Jump to content

nobody080182v2

[04] MEMBER II
  • Posts

    184
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by nobody080182v2

  1. try watching Expensive Candy, maganda yung pagakakapresent ng conflicts na pedeng magarise sa set-up na ganito. Maganda na pinakita na kapag iba ang vinavalue ng bawat isa, mahirap.

    SPOILER WARNING

    Si Julia baretto na sex worker, alam kung ganito kahirap maging mahirap. Matagal na nyang nadecide na dito sa paraan na to best naisip nyang mabuhay. Kahit walang pinagaralan, minsan mas makikita mo pa nga na mas magaling magdesisyon si Julia kesa ke Carlo.

    Si Carlo Aquino naman dun, sanay sa simple at mejo naive. Kita mo rin ma insecurity. Na-inlove sa character ni Julia.  Sa kanya ko nakikita yung mga confused or blindly in love na mga tao. Dahil din sa pagibig kaya rin sya napahamak. Bit off more than he could chew. Nawalan ng trabaho, nasira kareer, pati relasyon sa pamilya.

    Both naman me point. Pinilit din naman nilang magsama pero dahil iba nga ang pinapahalagahan nila, parehas nahihirapan. Nung nakita ni Julia yung 1K na bill para suklian nila, alam mo nang hihinayang sya sa nawalang lifestyle nya. 

    Naghiwalay din sila nung nalaman na nagka-client call pa rin si Julia. "Ang mahal mong mahalin," sabi ni Carlo. "Wag mong ipagkait sa akin ang makinabang ako." sabi ni Julia. Maganda yung line ni Julia kasi di pina-paint na ginagawa nya yun out of greed, kundi just grabbing the opportunity kasi it might be the only way for her in this life.

    In the end same ang conclusion nila: Hindi si Carlo ang magliligtas ke Julia.

    Dapat marealize to ng mga GM na they should know at what point they would lose themselves na. Kahit mayaman at may kaya, tingin ko malilimas din if di marunong magpigil (mas mahal lang ang kendi nila kesa sa karamihan sa atin). And dont hate the girl. She is just not meant for you to save.

    • Like (+1) 1
×
×
  • Create New...