Jump to content

jbernedo10

[02] QUARANTINED
  • Posts

    1
  • Joined

Posts posted by jbernedo10

  1. hello po.. itatanong ko lang po sana kung pwede po ba ma-amend ng seller yung contract to sell ng lupa kahit na po hindi payag ang buyer at pareho na po sila may pirma sa contract? Nagkamali po kasi ang seller ng computation ng total sqm na sukat ng lupa na binebenta sa buyer. Pati po kasi yung right of way namin sa isang side ng lote namin ay naisama. kasi po yung lupang pinili at nabili po namin ay corner lot along the main road at nakasaad po sa title ng lupa namin na merong road on the north-west and south-west ng lupa namin. kaya lang po ay sakim po sa lupa ang kapitbahay namin dahil po nakapangasawa ng amerikano at biglang naging milyonarya at binibili nya po ang lahat ng lote sa block 7 and block 8, at ang lote at bahay ko na lang po sa block 8 ang hindi nya nabili sa amin sapagkat di naman po namin pinagbibili. kaya yung lapad na 5 meters na road po sa pagitan ng block 7 & 8 ay pag-aari nya na raw po at kanya nang babakuran kahit wala pa naman po syang deed of absolute sale at meron pa lang na contract to sell. yung lapad na 6 meters sa main road na nasa tabi po ng bahay namin, dun lang daw po kami may right of way samantalang corner lot nga po ang pinili namin dahil gusto namin na may access kami sa road, space, air at natural light on both sides of our lot. yung karapatan lang po naman namin sa 2 roads ang nais namin. Nung nakausap ko po ang seller, ipapa-amend nya daw po yung contract to sell.ang pangamba ko po ay paano kung di pumayag ang buyer? anu po ang dapat kong gawin para maibalik yung karapatan ko sa isa pang kalsada, at sinu po ang dapat managot, sapagkat pinili po namin ay corner lot at corner lot po ang ibinenta sa amin tapos biglang hindi na po magiging corner lot ang lupa dahil pati po kalsada sa harap ng bahay namin ay nagkamaling ibenta?maraming salamat po in advance sa inyong tulong..God bless..

×
×
  • Create New...