Jump to content

Storm777

[02] QUARANTINED
  • Posts

    6
  • Joined

Posts posted by Storm777

  1. Sa kasawiang palad, walang epekto ang maling address sa bisa ng iyong kasal, ang importante, nung araw ng inyong kasal, kayong dalawa ng asawa mo ay nasa edad, walang sabit, pumayag na magpakasal sa isa't-isa, at ang inyong kasal ay idinaos ng taong may kapangyarihang magkasal (pari, mayor, , ministro, pastor etc.)

     

    ganyan ang lumabas sa Certificate of marriage mo (San Juan imbes na Manila, yuung tunay na pinagkasalan sa inyo) dahil, mas malamang sa hindi, kayo ay dumaan sa fixer, at ang nagkasal sa inyo ay otorisado na magkasal sa San Juan (yun lang, hindi ito depekto na makaka-apekto sa bisa ng kasal mo).

     

    Kaya lang, dahil dumaan kayo sa fixer, maaaring may depekto ang lisensya niyo (ang numero ng marriage License at kung saan ito iginawad ay nakalista sa baba ng Certificate of Marriage, sa may kaliwa). Tingnan mo kung saang Civil Registrar ang nag-issue nito (eg. San Juan o Manila o Imus). Pumunta ka dun at magtanong kung meron ngang ganung marriage license na inilabas ang Civil Registrar na yun. Kung meron (at ito'y nasa pangalan ninyong mag-asawa), tapos ang kwento, pero kung wala o sa ibang tao naka-pangalan yung lisensya - AYUN, walang bisa ang kasal mo (alalahanin mo lang na, mas malamang sa hindi, ito ay suntok sa buwan).

     

     

     

    salamat po ng marami =)

  2. Hello po, mga Sir, ask ko lang po, kasi kinasal po ako sa City Hall ng Manila, after 10 years, ngayon ko lang nalaman na sa City hall ng San Juan naka register ang kasal ko base sa Marriage Cert at iyong address na hindi ko naman po address sa San Juan ang inilagay dun na ni minsan hindi naman ako tumira dun o hindi ko alam iyong lugar na iyon... ang tanong ko lang po, Null and void po ba kapag ganun ang scenario. The rest ng infos are correct. Eto lang po ang hindi ko maintindihan bakit sa San Juan ang mga details. Salamat po

×
×
  • Create New...