Jump to content

Mc Travis

[03] MEMBER
  • Posts

    3
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Mc Travis

  1. In the light sa ongoing issue ngayon na paglaya ni Sanchez, i've read several articles na nagsasabing ang isang convict ay may civil punishment rin civil interdiction yata ang tawag kung saan hindi siya pwedeng bumoto o gumawa ng kontrata.

    Tanong lang sir for curiousity lang, kung makakalaya ba ang isang bilanggo, automatic ba na mawawala ang civil interdiction?

    Kung makakalaya si Sanchez according to GCTA, pwede na ba siyang bumoto at gumawa ng kontrata agad-agad?

    Ang civil interdiction ay isang Accessory Penalty naka kabit ito sa, as the term suggests, Principal penalty. Mawawala ito oras na ma-extinguish ang kanyang Criminal liability. Kaya't oras na makalaya ang isang tao sa pagkakabilanggo sa mga dahilan tulad ng service of sentence, extinguished na ang kanyang Criminal liability sa parehong Principal at accessory penalties.

     

    Maga-apply ba ito kay Sanchez? Questionable pa kasi kung applicable ba talaga sa kanya ang GCTA. May mga bumabasa ng batas at nagiinterpret na hindi applicable ang GCTA sa persons convicted of heinous crimes. May mga nagsasabi ding applicable sa lahat ang GCTA. SC lang ang makakapag sabi.

     

    Kung applicable, para sa akin, wala nang civil interdiction dahil fully extinguished na ang criminal liability. Kung hindi applicable, may tanong pa diyan kung pwede pa ba siyang arestuhin o ikulong. Maari man o hindi na, magpapatuloy pa din ang civil interdiction.

×
×
  • Create New...