Sawang-sawa na ako sa mga "established" restaurants! Problema kasi sa mga resos dito sa atin pagsumikat na ang establishment, at dumarami na ang branches, ang kalidad ng produkto nila bumabagsak na! Example: Triple V restos, Gloriamaris, Hapchang, Dencio's, Gerry's Grill, tia maria, Yellow Cab... Ayaw ko na rin sa mga restos na "sell out" meaning hindi authentic ang pagkain nila, o kaya'y kinokompromisa nila ang kalidad, o SUPOT lang talaga chef nila! Example: Tempura, Teriyaki Boy, Saisaki, Chowking, Little Asia, Pho Hoa.... Kaya hanap ko na lang ngayon mga holes-in-the-wall, kung hindi mga di sikat pero masarap talaga ang food. Example: schwarzwalder, Old Swiss Inn, Jerusalem, Kikufuji at yung maliit na puwesto sa former-Ultra sa Pasig na sisig ang specialty. Share niyo naman dito mga ibang lugar na ganito!