Jump to content

SadBoys

[03] MEMBER
  • Posts

    16
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by SadBoys

  1. My worst motel experience na pinasukan ko is Queensland Lodge Sta. Mesa sa may 2nd floor or 3rd floor yata yun. Although wala naman akong naramdaman.

    Way back 2018, morning rush hour nun and papunta pa akong Alabang, sa sobrang traffic and pagod ko napadaan ako ng Sta. Mesa and naisip ko magcheck-in muna and magpagabi na para wala nang traffic pag uwi.

     

    Pagpasok ko dito umakyat ako as I can remember sa 2nd floor or 3rd floor yata. Walang katao tao. Parang ako lang yata nag check-in dun sa 2nd floor or 3rd floor. Walang mga nakapark na sasakyan sa mga garahe ng rooms. Wala ring employee ng motel para mag assist, umikot pa ako pababa sa 1st floor para magtanong ng mag aassist.

     

    Then yun na nga, pagpark ko and pagpasok ko sa room nung una hindi ko pa pinapansin yung pagkaluma nung room. Pero nung nakapag pahinga na ako paunti unti dun na ako kinakabahan, sa sobrang luma nitong motel na ito kahit wala kang 3rd eye, magkakaroon ka bigla ng 3rd eye kakaisip sa nakakatakot na parang haunted room or haunted building.

    From bed yung bathroom nya nasa may itaas, aakyat kapa ng ilang hakbang papunta sa banyo. Pagpunta ko sa banyo walang ilaw yung bathtub, tapos sobrang luma na at puro dumi na yung bathtub, yung alam mo sa sarili mo na di na pwedeng gamitin sa sobrang kalumaan at sa sobrang dumi. Akala mo merong pinatay dun sa bathtub na yun. Worst case pa sobrang hina ng data sa loob kasi kulong yung room. Tapos yung tv luma pa tapos malabo ang reception.

    Buong stay-in ko dito lahat na yata ng katatakutan naisip ko na, baka may magpakita sakin na pinugutan ng ulo, white lady, batang tumatakbo or baka may gumalaw na gamit or bumukas na mga gripo (inadvance ko na talaga isip ko, pucha habang nakahiga ako di talaga ako nagalaw. Nawala pagod at antok ko dito sa motel na ito, sa sobrang kakaisip ko tatalunin ko utak ni Einstein kakaisip ng mga possibilities at outcome ng mangyayari. Di ko na tinapos yung 12hours stay-in ko.

    Nung nakakuha ako ng lakas ng loob para tumayo at lumabas na eh sinamantala ko na. Pinangako ko sa sarili ko na di na talaga ako babalik sa motel na ito, mamamatay ako sa nerbyos at kakaisip.

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...