Jump to content

Berwaks

[03] MEMBER
  • Posts

    11
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by Berwaks

  1. Dahil dito, napatunayan ko sa sarili ko na takot talaga akong "mawala siya" sa akin. Oo, friend ko siya, ngunit hindi ko siya matiis na mawala. Lubos akong naapektuhan sa sinabi niyang yun. Paano kung mayroon ngang dumating na mas ok kaysa sa akin. Marahil ay uuwi na lang akong luhaan, duguuan. Mapait na pagtanggap ng pagkatalo. Ikinakatakot kong mangyari yon. Ayoko siyang mawala sa aking paningin. Ayokong dumating ang panahon na hindi ko na siya maaaring yayaing kumain sa labas, kausapin sa phone, samahan sa paglalakad, at makasama sa oras ng kailangan ko ng kasama. Baka bigla na lang maputol ang pagiging mag-buddy namin.

  2. May mangilan-ilang beses nang lumalabas kami na wala akong dalang payong. Umuulan o uulan pa lang. Papayungan ko siya gamit ang payong niya. Hindi pa nagyayaring may dala akong payong na gagamitin ko para payungan siya. What if mayroong ngang isang taong mas lamang sa akin ang magdala ng payong para lang sa kanya? Hindi ko pa siya natatanong tungkol dun. Hindi ko kasi alam kung big deal ba yun o hindi. Sa akin big deal. 'Di ko talaga alam kung may nais ba siyang iparating sa akin.

×
×
  • Create New...