Jump to content

buboybadudels

[04] MEMBER II
  • Posts

    124
  • Joined

  • Last visited

Posts posted by buboybadudels

  1. 45 minutes ago, PedroPaterno said:

    Eto yung sayang pero bossing sana ok lang kayo, and sana may natutunan. At least ikaw malinis konsensya mo and no regrets kasi 100% binigay mo (200 pa nga eh.)

    Yes super no regrets. Minsan nalulungkot kasi diba what if. Pero siya naman na kasi bahala sa buhay niya e kung ma-stuck siya dito or what.

  2. Wow may thread palang ganito tapos ang active.. let me share something din hehe.

     

    Nung kasagsagan ng pandemic, I was at my lowest. Namatayan ako ng mahal sa buhay dahil sa covid.

    Hindi naman ako mahilig masyado sa spa pero gusto ko talaga ng may makakausap at the same time marelax.

    Luckily, meron akong ina-eye na thera dati tapos umalis dahil nag Japan. Nakita ko siyang nakaline up sa isang spa sa makati. Super crush ko siya dati pa.

    So dumalaw ako sa kasagsagan ng pandemic and sobrang naging sulit yung visit ko. Naabutan ko siya ng tanghali, kabubukas lang ng spa and medyo naging matagal bonding naman at kwentuhan.

    Eventually, I was seeing myself na nageeffort na sakanya, diladalhan siya ng food etc. Tinanong ko kung may BF na siya at sabi niya wala. So medyo naging mas eager akong kilalanin siya kasi ang bait din niya (single mom siya btw)

    Umabot na nagpapadala nako ng flowers and naglalabas na kami. Walang sex to ha, talagang bonding lang. Eventually na-stalk ko fb niya and may BF pala siya. Cinonfront ko siya at sinabi niyang pawala na rin naman daw relationship and naghihintay nalang kung sino yung bumitaw.

    So medyo sumugal pa rin ako, lagi ako nagpapadala ng food, pag wala siyang guest ako pumupunta, nageeffort, nagtatravel kami outside ng metro para magdate. All expense paid at kasama na rin yung bayad sa oras niya sa spa kasi nga na-fall na ako.

    May time na na-stalk ko ulit siya sa FB tapos nakita kong sweet ulit sila ng bf niya. Nawala ako bigla, ang sakit. Pero bigla akong nagmessage sakanya after siguro a month or 2. Saktong nalipat siya ng spa and medyo nagkahiwalay na ulit sila ng bf niya.

    We started dating again. Talagang i gave my 200%. Kahit di naman ako super yaman, ginawan ko ng paraan para makasama siya at masustain yung kailangan niya. Eventually nakkwento na niya ako sa bestfriends niya and sa family. Dun ako natuwa. Ang sabi ko sakanya, eventually maalis ko siya sa work niya and magstart kami business para matulungan din family niya. Nagbudget pa ako para dun.

    Nang biglang, naging cold siya. Parang kung ako 200% binibigay ko, siya 50% lang. Ni hindi ako matext ng matagal, nag ggood morning lang. Tapos medyo masikreto pa yung ginagawa niya. Nahuli ko pang nageentertain ng iba. Sabi niya client lang daw yun.

    Pagkatapos ng mga events na yun, i was loyal pa rin. Inintindi ko siya. Pero merong time na alam kong hindi pala talaga siya makamove on sa BF niya (na hosto). Natauhan ako at sinabi ko sakanya na choice na niya lang kung gusto pa niya. All she need is i-message ako sa fb and I will give my all again.

    Pero hindi na iyon nangyari.

    • Sad (+1) 3
×
×
  • Create New...