Jump to content

kyubingdakila

[03] MEMBER
  • Posts

    40
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by kyubingdakila

  1. On 12/26/2023 at 1:10 PM, PacificoPacifier said:

    Anong sasakyan galing Cubao pa Sultan? Preferred Jeep sana

    Pwede ka na rin mag LRT nalang, diretso na hanggang SM Masinag. Tapos konting lakad nalang

  2. 11 minutes ago, bbmacdo said:

    basta ako pinamainstream ng mga vloggers pinipilahan na ngayon. it's good for the business. pero para sating mga frequenter before ng binondo restos, parang nakakatamad nang pilahan.

    Totoo. Nung nagsimula yung era ng vloggers. Naumay na ako tumingin sa pila nila at ang hirap na maghanap ng makakain an. Mas maigi nga wag na isama ang tasty dumpling para di rin humaba ang pila haha

  3. On 7/14/2023 at 6:26 PM, bbmacdo said:

    hirap na kumain dito. ang hahaba na ng pila kahit weekday. used to frequent these restos before:

    manosa - beef maki

    chuan kee - for budget chinese food fix

    sincerity - fried chicken

    lan zhou la mien - beef noodles / dumplings

    ying ying - soy chicken

    dong bei - dumplings

    wai ying - pork asado

    i have some more stores at the back of my mind. used to live in binondo din kasi dati.

    Di mo pa sinama ang tasty dumpling o baka humaba na rin pila haha

  4. Iba-iba naman klase ang mga tao tulad din ng pagkakaiba-iba din ng mga therapist. May mga madaling mainlove kaya madali ring maloko. Mayron namang thera na marami nang napagdaan kaya ingat na ingat na sa tinatawag na pag ibig. Kaya iwas nalang para dina masaktan muli.

    Pero di naman talaga maiiwasang ma-attract ang isang thera sa client na minsan, inaakala n'yang kasagutan na sa pinapangarap n'yang iibig ng tapat sa kanya. Na nakikita n'yang andun na sa client na yun ang lahat ng hinahanap n'ya sa isang lalaki. Na di naman n'ya sinasadya talagang mapamahal.

    May kilala akong umibig sa client,sa madaling salita,di naglaon, inalis ng client sa Spa ang thera na yun at nagsama sila. Nagka anak at tumagal ng 5 years ang kanilang pagsasama. Dahil nasa bahay lang lagi ang babae ay napabayaan n'ya ang kanyang katawan . Tumaba ang babae, di tulad ng dati na maganda na pinipilahan pa ng mga client. Nag iba ang pakikitungo sa kanya ng lalaki dahil dun. Nalaman ng babae na nagpupunta na muli sa Spa ang lalaki. Naghiwalay sila dahil dun. Ginawa ng babae ay bumalik s'ya sa pagiging therapist para mabuhay n'ya ang kanilang anak. Hangang ngayon eh nagwowork pa sa Spa ang thera na yun. Kahit magkabati na sila ulit ng lalaki eh pinabayaan na s'ya na magwork nalang sa Spa. But dina sila nagsasama tulad ng dati. Binalikan lang din s'ya ng lalaki para makipagkita minsan minsan at pumapayag naman ang thera.

    Sa kaso ng thera na yun eh diko rin naman masisisi dahil wala s'yang alam na ibang trabaho kaya bumalik s'ya sa Spa. At ang lalaki ay obvious naman na kung ano lang talaga ang gusto ng lalaki sa kanya. Kawawang therapist. Nasira lang ang pagkadalaga at ngayon isa na s'ya sa mga dalagang ina na kailangang magwork sa Spa para sa anak. Na dati eh nagwowork lang s'ya para sa kanyang magulang at kapatid.

    Ang panget na side sa pagiging therapist eh madami sa mga tulad namin na umaasang may tatangap sa amin ng buo naming pagkatao. Na kapag inalis na kami sa Spa ng lalaking magmamahal sa amin, sa aming pinagkukunan ng pambuhay sa aming mga Pamilya eh sana di maging lalong worst ang magiging buhay namin sa pagsama sa client na iibigin namin. Tao din naman kami, nasasaktan. Di kami masama tulad ng iniisip ng iba. Marami kami na diman maatim ang trabaho eh tinitiis lahat para mapag aral ang mga anak, kapatid o mabuhay ang Pamilya. Di kami mukhang pera. Kailangan lang namin ang pera para mapabuti ang aming mga Pamilya.

    Kaya sa mga client na balak lang eh manloko ng therapist. Paiibigin tapos balak lang iwan nalang sa ere. At yung iba eh peperahan pa at gagamitin para makuha lamang ang masamang nais. Please lang po... Maliit na nga tingin n'yo sa mga therapist diba? Bakit kailangan pang sirain ang aming buo pagkatao? Bakit kailangang lokohin n'yo pa ang mga tulad naming nananahimik lang na at nagpupumilit bumuhay ng pamilya? (Di kopo nilalahat,. Para po sa mga client lang na manloloko).

    Dipo ako galit...

    Naaawa lang ako sa ibang mga thera na niloloko lang.

    At dipo lahat ng thera e nagagawa ang lahat para lang kumita. May mga natitira pang tulad ko na nagpapahalaga parin sa pagkababae.

    Kung iibig po kayo sa isang therapist. Ihanda n'yo muna ang inyong sarili sa mga problemang inyong haharapin.

    Walang lalaki na tunay ang pagmamahal at maatim n'yang makasama o makarelasyon ang babae na nagtatrabaho pa sa Spa. Kung mahal mo talaga ng babae eh aalisin mo s'ya sa spa at tutulungang baguhin ang buong buhay n'ya. Di pera ang pinag uusapan dito, dahil kung mahal ka rin naman ng thera eh pwede naman kayong magplano para maayos at magtulungan parin s'ya para mamuhay lang ng simpleng buhay. At planuhin kung papano parin n'ya matutulungan ang kanyang Pamilyang binubuhay kahit wala na s'ya sa Spa.

    Dapat na pakiramdaman ng client kung mahal n'ya talaga ang thera at di lang dahil sa sikat s'ya sa Spa at pwede n'yang ipagmayabang na s'ya ang nakasungkit sa puso ng thera na pinapangarap ng iba. Kaya paba n'yang ibigin ang thera kahit sa oras na losyang na ang thera? (Kung sakali lang naman dina maalagaan ng babae ang katawan n'ya).

    Kaya bang ipakilala ng lalaki ang thera sa mga magulang at mga barkada or kaibigan kahit malaman man nila na galing lang sa Spa ang babaeng iniibig n'ya?

    Kaya bang tangapin ng lalaki ang mga nakaraan ng thera at di kailan man susumbatan dahil sa kaniyang pinanggalingang trabaho?

    -minsan kase habang tumatagal di naiiwasang nagkakasumbatan na ang magkarelasyon. Tapos nagkakahalungkatan na ng mga masasamang nakaraan na.

    Maibibigay ba ang buong tiwala sa babae at dina pag iisipan ng masama kapag nagsasama na dahil sa iniisip na dating trabaho ng thera? Maiiwasan mo kaya ang mag-isip na laging may gagawing masama ang isang dating thera na karelasyon mo?

    At marami pang bagay na pwedeng pang pag-isipan.

    Ganun din naman sa side ng therapist. Pakaisipin muna dapat kung kaya naba n'yang gawin lahat para sa kanyang sasamahang client na iibigin n'ya habang buhay.

    Yan lang po at matutulog nako...hehe!!

    I will put this in my heart whenever i would go to have a good time. Salute to you madam :)

    Mod Alex, if I can offer sana my two cents

     

    Lagi kong sinasabi kahit sa kabilang thread na sa setup na ito, mas talo talaga yung babae kung hindi naman sya sineseryoso ng lalake. Lets face it, sa industry na ito puros palikero at babaero yung mahahanap na lalake. Patay pa tayo dyan kung me sabit na.

     

    Marami kasi tayong naging kwento dito na nung sumama na yung babae sa lalake, nagbago ang ugali, at sinasaktan na babae. Kung kelan nagkaanak na sana sila. Tapos nung natapos relationship, balik lang si babae sa dating trabaho. Meron din na kung kelan move on na yung babae start na sana ng malinis na buhay, saka sya mumultuhin ng misis nung lalake.

     

    Ano ba nawawala sa lalake? Pera na kikitain lang naman ulit? Pride na pag nasugatan gumagaling naman. Pero sa babae, buong pagkababae at buong pagkatao halos nawawala na sa kanya

×
×
  • Create New...