asaness0961
-
Posts
13 -
Joined
-
Last visited
Content Type
Articles
Media Demo
Profiles
Forums
Posts posted by asaness0961
-
-
Best cardio exercise is burpees.
-
Kung mapayat ka talaga at gusto mo mag gain ng weight. Mag try ka uminom ng mega mass tapos sabayan mo ng gym. Garantisado yan, mag gain ka ng weight. Kung goal mo ay magpalobo, pwede mo isabay yan sa kung ano man ang diet mo ngayon.
-
Para lumiit ang tyan, dapat walang sugar o anuman ang kinakain at iniinom. Strict diet sa pagkontrol ng mga kinakain. Tapos puro tubig lang. Hindi kasi sapat yung exercise ka ng exercise tapos yung mga kinakain mo ay hindi angkop sa mga ginagawa mo.
-
When to take exercise, is when you feel motivated enough and have the will to endure the pain. Siguro kahit hitik yung schedule mo sa trabaho. Makakahanap ka ka pa rin ng paraan para makapag exercise o makapunta sa gym. Syempre, kapag naumpisahan mo na dapat ituloy tuloy mo na.
-
Since nag first year high school, alam ko na may kakaiba sa pag-iisip ko at kung pano ko tingnan ang mundo ko sa paligid. Yes, kinakailangan mag-aral para sa kinabukasan pero ang hirap gawin lalo na kung ang pinaghuhugutan mo ng lakas ay syang ring unti-unting sumisira sa sarili mo.
I've been single for a couple of years and been curious on how can I happy or how can I get a girlfriend. Pero since socially awkward ako, I tend to walk away. Ang hirap din kumausap ng ibang tao due to past experiences or rather I say, traumatizing. I always says to myself that I don't need other people. I always want to solve my problems in my own and not to bother people around me. Pero minsan, masakit na at parang madali pang mag give-up na lang.
Tapos dumating yung time na, nagsabay sabay na yung mga problema. Hindi naman sa pag-aaral pero sa pamilya, halos lahat sa pamilya. Nasa ibang bansa ang nanay ko kung kaya't ako ang inaasahan nya bilang panganay na rin sa mga magkakapatid. Walang trabaho, salot sa lipunan, isang drug addict ang aking Ama. Hindi para siraan sya, sa halip ay ako'y nagsasabi lang naman ng katotohanan. Lagi lang akong nagmamasasid, nag-iisip at nagtatanong kung bakit ganun ang kalagayan ng buhay ng aking dinaranas. At sa naisip ko, gusto ko na lang magpakamatay. Gusto ko na lang matapos na lahat ng ito. Hindi ko sinasabi na dumating sa lahat ng tao at "phase" na ito. Pero yun talaga ang naiisip ko nung time na yun. Parang masmadali pang mamatay na lang at iwan ang lahat.
Pero ayun, pinag-isipan ko lahat ng mga bagay bagay. Inisip ko kung anong mangyayari kung ako'y mawawala na mundong ito. At na isip ko, hindi rin pala sagot ang pagpapakamatay. Mali, maling mali na isipin ito. Siguro kaya tayo binigyan ng "utak" para malaman ang mga bagay bagay. Life is unfair. Life is suffering. Ika ng iba. Pero bandang huli, desisyon mo pa rin sa sarili mo ang dapat mong gawin. Malaya ka maging masaya, malaya ka rin maging malungkot. Basta wag na wag mong sasaktan ang iyong sarili. Isipin mo lang ang mga magiging kinahihitnatnan ng mga hakbang na gagawin mo at malalagpasan mo din ang iyong problema. Wag lang sa pera. Mag trabaho ka syempre.
Hanggang ngayon, ganyan pa rin at estado ng pamumuhay ko. Pero this time, tamang chill lang. Kung gusto mo maglaro, maglaro ka. Simple as that. Humahanap ka ng libangan na magpapasaya sa sarili mo. Salamat sa pagbasa.
-
kada gabi tapos tulog na yung mga tao dito sa bahay.
-
Nalaman ko tong site na to sa tropa kong mahilig gumimik. So far, nagbabalak pa lang kaming tatlo. Wala pa kasing ipon.
What would make students study harder?
in Academics, Schools, Universities
Posted
Yung nag aaral ng hindi akwa sa gusto nya. More like kagustuhan ng parents kaya napipilitang mag-aral yung bata.