Jump to content

thehardry

[03] MEMBER
  • Posts

    7
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by thehardry

  1. Kakadagdag ko lang ng additional RAM sa rig ko from 4GB (1x4gb) dinagdagan ko ng 8gb so 4gb + 8gb sticks na siya. kaso nakalagay sa system info ko is 12gb installed tapos 7.94gb usable. via CPU-Z sabi naka single channel ako. 2 lang ram slots ng mobo ko. 12gb nga ba talaga ako? may isang stick ba na hindi na uutilize?

     

    Normal lang naman na less than the total installed yung available na RAM, pero hindi normal yung mawawala yung 4Gb+.

     

    Wala naman bearing yung single/dual channel sa total RAM available dapat.

    I think probable cause na hindi supported ng motherboard mo ang more than 8Gb? Anong brand/model ng motherboard mo?

    Can't really tell what's happening pero here's a way for you to check kung hindi nga ba na-uutilize yung isang RAM stick:

    Tanggalin mo muna yung 4GB na RAM and then check kung magbago yung usable RAM mo.

  2. On your humble opinion what will be the best programming language? I am planning kasi mag undergo ng training.

     

    Thanks

     

    Depende kung anong end goal mo sa career.

     

    Kung gusto mo ng website/browser based systems, simula ka sa PHP and then move on to other languages.

     

    Ang habol mo sa pagaral ng PHP sa umpisa ay

    1) makakuha ng projects/trabaho for the meantime (pay the bills and food on the table)

    2) makakuha ng hands-on experience

     

    OK yung PHP for bread and butter kasi mababa ang barrier to entry, pero hindi siya exactly yung pinaka-okay ang programming practices.

    Ang next level sa web stuff ay mag-move on to other languages/frameworks: Ruby/Rails, Javascript/NodeJS, etc.

     

    Sub-branch ng website/browser-based stuff ay front-end development.

    Medyo mahirap siya i-explain, pero kung mapapansin niyo, iba ang experience ng typical na website ng mga companies compared sa Facebook for example.

    Hindi mo na kailangan i-refresh yung page sa Facebook para makita na may bago kang status / message / etc.

     

    Yung part na yun yung trabaho ng front-end developers -- UI/UX - User Interfaces or User Experiences.

    Kung yan yung trips mo, javascript (JS) and frameworks ang kailangan mo.

    Start ka sa pure JS, tapos jQuery tapos move on ka sa AngularJS or ReactJS.

     

    Kung trips mo naman ay mobile, depende sa platform na gusto mong i-target at anong klaseng experience yung gusto mong gawin.

    Kung Android, aral ka ng Java.

    Kung iPhone, bili ka muna ng Mac, tapos aral ka ng Objective C or Swift.

    Kung gusto mong cross-platform, bili ka padin ng Mac, tapos aral ka ng Javascript/react-native. Pero maganda parin na may foundation ka ng Java/Objective C para medyo magets mo yung nangyayari kay react-native.

     

    Kung gusto mo ng games, as in yung graphic intensive na games, C++ talaga. Hindi ko na alam yung next level, pero I'm guessing mga game development engines na yung kasunod.

     

    Kung gusto mo magtrabaho sa bangko na legacy systems: COBOL

    Kung gusto mo magtrabaho sa bangko na modern systems (at majority ng mga enterprise systems): Java or .Net

    Kung gusto mong maging "systems integrator" at ma-stuck kay HP, mag SAP ka (madami din namang pera, so medyo okay lang)

     

    Kung gusto mong maghawak ng servers, install ka ng Ubuntu, tapos ito yung mga i-research mo:

    Apache, Nginx, MySQL, PostgreSQL, PHP, Ruby, PHP-FPM, Redis, iptables, logrotate, monit

     

    Usually, ang trabaho ng sysad, puro basa ng manuals at pag-configure ng mga bagay bagay.

    Kung gusto mong mag-level up at mag-automate ng system management, aral ka ng Python or Ruby, tapos hanapin mo yung ansible or chef.

     

    Kung gusto mo mag-research, usually Python or Matlab.

    Pero pag research, kahit na anong weird na language gamitin mo, okay lang basta yun nga yung kailangan mo.

     

    Kung gusto mo lahat, go lang. Basta, mag-spend ka ng 1 to 2 years each para makapa mo talaga kung gusto mo nga siya.

     

    Pero sabi nga ni tech_buff, at the end of it, pare-parehas lang yan.

    Core concepts, in order of importance:

     

    0) Logic

    1) Data Structures

    2) Design Patterns

    3) Algorithms and tradeoffs

    • Like (+1) 2
×
×
  • Create New...