Meron ba kayong mga food/candies/chicheria na namimiss kasi matagal mo na ring di nakain pero paborito mo nung bata ka? Nami-miss ko na kasi yung maya-maya, may hawak akong "Stay Fresh", or yung "Joy" na candy na pwedeng i-whistle! Tsaka yung tira-tira (or rubber candy sa iba), yung matamis na matigas? Meron pa ba nun ngayon?? Tsaka sayang di nagtagal yung controversial na "Chikadees" noh... may kasabay na isa pang chicheria yun eh.. yung may free sticker na nabalitang may drugs?? Ano na nga ba yon?? Gaganda pa ng freebies sa mga foods noon, at masaya ka na kasi sa 10 pesos ang dami mo ng mabibili.