Jump to content

Ms. Aira

[04] MEMBER II
  • Posts

    39
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Ms. Aira

  1. THERA

    Hindi ko ginusto ito

    Subalit kailangan

    Sakripisyo para sa sarili

    Upang pangangailan nila’y mapunan

    Hindi napupulot ang yaman

    Ito’y pinaghihirapan

    Nagkataon lang na ang tanging puhunan

    Ay ang pag gamit ng katawan

    Ang bawat oras ay mahalaga

    Na idulot ang panandaliang ligaya

    Kami rin ay sumasaya

    Dahil dito ang aming kita

    Nanay, Tatay, Ate, Tita,

    Natanggap niyo na ba?

    Perang pinadala para sa tuition ni kuya?

    “Salamat anak at anjan ka”

    Di matatawaran ang makita silang ngumiti

    Kahit na iba’t ibang labi sa aki’y dumampi

    Titiisin lahat, basta maging okay lang sila,

    Pinakamamahal kong pamilya

    TAMA! kung minsan nakakasawa rin pero pagnaisip mo pamilya mo nawawala lahat ng hirap at pagod yong nakakalimutan mo na ang sarili mo mabigay mo lang ang makakapagpasaya sa kanila.. Dumarating din na maaawa ka din sa sarili mo yong minsan masasabi mo gusto ko na na maayos na trabaho pero kasi tayong mga thera madalas dahil din sa pamilya kaya kailangan mo itong trabaho nato kasi masakit man isipin tanging ito lang ang sapat na matustusan ang pangangailangan ng ating pamilya.. Proud ako sa mga thera na tulad mo di sa pang sariling luho lang ang iniisip kundi para sa pamilya..

    Aper tayo bessy..

×
×
  • Create New...