Jump to content

CumLady

[02] QUARANTINED
  • Posts

    9
  • Joined

Posts posted by CumLady

  1. I badly need your opinion on this situation. I hope you can enlighten me what to do.

     

    Sa isang socialized housing ng government sa Tondo, may isang "subdivision" under the CMP na approved na ang subdivision plan noon pang 2005.

    Sabi ng NHA, matagal na dapat na-implement ang plano. Pero sa level ng HOA, wala pang directives as of August 11, 2009 para gumalaw ang mga miyembro kasi wala naman pang naging konsultasyon sa pagitan ng Board of Directors at iba pang miyembro.

     

    Tapos may isang miyembro na "gumalaw" para ma-implement sa kanyang bahagi ang mapa na wala pang directive from the HOA. Nagharap sa baragay yung gumalaw at yung direktang apektado sa paggalaw. Ang rason nung gumalaw o umusog ay dahil sakop niya ang area na iyon. Ang tanong na lang eh kung may directive from the HOA. Dahil walang naipakita ang taong iyon, nag-set ng panibagong meeting. Na-invite ang presidente ng asosasyon. During the meeting, may binasa ang president na isang Board Resolution na nagsasabi na pwede nang gumalaw. Pero resolution na iyon ay ginawa lamang nila a day bago nungpagharap niya sa barangay. (Question: May offense ba ang presidente or ang board of directors sa aspetong ito?)

     

    Sa meeting na iyon, napagkasunduan na since base sa mapa ang paggalaw ng isang member kahit wala pang directive o consultation from HOA members, nagsabi ang presidente pwede na ring buksan na rin lang ang totoong daan nung apektadong miyembro. August 21 naganap ang kasunduan. Nagsabi na rin at pinayagan ng presidente na buksan na ng apektadong miyembro ang pader niyang gagawing pinto para sa main access niya.

    Ang access niya ay may lapad lamang na 1.2 meters at may kahati pa siya ditong isang member na katabing bahay.. (Question: Di po ba substandard ang sukat ng footpath since sa BP 220, ang minimum ay 2 meters dapat. Pwede pa po bang i-contest ito kahit approved na ang subdivision plan?)

     

    Naipagawa na po ang pinto pero yung bahay sa likod ay nakaharang pa rin ang pader ng tinayo nilang make shift dun sa footpath. base sa napag-usapan with the president noong August 21, naipatanggal na ito. (Question: May offense po ba ang presidente sa aspetong ito?

     

    Nagkaroon po ulit ng pag-uusap sa kasama ang nakatira sa likod, ang apektadong miyembro, pati some officers ng asosasyon. INvited din ang dating officer ng asosasyon na nakaupo nung time na ginagawa pa lang ang mapa. Yung dating officer pinatunayan na ang footpath na iyon ay access lamang nung dalawang miyembro. at ang daan nung miyembrong nasa likod ay hindi sa gilid pero sa harap facing the "main road" which measures 2-meter wide. Ang lot nung miyembro sa likod ayun sa mapa ay isang corner lot. may footpath sa magkabilang gilid niya which both measure 1.20 meters.

    Sa kabilang footpath, two members lang din ang may access ayon sa mapa.

     

    Sa pinakahuling hearing, biglag nagdesisyon ang board of directors na pwedeng magpinto ang nakatira sa likod kasi corner lot daw ito. at ayon daw sa abogado, nasa kamay ng board of directors ang decision. since ang footpath ay binabayaran ng asosasyon at hindi pag-aari ng sinuman. (Question

    mas concern pa po ba ito kung ang pagkakaroon ng pangatlong member na dadaan sa footpath ay isang fire hazard na? at allowed ba na ang isang socialized housing member ay mayroong mahigit sa isa na magkaibang pinto? Magkaiba kasi yung sa main access nila sa harap ang daan ay yung mismong member ng asosasyon, samantalang yung dadaan at makikihati pa ng access sa dalawang members ay anak lang ng member?)

     

    Sa kabilang asosasyon, nagpatunay ang presidente na hindi nila allowed na ang member ay may dalawang pinto pa. sa katulad na kaso, ang advice nila sa kanilang miyembro ay magbigay ng daan sa loob ng bahay o sa nasasakupan nila palabas sa kanilang main access at hindi sa gilid ng bahay o panibagong pinto pa.

     

    pasensya na po kung mahaba ah....

×
×
  • Create New...