa libro. Maaring i-encode muna sa computer, i-print at idikit sa libro ang recording sa libro.

Kung ang Sales o Revenue mo ay lalagpas ng P1.5 million, VAT register ka, kung mababa sa P1.5 million NON-VAT ka.

TAX MINIMIZATION:

1. Dapat lahat ng Income Payment na ni-require ng BIR na mag-withheld, i-withheld ninyo dahil kung hindi kayo nag-withheld hindi ninyo magagamit ang income payment as your expense at lalaki taxable income ninyo. May client ako na hindi nagwi-withheld sa income payments sa directors dahil family corporation at sila-sila ang nagde-desisyon, kaya nang ma-audit sila, nadis-allow yung mga expenses na binayad sa mga directors at lumaki ang taxable income.

2. Sa VAT, mayroon kayong advantage dahil sa zero rated sales o revenue nyo na galing sa ibang bansa. Kung mas malaking porsento ng income ninyo ay dollar denominated, maaring maliit na VAT na lang ang bayaran ninyo na manga-galing sa Peso denominated income.

ACCOUNTANT SERVICES:

Madami namang accountant na nagpa-praktis. Baka sa kapitbahay nyo meron naman. Lalayo ka pa. Mas maganda kasi kung malapit lang para kumbinyente sa inyong dalawa. Kung wala naman, check mo www.picpa.com.ph (di ko lang alam kung tama ito, kung hindi search mo na lang ang keyword "picpa"). Kung hindi naman, kami nagpa-practice din, pm mo na lang contact number at contact person.

Tanong ko lang from our accountant members, how to put up or register a local representative office. Foreign based yung company and they are thinking of putting up a rep office sa Pilipinas. Any suggestions on how to get started, government agencies to visit, permits, taxes, requirements, etc. Thanks, gentlemen.

Link to comment
  • 3 weeks later...

Well it is like your registering a corporation to SEc. You need to secure permit to operate to the SEC.. There are some requirements such as certificate of bank deposit and remittance, i think the minimum remittance from is about USD25k or USD50K. Go to SEC and get the necessary requirements..

FYI.. Representative office is considered resident foreign corporation..

Link to comment

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...