Jump to content

MCB08

[01] LURKER
  • Posts

    1
  • Joined

Posts posted by MCB08

  1. Good day.

     

    Meron po akong salary loan sa isang bangko. Ang amount is 95k tapos 3yrs ang term. 3 or 4 months lang ang nahulugan ko kasi nagresign ako sa trabaho due to perso al reason. Tapos hindi na ako nakapagwork ulet.

     

    Oct 2, may pumunta dito samen. Eh wala ako. Ayaw daw maniwala. Gusto daw pumasok sa loob ng bahay namin. Hindi pinapasok. Tapos dumiretso po pala sa barangay hall.

     

    Oct 3, may pumuntang tanod dito sa bahay. May ibinigay na sulat at sabi mahearing daw kame ng Oct 5.

     

    Yung letter is demand letter from collection agency stating na ang utang ko is 260k exclusive of interests, penalties and other charges. So nagtry ako makipagcommunicate sa nakasulat na agent duon sa letter.

     

    At eto na nga, nagsimula na ang panghaharass nila. Pinipilit nila akong magbayad mf 140k nalang daw. One time payment. Para daw cleared na ako. Kasi kung hindi daw, kakasuhan daw nila ako. Papasosahan at ililitigate daw ang bahay ng mga magulang ko.

     

    Nakikipagnegotiate ako sa kaya ko sanang terms. Which istretch sana nila atleast 24months yung 140k. Ayaw nila.

     

    Nag oofer ulet, bayad daw ako today ng 40k tapos yung balance na 100k amortize daw ng 11months. Kasi kung hindi, kaso na daw talaga. Wala na daw silang magagawa.

     

    Eh wala talaga akong mahanap na pera. Kug kani kanino na ako lumapit. Pero wala talaga.

     

    Enlighten nyo na po ako. Natatakot kasi ako.

     

    Wala pa rin akong work sa ngayon. May live in partner ako pero sapat lang na pantustos sa pang araw araw na gastusin namin at ng baby namen yung kinikita nya.

     

    May inaasahan akong trabaho sa november. Kaya gusto ko sana na kung maaari, ipagpatuloy ko ang hulog sa bangko.

×
×
  • Create New...