Jump to content

big_d12fighter

[02] QUARANTINED
  • Posts

    3
  • Joined

Posts posted by big_d12fighter

  1. i dont know if this is applicable in this thread. tanong ko lang po kung ang property na hinulugan pa will still be subject as conjugal property while annulment is on process.

    ano ang pwedeng gawin para hindi ito mabilang sa conjugal property. Pwede bang palipat ito sa ibang pangalan kahit walang consent ng other half, dahil ako naman ang nagbabayad from the very start. Ano ang pinakamagandang gawin in this case.

     

    Salamat po.

  2. hindi nawawalan ng bisa ang kasal dahil mali ang date of birth na ibinigay ng ikinasal.

     

    ang rekisitos ng kasal ay:

     

    i. kapasidad ng ikinakasal (e.g. isang lalaki at isang babae, pareho silang edad 18 pataas, hindi magkapatid o magpinsan, parehong single, atbp.)

     

    ii. pagsang-ayon sa kasal (pagtanggap sa isa't-isa bilang mag-asawa) na inihayag nila sa harap ng nagkakasal at ng dalawang testigo

     

    iii. kapangyarihang magkasal ng nagdiwang/nagdaos ng kasal (e.g., kailangan ito ay pari, mayor, huwes, etc.)

     

    iv. marriage license - kailangang meron nito ang ikinakasal (bagaman may ilang hindi saklaw ng rekisitos na ito), at

     

    v. seremonya ng kasal kung saan humarap sa nagkakasal ang magkapareha.

     

    Kapag ang limang rekisitos na ito ay nariyan, may bisa ang kasal. mapapansin na hindi rekisitos ng mabisang kasalan ang pagbibigay ng tamang edad o date of birth (siyempre, kailangan 18 sila pataas). kaya nga kahit mali ang binigay mong pangalan sa kasal, may bisa pa rin ang kasal mo - mali nga lang ang lalabas na pangalan sa marriage contract (pati marriage contract ay hindi rekisitos ng kasal kaya kahit wala nito, basta yung limang rekisitos na nakalista sa taas ay meron, may bisa ang kasal).

     

    NOTE: walang bisa ang kasal kung ang ikinasal ay below 18 at nagsinungaling ito at ipinalabas niya na siya ay 18 na (walang bisa ang kasal, hindi dahil mali ang date of birth, kundi dahil ang taong below 18 ay walang kapasidad magpakasal).

     

    Ang isa ring posibilidad ay 18 and above siya pero below 21, at nagpapakasal siya ng walang pahintulot ng magulang, kaya siya ay nagsinungaling at pinalabas niya na siya ay 21 na (para di na hanapan ng parental consent). ang kasal ay pwedeng ipawalang-bisa (voidable) hindi dahil mali ang date of birth kundi dahil walang pahintulot ng magulang.

     

    liban sa dalawang kasong ito, ang maling date of birth sa marriage certificate ay di nakaka-apekto sa bisa ng kasal.

     

     

    maraming salamat sa sagot atty.

     

    kung pinatanda po ang ikinasal para walang consent ng magulang, but then nagsasama na ng 10 taon is it consider voidable dahil walang pahintulot ang magulang in the first place. Kung pwedeng ipawalang bisa ang ganitong sitwasyon. Ano ang gagawing proseso para mapawalang bisa ang kasal?

  3. tanong ko lang atty .

    if the birth date given of both parties is not the right one and also appear in marriage contract in NSO., but the true bithdate does not match with the birth cert. Will this be consider void?

×
×
  • Create New...