Jump to content

unknown00

[03] MEMBER
  • Posts

    4
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by unknown00

  1. ngayon wala na ako nakikita pero nararamdaman ko na lang sila o kung ano man sila..pakiramdam ko minsan katabi ko lang sila..pakiramdam ko naman minsan nakatingin lang sila..

    pero gusto ko malaman gusto ko masagot mga tanong ko..baka may kilala kayo pwede maka tulong sa akin..bakit ko nasasabing uulan, bakit yung mga nasa panahinip ko nagkakatotoo,bakit paulit ulit panaginip ko sa malaking bilog na humahabol sa akin,bakit nagkakatotoo mga bulong ko pag masama loob ko

    baka may makatulong

    pls pm me...need ur help

    marami pa ako experienced pero tamad na ako mav type..next time na lang

    • Like (+1) 1
  2. hayan nasa bahay nanaman ako ng lola ko

    nag stop ako sa studies dahil wala naman budget yung dalawang matanda para pag aralin ako..

    so nag apply apply ako..nag work ako..

    may ka workmate ako nanliligaw sa akin.

    inaya nya ako mag movie

    nanood kami movie sa sm north

    di ko bet yung palabas puro barilan hagisan ng granada..parang gyera yung peg ng moment na yun kaya nag paalam ako na mag cr muna..pag pasok ko ng cr may naririnig ako umiiyak..apat cubicle dun

    half open lang lahat ng pinto ng cubicles sa cr..sinilip ko sa ilalim kung anong cubicle yung vacant na may umiiyak pero wala..ako lang pala tao sa cr..at alam ko sa sarili ko na hindi sa movie galing yung iyak..dahil alam jo sound ng movie sa alam mo sa sarili mo kasama mo

    katabi mo lang yung umiiyak..alam ko nasa paligud ko lang..di ko na lang pinansin at nag cr na ako..pero bes habang nagwi-weewee ako yung iyak nya tawa na..palakas na ng palakas yung tawa nya

    parang tumatawa na siya sa tenga ko mismo

    nagmadali ako lumabas..nag aya na ako umuwi kahit di pa tapos yung movie..

     

    nakalipat na ako ng work

    mejo maganda kita

    kaya napaayos ko yung bahay ng lolo at lola ko..

    kung dati sa sala lang ako natutulog

    ngayon tig isa na kami ng kwarto..

    may mga gabi nararamdaman ko may maliliit na tao sa ilalim ng bed ko..imposibleng daga..

    alam ko maliliit na tao yub o kung ano man

    dahil nararamdaman ko bawat pagtama nila sa ilalim ng bed frame..

    may mga gabi naman na magigising ako sa sitsit

    may sumisitsit pero parang di napapagod

    ilang oras ko na naririnig..

    may mga gabi naman bigla gagalaw yung higaan ko

    parang may malaking tao na nag alog sa bed frame ko..di ako adik bes pero yun talaga mga nae experienced ko..

    madalas di ko maikilos yung katawan ko kahit gising na gising naman ang diwa ko..

    nakakaramdam ako ng takot

    may mga moment din may nakikita ako nakaitim na babae sa paanan ko

    nakangiti siya ng pailalim

    nakakatakot yung itsura nya lalo na yung ngiti nya..

    meron pa isang beses

    natutulog ako bigla ako nahirapan huminga

    pag dilat ko may lalaking kalbo na malaki katawan

    parang maputla siya na may konting blue yung kulay nya..yung literal na parang walang dugo na dumadaloy sa kanya..

    t#ang%na bes face to face kami! yung mukha nya

    nasa mukha ko na..1-2inches lang siguro yung pagitan..nakatitig siya sa akin..nilalabanan ko..tinutulak ko siya pero di ko kaya..gang sa binigay ko buong pwersa ng katawan ko..sa isip ko

    isang push pa..pag push ko bigla gumaan nawala siya kaya tumama yung kamay ko sa gilid ng bed frame dahil sa impact ng pag tulak ko..nasaktan ako..gising ako..totoo lahat ng nangyari..

     

    3am tumawag bf ko (ex ko na ngayon)

    papalabas ako ng bahay dahil ayoko marinig ako ng dalawang matanda nakikipag landian hahahahah

    so pag bukas ko ng pinto

    ang daming aso nagtatakbuhan nag iiyakan..di ko alam san galimg yung ganung karaming aso..

    (facing d gate) from left to right yung way ng mga aso...mahaba pa lalakarin ko para makalabas ng gate dahil malawak yung bakuran

    paglabas ko ng gate humarap ako sa left side kung saan yung way ng mga aso..habang lumalandi ako sa fon sinisilip ko yung mga nagtatakbuhang aso.. (nasa right side ko yung gate na)

    bigla tumahimik yung paligid..nawala na yung ingay ng mga aso..pag talikod ko (nasa left side ko na yung gate) shutangina ang laki!

    sobranf laki, sinlaki ng kotse, itim na itim yung aso..parang great dane na parang labrador yung peg.. pero yung lakad nya parang pusa..nanlilisik yung mata! nagbabagang apoy literal! nakakatitig ako habang papalapit yung creature na yun!

    natauhan ako at nagmadali pumasok sa bahay..nakalimutan ko na rin na kausap ko bf ko sa fon.. pagpasok ko ng bahay sinilip ko pa kung nandun pa pero wala na..ang hirap matulog

    di ko maalis sa utak ko yung nakita ko..at hanggangngayon tandang tanda ko pa rin lalo na yung mata nyang pulang pula dahil sa apoy.

    ilan buwan bago ko kinwento yung nakita ko..sabi nila aswang daw yun...nagbasa basa ako ng confessions about aswang..parehong pareho description nila sa article yung nakita ko nung alas tres ng madaling araw!!! siya malamang yung tinatakbuhan ng mga aso nung oras na yun..

    pero pag kinu kwento ko sa iba

    alam ko di sila naniniwala at sinasabing adik daw ako..pero never ako nakatikim ng drugs..

  3. college days

    dun na ako nakatira sa nanay ko

    pag bakasyon nasa amin mga pinsan ko

    hapon nun inutusan ako ng nanay ko kunin yung damit nya sa sampayan..pag lingon ko sa bintana kung nasan ang sampayan

    kitang kita ko may dumaan naka puti pero di ko makita yung mukha..inaabangan ko dumaan sa isa pang bintana pero wala bigla na lang naglaho..kaya ang sabi ko na lang sa nanay ko yung pinsan ko na lang utusan sa sampayan..

     

    10am first class ko

    kaya 8am pa lang bumabangon na ako paramag prepare..na late ako ng giseng..paglabas ko ng kwarto pinagalitan ako ng nanay ko bakit daw nahiga ako uli..sabi ko naman kakabangin ko lang at magmamadali na ako dahil male-late ako

    pinipilit ng nanay ko naka tayo na daw ako ng 6am sa pinto..binati pa nga nya daw ako dahil first time ko daw bumangon ng maaga ng di ginigising..

    pero bes alam ko sa sarili ko na di pa ako bumabangin at bakit naman ako tatayo lang sa may pintuan..

    pinagpilitan ko talaga sa nanay ko na kakabangin ko lang..pero sinasabi ng nanay ko nakita nya talaga ako nakatayo sa pintuan ng kwarto bago soya mag cr at binati ako pero dindaw ajo kumibo..nakayuko lang daw ako at nakasabig buhok ko sa mukha ko..

    nagkatinginan kami ng nanay ko at di namin pinag usapan..dahil alam na namin kung ano ang nakita nya..

     

    hapon. sinundo ako ng nanay ko sa school..

    wala si manang umuwi ng probinsya 2weeks ang paalam kaya alam ko ako ang taga hugas at taga saing..pag uwi namin ng bahay nagpahinga nanay ko naupo siya sa dulo sa may dining area..

    maya maya inutusan ako bumili ng shampoo sa tindahan dahil maliligo siya..lumabas na ako para bumili ng shampoo..pag balik ko

    habang binubuksan ko yung gate nakita ko nanay ko naghuhugas ng pinggan..tuwang tuwa ako dahil nakaligtas ako nung araw na yun na mag hugas ng pinggan..pag pasok ko ng pinto ng bahay..shutangina bes! wala yung nanay ko sa lababo..nasa cr na pala at naliligo..pinagalitan pa ako dahil ang tagal ko daw..pumasok agad ako ng kwarto pagka abot ko ng shampoo..hinihintay ko matapos maligo nanay ko dahil takot na takot ako..pagkalabas ng nanay ko sa cr sumama ako sa kwarto nya at habang nagbibihis siya kinu kwento ko yung nakita ko..dedmahin ko na lang daw at wag na initindihin..

     

    nagsibalikan nanaman ang mga pinsan kong bakasyunista..may mauutusan nanaman ako pag inutusan ako ng nanay ko hahaha..

    may pinsan ako 8-10years old ata siya nung panahong yun..gabi na tapos na mag dinner..

    nakadungaw lang siya sa pinto ng bahay..may screen nga pala yung pinto..

    sabay sabi nya sa nanay ko "tita may naglalakad sa labas ng pinto oh pabalik balik walang ulo"

    bes!!!! pinasara agad ng nanay ko lahat ng pinto at bintana..

     

    sa bahay pa rin ng nanay ko

    inaaya ko mga pinsan ko na sa kwarto matulog tutal mag isa lang naman ako at kasya kaming apat dun..pero ayaw nila nahihiya ata kaya sa sala sila natulog..

    kinabukasan nag kwento pinsan ko na kaedad ko lang

    sabi nya nakatalukbong siya, nararamdaman nya daw na sinisipa ko siya sa right arm nya..alam nya daw na ako yun..ako lang daw malakas mang asar sa amin..paulit ulit ko daw siya sinisipa sa braso (sa sahig sila natutulog) at dahil nakatalukbong siya di nya daw pinansin pag sipa ko at alan nya magsasawa din daw ako pag di nya ako pinansin sa kagaguhan ko..

    gang sa napukon na daw siya at tinanggal ang pagkakatalukbong para sigawan daw ako..pero laking takot nya daw nung nakita nyang hindi pala ako yung nang ti-trip manipa sa braso nya..

    naka brown na babae daw..labas yung isang mata na kulot na sabog ang buhok..sa takot nya daw nagtalukbong daw siya uli pero sinisipa nanaman daw siya..di nya daw alam ano gagawin nya ar sino gigisingin nya

    gang nakatulog na lang daw siya sa takot..nung araw na yun umuwi na siya sa kanila at ayaw na magbakasyon sa bahay ng nanay ko

     

    masama loob ko sa nanag ko

    kaya lumayas ako

    uwumi ako uli sa lolo at lola ko

    after ilan weeks nag kwento sa akin kapatid ko

    sabi nya mula daw umalis ako..ginagamit na nya yung kwarto ko..

    palagi daw siya nakakarinig ng iyak ng babae pag gabi pero di nya daw pinapansin..

    gang one time nagising daw siya dahil bumagsak sa paanan nga yung wall fan.. pag silip nya daw may babaeng nakaputi umiiyak nakaupong nakayuko sa paanan nya..

    minsan naman daw sa bintana sa kwart nakakakita siya ng biglang dadaan..or bigla daw bibigat pakiramdam nya sa bintana

     

    nung natapos na ang renovation nung isang bahay ng nanay ko

    lumipat na daw sila agad

    dahil kung ano ano ang nakikita at nararamdaman nila..pati kapitbahay namin takot sa bahay namin

    mabigat daw masyado sa pakiramdam

  4. bahala na kung maniniwala kayo o hindi

    basta share ko lang experiences ko

     

    magsisimula ako mula bata ako til present

     

    kinder ako nun magkakatabi kami sa bed ng lolo,lola ko at ako..dahil ako ang baby nila ako ang nasa sulok sa bandang pader

    nakakulambo kami na napapaligiran ng mga pillows

    every 2-3am may kumakalabit sa ulo ko 3times

    ang bigat ng ng daliri o kung ano man yun

    pero sure ako hindi yun lolo ko at lalong hindi lola ko

    dahil salitan sila sa pag snore na abot hanggang sala ang lakas..ilan months din tumagal yun every 2-3am nakikita ko sa oras..di ko pinapansin pero nakakapikon dahil magigising ka sa kalabit na napakabigat..para kang binatukan bes ganern.. one time naglakas loob ako..sabi ko sa sarili ko

    once na kalabitin uli ako titingnan ko na..eh di hayun na nga kinalabit ako unang beses nung gabing yun..pagkakalabit sa akin nilingon ko agad..wala ako nakita

    bukod tangi sa gagambang mahaba ang mga paa..pero kung gagamba lang nang ti-trip sa akin twing madaling araw bakit ako? at bakit ang bigat ng paa nya eh napaka soft lang ng mga paa ng gagamba..bakit ang bigat pag kinakalabit ako sa ulo? mula nun di na naulit

     

    gradeschool ako

    pag masama loob ko o kaya naman galit ako

    nakakapag bulong ako ng mga bagay o pangyayari na di maganda..may mga times din na bigla ko na lang nasasabi na uulan..

    yung mga napapanaginipan ko nangyayari pero matagal..years bago mangyari

    tulad nung napapanaginipan kong lugar..luma na

    para kang nasa sinaunang panahon..madalas ko makita sa panahinip yung lugar na yun at iisa lang palagi ang pwesto o kinatatayuan ko..one time nag field trip kami nung highschool..

    uso pa film nun sa camera..nagpapa picture sa akin kaibigan ko..bigla ako kinabahan..nakita ko yung paligid ko..eksaktong eksakto sa panaginip ko pati kung saan ako nakatayo..kinilaburan ako..wala ako mapag kwentuhan dahil ayokong isioin nila na gumagawa ako kwento o nababaliw ako..kinimkim ko na lang..pero palagi kong tanong sa sarili ko..bakit?

    may napapanaginipan din akong bahay

    pula yung gate na malaki at beige naman yung pintura ng bahay..ilan beses ko lang siya napanaginipan..tumira akobsa nanay ko ng tatlong taon..pag uwi ko sa bahay ng lolo't lola ko..paking syeett bes..yung bahay sa panaginip ko nakita ko! sa tapat mismo ng bahay ng lolo't lola ko..tinanong ko bakit nag iba itsura nung bahay sa tapat..ang sabi binenta at may nakabili na..pina renovate..this time lalo ako natatakot sa mga panaginip ko..meron din ako panaginip mula bata hanggang ngayon..bilog.

    malaking bola,malaking bilog

    hinahabol ako ng malaking bola..takbo ako ng takbo pero kahit anong liko gawin ko sa panaginip ko nasa likod ko lang siya patuloy sa paghabol sa akin..nakikita ko rin habang hinahabol ako ng malaking bilog may matandang babae tawa ng tawa..tinatawanan nya ako sa pagtakas ko sa malaking bilog..nakakatakot yung pakiramdam..

    nung bata ako nag start yun kinder ako..

    bigla bigla ko na lang nasasabi uulan kahit di ko naman mean..maya maya didilim na ang paligid uulan na..hindi ko alam pano ko nararamdaman o nasasabi yun..basta umuulan na lang pagkasabi ko..kahit maganda naman ang panahon..

    about naman sa mga bagay o pangyayari na nasasabi ko ng pabulong pag galit ako o masama ang loob ko..

    nagsabi ang lola ko na inaaya siya ng kaibigan nya sumama sa outing..treat ng friend nya.. eh dahil sa bata pa ako nun..gusto ko palagi ako kasama sa mga lakad ng lola ko, pero nung araw na yun ayaw nya ako isama dahil ililibre lang daw siya ng kaibigan nya at nakakahiya daw pag dalawa pa kami na ililibre..nag iiyak na ako nun, nagwawala na ako dahil gustong gusto ko sumama..ayoko mahiwalay sa lola ko..malungkot sa bahay kapag wala ang lola ko..sa galit ko..

    naibulong ko sa sarili ko na sana ma trapik sila ng isang oras palabas ng monumento.

    kinagabihan pag uwi ng lola ko..nag kwento siya sa lolo ko na na trapik nga daw sila palabas ng monumento..di ako kumibo pero natuwa ako sa narinig ko..

    meron pa isang beses sa inis ko kay manong dahil sa ugali nya..naibulong ko na mahulog sana siya sa hagdan..bes! nahulog si maning agad agad pagtapos ko mabigkas yun..natuwa nanaman ako sa loob loob ko..

    kaya yung mga tita ko palagi ako inaamo

    alam nila na pag galit ako nagkakatotoo lahat ng binubulong ko..ang sabi nila may krus daw ako sa dila..

×
×
  • Create New...