Jump to content

Pards30

[03] MEMBER
  • Posts

    27
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Pards30

  1. On 7/18/2023 at 1:10 AM, plug said:

    Continuation.................

    Falling For a Thera, Usapan Utangan, Budol Budol at Iba Pa

    Nang tuluyan ng gumaling nag decide tumigil sa pagaaral at nagpatulong lang para sa processing ng mga requirements at medical tests para makapagtrabaho. Nagkita kami at binigyan ko ng 30k.

    Nahihirapan daw siya sa trabaho at balak niyang lumipat. After more than a month di siya tumanggap ng suweldo humiling ng 25k para lumipat ng trabaho.

    Natanggap siya sa call center at nagkikita kami sa kanyang day off pero madalang dahil sa pandemic. May naging reklamo siya sa mga kasamahan dahil kesyo pinagkakaisahan siya at iniiwasan. May isa lang siyang kapalagayan ng loob. Di daw gusto ng grupo ang pagtanggi niyang sumama sa happenings o inuman.

    Humiling siya ng 60k para magpagawa ng dagdag na kwarto pang sarili para work at home na pinayagan ng call center.

    Nagkita kami for bonding at para ibigay ang 60k.

    Sa pag asikaso niya sa construction ng kwarto dala niya ang ibang pera para pag labas niya ng trabaho sa early morning diretso siya sa hardware. May nang holdap sa kanya at dahil may pera siyang dala lumaban at pinatulan naman siya ng lalaki. Natangay ang kanyang bag laman ang pera. Na ospital siya dahil sa mga pasa sa mukha at katawan. Gusto niyang ipakita ang kalagayan niya sa viber pero tinanggihan ko. Ayokong makita siya dahil sa galit ko na para sa akin pagkakamali niya iyon.

    Natapos din naman ang kanyang sariling kwarto sa kanyang kakayahan at natuloy sa work at home. Di na kami nagkikita dahil sa pandemic pero tuloy pa rin ang aming communication.

    But then bago matapos ang August nahawa siya sa isang member ng family at naging covid positive. Na ospital silang dalawa at naka recover naman.

    From our text exchanges:

    September 2, 2021 11:23 AM

    Thera: hindi na ako makainga ng maayus nahihirapan na ako gusto ko na padala sa hospital bumababa oxygen ko sobra hirap 

    Thera: pag nawala ako wag mo padin ako kakalimutan mahal na mahal kita

    On December after she was fully vaccinated muli kaming nagkita for the holidays. Ito ang kaunaunahan namin pagkikita after six months. Kasama na rin ang bagong hiling na 120k para makakuha ng pwesto sa night market para makapag negosyo.

    After lunch tumuloy kami sa hotel for bonding na parang sabik sa isat isa.

    Masaya na siya at ang kanyang pamilya dahil maayos ang kita ng night market hanggang ipinasara dahil sa panibagong pandemic alert level.

    Lumipat sila ng pwesto sa palengke para magpatuloy sa negosyo dahil sa pansamantalang par sarado ng night market. Maganda ang naging resulta ng negosyo.

    From our text exchanges:

    December 27, 2021 1:55 PM

    Thera: Hello kamusta garabe dagsa ng tao sobra kapagod pero okay lang sensya kana ahh miss na miss na kita iloveyou so much ikaw lang mahal ko

    Me: Okay lang yan at good revenue...birthday mo na bukas...alagaan ang sarili

    Thera: Pero titinda padin kami bukas baka gabi nalang kami mag salo salo, salamat ahh sobra madami

    To be continued.

    damn! waiting for the next serye hehehe!

×
×
  • Create New...